Jungkook's POV
Kasalukuyan ay nasa bahay na ako kasama ang anim na bugok. Shorten period lang kasi kami eh. Nakakabanas nga eh. Wala akong magawang matino sa bahay. Napaisip ako na mag-yaya mag-mall.
Kaso ang problema ayaw nila. Kasi daw may gagawin pa silang importante. Nagiisip ako na sino pa ang yayayain ko. Napaisip ako na i-text si Yuna.
To: Yuna
Pandak. Tara mall tayo! Sagot ko pagkain!
Kaya naman nag-reply siya agad.
From: Yuna
Sige ba! Anong oras? Saan tayo magkikita?
To: Yuna
2:00 p.m. Tapos susunduin na lang kita.
From: Yuna
Sige! Maghihintay ako. :)
Yuna's POV
"Bakit ba kasi bigla ka na lang nagyaya?" tanong ko ng makarating kami sa mall.
"Bakit? Masama ba? Wala ka namang gagawin diba?" mataray niyang sagot.
"Taray mo!"
"Puro ka kasi tanong eh!"
Tumahimik na lamang ako.
"Gusto mo na bang kumain?" tanong niya.
"Mag-ikot ikot muna tayo!" sagot ko.
"Sige tara." sabi niya at hinila ang kamay ko.
Kung saan saan na kami pumupunta. Ilang minuto may napansin akong tindahan ng sapatos. Nagandahan ako sa isang sapatos na kulay puti. Mahilig kasi ako sa sapatos na puti.
"What are you looking for?" tanong niya.
Hanggang sa napansin niya na tinititigan ko ang sapatos.
"Gusto mo yan?"
"Oo.. Kaso... Wala akong pera. Mahilig pa naman ako sa sapatos na puti."
"Tara na. Kumain na kaya muna tayo?" sabi ko.
At sumunod na lamang ako sa kanya.
Jungkook's POV
Napapaisip pa rin ako na mahilig pala sa sapatos na puti si Yuna. Magkatulad din pala sila ni... IU...
Flashback:
"Loveeeeeee! Tara punta tayo sa store na yuuuuuun!" yaya niya sa akin at sabay turo sa tindahan ng sapatos.
"Yaaaaa~ Oo na." sagot ko.
At pumasok na kami sa store ng mga sapatos. Nagikot ikot kami hanggang sa may tinuturo siya na sapatos. Kulay puti na sapatos. Sabi niya mahilig siya sa puting sapatos. Kaso mahal nga lang daw ang presyo. Pero ang plano ko 'nun na iregalo sa kanya ang sapatos yun. Lahat kasi ng gusto niya ay binibigay ko. Syempre,I'm her boyfriend. Kaya naman binili ko ang sapatos na yun. Binagay ko ang regalo na nung birthday niya.
End of Flashback:
"Hoy ilong! Okay ka lang? Kanina ka pa tulala!" sabi ni Yuna sa akin habang nakain
"W-wala. May n-naalala lang ako." sagot ko.
"Jeon Jungkook! Kumain ka!" sabi niya at sinubo niya sa akin ang burger.
"O-oo na!" sabi ko habang ninunguya ko ang kinakain ko.
"Kumain ka pa aba! Para naman tumaba ka!" sermon niya.
"Eh! Baka mapaano pa 'tong abs ko~" wika ko.
"Ulol. Taas ng pangarap mo boi."
"Talaga naman eh! Nakita mo naman yun diba! Nung aksidente kang nakapasok sa C.R. 'nun! Ano haaaaaa!?" asar ko.
Tumigil na lamang siya sa kinain niya.
"Oh kaya? Sinadya mo talaga yuuuuun~"
"ANO!? MALIBOG KA!"
"HA!? HAHAHAHA! IKAW KAYA YUN! HINDI KO NAMAN INIISIP NA ANO...."
"NA ANO HA!? NALOLOKA NA AKO SAYONG ILONG KA!"
"HAHAHA SORRY NAAAAAA~" malambing na sabi ko at pinisil ko ang pisngi niya.
"TSE!"
"HAHAHA! Ang cute mo talaga kapag nagagalit!" asar ko.
"Tsk!" singhal niya.
Wala akong paki na pinagtitinginan kami ng mga tao. Tsaka may naririnig ako na sabi sabi ng mga tao.
"Mag-syota ba yun?"
"Nako be! Masanay na tayo na may mga ganyang couple!"
"Walang poreber mga ulol."Ayan ang mga naririnig kong na mga sabi sabi.
"Hoy kuneho! Kumain ka na! Kapag hindi ka kumain baka sina Oppa Namjoon ang kainin mo haha!"
"Bastos ka."
"ANO!? ANONG BASTOS 'DUN!?"
"Ba't sabi mo!?"
"Kadiri talaga yang utak mo! Kapapanood mo yan!"
"Excuse me. Good boy ako. Hindi ako katulad ni Appa Namjoon at Jimin."
"Psh. Sinungaling!"
"Hindi ako nagsisinungaling! Kahit tanungin mo pa si Taehyung!"
"Hahahaha!"
Minsan nakakainis din 'tong babaeng 'to. Pero iba talaga pag kasama ko siya. Yung para bang mawawala ang init ng ulo mo. Maganda nga kaso may pagka-saltik din. Feeling ko kasi kapag kasama ko siya,parang nakakaginhawa sa pakiramdam ko. Yung para bang isang ngiti niya lang mawawala na ang stress ko. Basta ang gaan sa feeling.
"Jungkook..."
"Bakit?"
"Ano pala yung iniisip mo kanina?"taka niyang tanong.
"A-Ahh wala y-yun"utal na sabi ko
"Sige na sabihin mo na plss?"kulit niya sabi
"Hahaha"
"Aba!anong tinatawa tawa mo jan?!"inis na sabi niya
"Ang cute mo kasi eh"sabay ngiti ng matamis
"Tse!"singhal pero nakita ko siyang namumula
"Eh ba't ka namumula?"
"Hindi ako namumula duh~sadyang maputi lang ako ah?!"
"Hahaha Ok"
"So.....?"
"So?"taka kong tanong
"Ano nga iniisip mo kanina?"
Bumuntong hininga muna ako bago ako nag salita.
"Si IU"sagot ko
"Bakit?"
"Naalala kita sa kaniya"sagot ko
"Ahh k."malamig niyang tsaka siya nag patuloy kumain.
Shit,ba't biglang bumigat ung nararamdaman ko.
"Yuna---"
"Jeon Jungkook"
Shit!!!
—————————————
Hello, I'd like to hear your thoughts on this chapter. Could you please leave a comment? Thanks! ><
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.