Jungkook's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Halos hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.
Nawala na siya...
Nawala na ang pinaka-mamahal kong tao...
Sobrang sakit...
Gusto kong magwala...
Gusto kong sumigaw ng malakas dahil sa sakit na nararamdaman ko...
Next Day ( Nov. 21 2018, 8:46 a.m. ):
Nadito kaming lahat ngayon sa isang Chapel. Hinihintay namin ang kabaong ni Yuna. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na nawala na siya.
Halos lahat kami. Hindi namin matanggap.
Yakap-yakap ko ang kapatid ni Yuna na si Jam. Kanina pa siya humahagulgol sa iyak.
"Noona ko...." sabi niya habang humahagulgol sa iyak.
Ilang minuto ang nakalipas nakarating na ang kabaong ni Yuna. Kaya naman bumuhos ulit ang luha ko.
Nangnilagay na ito sa gitna,agad na pumunta si Jam sa tabi ng kabaong no Yuna. Tinitignan niya si Yuna at bumuhos lalo ang luha niya.
"Noona ko... Gumising ka please! Bumangon ka na! Noona....!" sabi ni Jam at humahagulgol sa iyak.
Lumapit ako kay Jam at niyakap siya. Niyakap niya 'rin ako pabalik.
Lumapit na sina ang mga hyung ko kay Yuna pati na rin si Bobin. Hindi nila mapigilang umiyak ng dahil nakita nila si Yuna.
Yoongi's POV
Hindi ko pa rin ang nangyari kay Yuna. Bakit ganun? Bakit niya kami iniwan?
Wala na ang Yuna na laging nagpapatawa at nagpapasaya sa amin.
Wala na ang Yuna na palatawa.
Wala na ang Yuna na laging kaming sinusuportahan sa mga gusto namin.
Wala na ang Yuna na palagi nandiyan para sa amin.
Wala na ang Yuna na nagmamahal sa amin ng sobra.
Wala na siya...
Napaka-sakit sa damdamin na nawala ang matalik mong kaibigan.
Sobrang-sobrang sakit...
"Yoongi hyung..." tawag sa akin ni Jimin habang pinupunas ang luha niya.
"Bakit?"
"Tinext mo na ba ang parents mo? Pati na rin ba ang kapatid mo?" tanong niyang mahinahon.
"Oo parating na daw sila dito sa Chapel." sagot ko.
May na lamang kami na may pumasok,agad kaming napatingin,sina Eomma at Appa pala yun. At ang kapatid ko na si Noona Thea.
Agad na ako lumapit sa kanila at niyakap.
"Yoongi anak... Alam kong masakit sa damdamin ang nangyari... Pero kailangan mo talagang tanggapin..." wika ni Eomma.
Nagsimula na ulit akong umiyak ng dahil sa sinabi nila. Lumapit si Bobin sa amin.
"Hijo,ikaw ba ang kapatid ni Yuna?" tanong ni Appa kay Bobin.
"O-opo ako nga po..."
"Nakikiramay kami... Kami pala ang parents ni Yoongi,eto pala ang kapatid ni Yoongi,si Thea."sabi ni Appa.
"Ganun pu ba? Pwede pu kayong ma-upo." yaya ni Bobin.
Sumunod na lamang ang parents ko at ako. Pumunta naman si Noona kay Yuna.
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.