Chapter 4

14 3 0
                                    

Hoseok's POV

Siraulong to iniwan ba naman ako dito palibhasa ayaw na ayaw niyang jinojoke siya gusto niya siya ung mag-jojoke tapos pag-napikon ka hindi yan mag sosorry tawa at tatawa lang yan.

Wala bading na talaga to psh.

Pero napansin ko kanina para may hindi siya sinasabi samin eh. Ang daya maka sarili.

Hindi ko parin kasi makalimutan ung nang yari kanina sa school..

Tingininginginginginginginging...

Effects yan wag kayo ano..

Flashback

Habang hinihintay ko ang mga tropapits ko sa labas ng room nakita ko si Taehyung na naunang lumabas at nag-mamadali kaya naman nag-taka ako kaya pinaloyo ko muna siya bago ko muna siya sinundan.

Mamaya nakita kong huminto siya sa harap ng classroom at pumasok dun kaya sinundan ko naman siya at nag-tago ako sa likod ng pader para hindi nila ako makita.

Ano kaya ginagawa jan ni Taehyung tsk tsk siguro may crush siya jan hays.

Sabi ko sa utak ko at tumingin nalang at nakinig sa pinag-uusapan nila.

"Hi Taehyung! Pano mo nalaman yung room ko?"bati sa kaniya ni Yuna

" Ah. Sinabi sa akin ni Namjoon,sabi niya kasi mag-katabi lang kayo ng room." sabay ngiti ni Taehyung.

Pinagmasdan muna niya si Taehyung at para siyang nakakita ng angel dahil nasa harap niya si Taehyung.

Tsk parang ngayon lang nakakita ng gwapong lalaki tsk.

"Btw,nasaan pala yung mga kasama mo?" tanong ulit ni Yuna kay Taehyung.

"Nauna na sila. Hinintay na lang kita. Gusto ko kasing kasabay kitang umuwi." sabay matamis ngiti ni Taehyung sa kaniya.

May gusto tong ugok kay Yuna sabi na ba kaya grabe siya makatingin kay Yuna kanina tsk tsk.

"Sorry pala kung feeling close ako sayo. Wala kasi akong babaeng kaibigan eh." dagdag niya.

"Haha. Okay lang noh. Gusto ko nga din mag-karoon ng lalaking kaibigan. Katulad ni Namjoon." sabi naman ni Yuna.

"By the way,saan ka ba nakatira?"  tanong ni Taehyung.

Tsk at balak pa talagang ihated ah lupet mo tol tsk halata ka na boy.

"Shintaro Century. Ikaw?" sagot naman ni Yuna

"Ah. Pagkalagpas lang nun hehe." sabi ni Taehyung. "So,payag ka? Sabay tayo umuwi?" dagdag pa niya.

"Ah sige." sagot naman ni Yuna

"Yowwwwn! Teka tapos ka na ba mag-walis?"

"Ah oo. Tapos na. Tara na." kinuha na ni Yuna ang bag niya at lumabas na sila kaya naman ako sumunod sa kanila at nag-tatago naman ako sa pwedeng pag-taguan kaya naman hindi nila ako gaano nakikita.

Kaya habang nag-lalakad sila este kami naririnig kong kinakausap siya ni Taehyung.

"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Jungkook?" tanong niya.

"Ang bilis kasi ng pangyayari eh. Bigla nalang nahawakan yung dibdib ko,tapos hindi 'man lang nag-sorry ang kupal!." inis na sabi ni Yuna.

"Ang sabi niya sa amin,aksidente lang daw yun." wika ni Taehyung.

"Tsk. Sorry lang naman ang sasabihin niya,hindi 'man lang sinabi,nasa harapan niya pa naman ako nun eh. Wala ba siyang bibig!!?" galit na sabi ni Yuna.

"Whoa,whoaaaa. Easy lang po. Haha. Don't worry kami na bahala dun." sabay ngiti ni Taehyung.

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon