Chapter 20

10 1 0
                                    

Jungkook's POV

Ang hapdi ng leeg ko! Kinagat kasi ako ng hantik eh! Bakit pa ba kasi na sumandal ako sa puno! Namumula tuloy.

Nag pasiya na ako umalis sa punong inasandalan ko baka kasi pag peystahan pa pa ako ng mga langgam. Haha ganon talaga pag masarap pati langgam papapakin ka.

Nang makarating na ako sa bahay at pumasok na,nadatnan ko ang apat na kupal.

"Ay. Nandiyan ka na pa-" at naputol ang pagsasalita ni Hoseok.

"HOY?! Ano nangyari sa leeg mo!?" dagdag niya.

Napansin niya pa talaga ang leeg ko ha?

"Ha?! Patingin nga!" sabi ni Jin.

"Hahaha! OMO!! May chikinini si Jungkook! Haha yuck!" asar sakin ni Jimin.

"ANO?!" Sabi ni Jin.

"TARANTADO KANG BATA KA! BAKIT MAY CHIKININI KA HA?! SAGOTTTTT!?" galit na sabi ni Jin habang pinapalo ako.

"SI JUNGKOOK MAY CHIKININI!~ HAHA!" natatawang sabi nina Hoseok at Jimin.

"KINGINA NIYO! HINDI YAN CHIKININI! MGA BASTOS!" sigaw ko sa kanila.

"Kaya nga. Kagat yan ng antik 'noh?" sabi ni Yoongi sa akin.

"Oo. Ang hapdi nga eh." sagot ko.

"MABUTI PA 'TONG SI YOONGI-HYUNG TAMA ANG INIISIP! EH KAYO ANG DUMI DUMI NG MGA UTAK NIYO!" sabi ko ng pasigaw.

"Bakit ka ba kasi kinagat ng antik? Ano bang ginawa mo?" tanong ni Jin.

"Sumandal kasi ako sa puno,hindi ko kasi alam na may antik." paliwanag ko.

"Hay nako. Sa susunod kasi magiingat ka!" sabi ni Jin sa akin.

"Opo eomma." sagot ko.

Ilang segundo dumating na si Taehyung,naalala ko tuloy na kung bakit hindi siya pumasok.

"Uy Taehyung! Saan ka ba galing? Bakit hindi ka pumasok?!" sabi ni Yoongi.

"Ah.. May pinuntahan lang ako." sagot niya.

"Saan ka naman pumunta?" sabi ko.

"Kay Yuna." sabi ni Taehyung at wagas na ngiti niya.

"Abaaaaaa. Kakaiba yang ngiti mo ah. Parang wala ng bukas." sabi ni Hoseok.

"May gusto ka kay Yuna noh?!" asar ni Jimin.

"Oo." deretsong sagot niya.

"AYIIIIEEEEEE!!!!" sigaw ni Jimin.

"Alam niya ba?" sabi ko na walang mood.

"Aalamin niya palang." sabi niya.

"Ha? Bakit naman?" sabi ni Hoseok.

"Sinabihan ko siya na mahal ko siya pero...." sabi niya.

"Pero?" Sabi namin.

"In French." Sabi niya.

"AY!" sigaw ni Jin.

"Punyeta,kala mo naman alam ni Yuna ang ibig sabihin nun!" sabi ni Yoongi.

Medyo naiinis ako sa sinabi ni Taehyung,hindi ko kasi alam na may gusto siya kay Yuna.

Ilang segundo dumating na si Namjoon,nagulat kami sa ulo niya. Bakit naging semi-kalbo?! Haha! Nakikiuso ba siya sa super moon?

"Wooowwww! Hindi na siya fetus haha!" sabi ko.

"Nakiki-super moon tayo hyung ha!" sabi ni Taehyung.

"Omo!! Nakakasilaw!" sigaw ni Hoseok.

"Tangina! Patayin niyo nga yung ilaw! Nakakasilaw!" asar ni Yoongi.

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon