Yuna's POV
"ANO?! NAGKAROON NG SUNOG SA KUSINA NG CANTEEN?! What the! Kamusta kayo!? Ligtas ba kayo?!" sabi ko.
Kausap ko sa telepono si Yoongi,tinawagan niya kasi ako.
Flashback:
Nasa kwarto ako. Napaka-boring talaga ang buhay.
Biglang nag-vibrate ang phone ko,tumatawag si Yoongi.
Kaya naman sinagot ko agad at kinausap siya.
"Hello,Yoongi?"
"Yu-yuna."
Yung boses niya. Bakit parang hinihingal. At ubo siya ng ubo. May sakit ba siya?
"Yoongi? B-bakit g-ganyan a-ang bo-boses mo?!" sabi ko na natataranta.
"Yu-yuna... Na-nagkaroon ng sunog dito sa school sa kusina ng canteen... Na-trap kami." sabi niya.
Oh shit! No way!
End of Flashback:
"O-oo. Ok-okay lang kami. M-mabuti na lang talaga na nakalabas kami kahit papaano" sagot niya.
"Mabuti naman kung ganun! Sige,pakikamusta mo na lang ako sa iba!" wika ko at inend ko na ang tawag.
Sa lunes ko na lang sila kakamustahin kasi balak ko na kasi pumasok sa lunes. Naalala ko 'nung nasa ospital ako na sinabi ng doctor na may sakit ako.
Flashback:
Nagising ako sa isang maputi na lugar.Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko. Nadatnan ko si kuya na nakaupo sa sulok. Nakita niya ako at bigla siyang lumapit.
"Mabuti naman na gising ka na!" sabi niya.
"N-nasaan ako?" tanong ko.
"Nasa ospital ka. Dinala ka ng mga kaibigan mo dito. Wag ka ng mag-alala sa kanila. Nakauwi na sila." sabi niya.
"May masakit pa ba sayo? May nararamdaman ka pa ba?" dagdag niya.
"Kasi... Kanina... May nararamdaman akong masama. B-bigla na lang kasi ako nanghina. Hindi naman ako nagpalipas ng gutom eh." sabi ko.
"Baka naman napagod ka?" sabi niya.
"Hindi naman eh. Hindi naman ako nagligalig sa school." sagot ko ng mahinahon.
May narinig na lamang kami na pumasok. Tumingin kami at nadatnan namin ang doktor.
"Siguro,ikaw yung kapatid ng pasyente,hijo?" sabi niya kay kuya.
"Opo ako po. Pwede niyo po bang sabihin na anong nangyari sa kapatid ko?" tanong niya.
At bumangon naman ako para marinig ko ng mabuti ang doktor. Baka kasi nga nagpagod ako kanina.
"I'm sorry to say that.."
"You have a heart disease." pag patuloy niyang sabi.
Totoo ba?! Totoo ba yung narinig ko!? B-bakit ako may heart disease!? BAKIT!?
At nagsimula na tumulo ang mga luha ko.
"Doc!? Sabihin niyo sa akin!? Paano siya nag karoon ng ganonc sakit at pa'no mawawala ang sakit niya!? " sabi ni Kuya na humahagulgol sa galit.
"Kailangan niyo ng donor sa lalong madaling panahon. Kung hindi...."
"Kung hindi ano!?"
"Mamamatay siya kahit kailan... Kahit anong oras..."
"Doc! Sabihin niyo na hindi totoo yan! Hindi yan totoo! KAILANGAN PA AKO NG MGA KAPATID KO!! AYOKO PANG MAMATAY!" sigaw ko ng puno ng sama ng loob.
Yung galit ko ay niluha ko na lamang. Bakit ako nagkasakit!? Kailan pa 'to!? Inaalagaan ko namanang sarili ko eh! Bakit ganun!? Kailangan pa ako ng mga kapatid ko!
End of Flashback:
Jungkook's POV
Maaga kami pumasok ngayon kasama ko syempre yung anim. Habang naglalakad kami,bigla kaming kinausap ni Hoseok.
"Guys,parang si Yuna yun?" sabi niya
Tumingin kami sa babaeng may nilalagay sa locker,nung sinara na niya ang locker niya,si Yuna nga! Himala pumasok na!
Kinatuwa naman ng mga kasama ko yun.
"YUNAAAAAAAAA!" sigaw nina Jimin,Yoongi,Jin at Hoseok.
Kaya naman lumingon si Yuna at pinuntahan nila si Yuna.
Nagulat na lamang siya na niyakap siya.
"Oy. Oy. Oy! Pa-parang isang taon tayo hindi nagkita." sabi ni Yuna ng nakangiti.
"Namiss ka kasi namiiiin!" sabi ni Jimin.
Nakakapanibago si Yuna,dati nakaipit palagi ang buhok niya. Ngayon nakalugay na. Bagay naman sa kanya eh. Tsaka maganda naman siya.
"Yung isang linggo parang isang taon sa amin." sabi ni Hoseok.
"Sorry naaa. Nagkasakit kasi ako." sabi ni Yuna.
"Hindi ka kasi nagiingat." sabi ni Yoongi.
Nakatingin lamang ako sa kanila at nakangiti. Masarap sa pakiramdam na makita mo ulit ang taong mahal mo.
"Jungkook,hindi mo 'man lang babatiin si Yuna?" sabi ni Jin.
Tama si Jin,ang sama ko naman kung hindi ko siya babatiin.
Lumapit ako kay Yuna at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Naks naman!" sabi ni Yoongi.
"H-himala Jungkook. Hindi mo na ako inaasar ha?" sabi ni Yuna sa akin.
"Oy! Baka naman matulad kayo kina Namjoon at Jin!" sabi ni Yoongi.
At bigla bumitaw sa pagkakayakap si Yuna.
"Ha? Bakit? Anong meron?" pagtataka na tanong ni Yuna.
"YUNG IBA KASI DIYAN! MAY SUNOG NA NGA NAGLALANDIAN PA!" iritang sabi ni Yoongi.
"Hahaha! Talaga?! Totoo yun?!" natatawang sabi ni Yuna.
"EXCUSE ME?!"Sabii ni Jin.
"Dadaan ka?" sarcastric na tanong ni Yoongi.
"Kinikilig pa nga si Eomma Jin eh. Haha!" sabi ni Jimin.
Natatawa na lamang si Namjoon sa pinagsasabi ni Yoongi at Jimin. Bitter kasi silang dalawa eh.
"Grabe kayong dalawa! May sunog na nga naiisipan niyo pang gawin yun? Hahaha!" sabi ni Yuna na natatawa.
"Eh.. K-kaso nagulat na lang ako sa ginawa ni N-namjoon! B-basta ang bilis ng pangyayari!" sabi ni Jin na uutal-utal
"Weeeeeeh! Bakit ka nauutal?! Hahaha! Kinilig ka lang kasi sa ginawa ni Appa! Haha!" sabi ni Taehyung.
"Tu-tumigil na nga kayo! Etong mga batang 'to!" sabi ni Namjoon.
Hanggang sa nagtawanan na lamang kami. Habang naglalakad kami sa hallway,may napapansin kaming mga tao na nagaalidan sa mga daan. Kaya naguguluhan kami,nabigla ako na may isang babae na naglalakad papunta sa akin.
Shit!
She's back!
—————————————
Hello, I'd like to hear your thoughts on this chapter. Could you please leave a comment? Thanks! ><
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.