Chapter 37

2 0 0
                                    

Namjoon's POV

Ilang araw na hindi nag-uusap sina Jungkook at Taehyung. Hindi namin alam ang gagawin kung paano sila magbabati.

Siyaka iba talaga magalit si Taehyung at Jungkook. Kapag naman galit si Taehyung,mataas talaga ang pride niya pero depende naman sa tao. Ganun din si Jungkook.

Nasa bahay lamang ako,nasa kusina sina Jin,Jimin,Yoongi at Hoseok. Umalis naman si Taehyung pero hindi ko alam kung saan pupunta. Si Jungkook naman,nasa kwarto. Pumunta ako sa kwarto. Kakatok na sana ako dahil bigla binuksan ni Jungkook ang pinto.

"Oh? Bakit hyung?" tanong niya.

"Pwede ba tayong mag-usap,Jungkook?"

"Sige lang."

Pinapasok niya ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at umupo siya sa tabi ko.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan,hyung?"

"Tungkol sa inyo ni Taehyung at.... Yuna."

Tumingin lamang siya sa akin.

"Jungkook,alam mo namang may gusto si Taehyung kay Yuna diba?"

"O-oo...."

"Pero-"

"Pero ano? Na mali yun? Mali ang ginawa ko? Hyung. Naging totoo ako sa kanya! Masama ba yun!?"

"Hindi naman sa ganun pero... Nag-aaway kayo ng dahil lang kay Yuna!? Alam niyo bang madadamay ang pagka-kaibigan niyo dito!? Sisirain niyo ang pagka-kaibigan niyo ng dahil sa babae!?"

Tumungon na lamang siya at hindi naka-pagsalita.

"Mag-usap kayo ng maayos ni Taehyung. Kung hindi. Mananagot kayo sa akin."

"Sige. S-susubukan ko."

"Gawin mo aba!"

May narinig na lamang kami na may bumukas ng pinto.

"Namjoon. Jungkook. Kakain na tayo." wika ni Jin.

"Sige. Susunod na lang kami."

Jungkook's POV

"Eomma Jin,ano ulam!?" tanong ko.

"Pritong isda." sagot niyang matipid.

"Thanks, Eomma!" sabi ko.

Umupo na kami sa mga pwesto namin. At bigla na lang dumating si Taehyung.

"Oh,Taehyung! Tamang-tama! Kumain ka na!" sabi ni Yoongi.

Ngumiti na lamang si Taehyung. Umupo siya sa tabi ko,dahil sa tuwing kakain kami,palagi kaming mag-katabi. Kumain na lamang kami ng tahimik,hindi umiimik at hindi nag-uusap.

Kukuha na sana ako ng isda pero nagulat nalamang ako na kukuha din si Taehyung,dahil iisa na lamang yun.

Hindi na lamang kami kumuha.

"Pati pa naman pagkain,inaagaw. Tsk." parinig sa akin ni Taehyung.

"Stop that,Taehyung. Nasa harapan tayo ng pagkain." sermon ni Namjoon.

"Bakit? Totoo naman ah?" sagot ni Taehyung.

"Tsk! Kim Taehyung!" wika ni Jin.

"Tsk. Bahala na nga kayo. Nakakawalang gana. Kayo na lang kumain." sabi ni Taehyung at tuluyang umalis.

"Tsk. Masyado kasing nagpapadala sa galit si Taehyung eh." sabi ni Jimin.

"Wala talaga tayong magagawa. Hayaan niyo na,matatauhan rin yun." sabat ni Hoseok Hyung.

Yuna's POV

Napapa-isip pa rin ako kung nag-uusap ba sila o nagpapansinan 'man lang ba sina Jungkook at Taehyung. Hay. Kasalanan ko kasi 'to eh.

Nagpasiya ako na tawagan si Namjoon.

Namjoon calling...

Kaya naman sinagot niya agad ang tawag ko.

"Hello? Yuna?" wika niya.

"Oppa Namjoon? Kamusta?"

"Okay lang Yunani. Ikaw? Kamusta?"

"Same. Kamusta yung anim?"

"Okay lang yung apat. Pero... Yung dalawa hindi eh."

"Hindi pa rin ba sila nag-uusap? O nagpapansinan 'man lang?"

"Oo eh. Masyado talagang ma-pride si Taehyung."

"Hay.. K-kasalanan ko kasi eh.."

"Yunani,wala kang kasalanan. Nasa kanila kasi yun kung magbabati sila o hindi. Masyado kasing nagpapadala sa galit si Taehyung... Siyaka si Taehyung kasi... Nai-inggit talag kay Jungkook."

"Nai-inggit?"

"Oo. Kasi si Jungkook,palaging top 1 sa klase at palagi nasa kanya ang atensiyon ang lahat. Samantalang si Taehyung palagi na lang pumapangalawa kay Jungkook."

"K-kaya pala..."

"Oo eh gan- Aray! Ano ba! Ibalik mo nga sa akin yang phone ko! Walang hiya kang jamless ka!"

"HI YUNAAAAAAA! Kamusta na?" bigla kong narinig na tinig ni Jimin.

"Okay, lang. Ikaw?"

"Okay lang din! Pasensiya na kung naistorbo ko kayo sa pag-uusap niyo. Nami-miss lang talaga kitaaaaa!"

"I miss you too Oppa."

"Yieeeeee! Totoo ba yan!?"

"Oo nga. Walang halong biro."

"Sige na! Sige na! Ibaba ko na 'to."

"Sige."

Call ended.

Pagkatapos naming mag-usap,nagpasiya na ako na bumaba na para kumain. Dumeretso agad ako sa kusina,nadatnan ko si Oppa Bobin.

"Yuna,kumain ka muna." wika niya.

"Sige po."

"Nakalimutan ko pa lang matanong. Kamusta ang trip niyo sa Busan? Masaya ba?" tanong niya bigla.

"Ah.. Eh.. M-masaya naman oppa." pagsisinungaling ko.

"Siyaka dinala kami ni Yoongi sa restobar ng tatay-tatayan niya sa Busan." dagdag ko.

"Taga-Busan ba talaga dati si Yoongi?"

"Yup."

"Ah. Kumuha ka na lang ng kakainin mo diyan. May aasikasuhin pa ako." wika niya.

"Sige po." sagot ko.

Taehyung's POV

These past few days. Hindi kami nag-uusap ni Jungkook o pansinan 'man lang. Nami-miss ko na siya. Nami-miss ko yung pag-sasama naming dalawa.Nagpadala lang talaga ako sa galit ko.

Siyaka sa tingin ko naman na mahal ni Yuna si Jungkook. Siyaka iba talagang mag-mahal si Jungkook. Para bang yung ginawa niya kay IU. Alam kong mahal ko si Yuna pero... Mas mahal ko si Jungkook. At importante talaga ang pagsasama naming dalawa.

Dahil nga simula nung mga bata pa kami,kami na talaga ang mag-bestfriends.

Pumunta ako sa kwarto at kumatok. Dali-dali naman binuksan ni Jungkook  ang pinto.

"'Tol? Pwede ba tayong mag-usap?"



—————————————

Hello, I'd like to hear your thoughts on this chapter. Could you please leave a comment? Thanks! ><

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon