Chapter 42

3 0 0
                                    

Jungkook's POV

"Jungkook?" wika ni Yuna.

"Good afternoon,love~" sagot ko.

"Kagaling. Siya lang talaga ang binati." sabi ni Bobin.

"Ah.. Hehe. Good afternoon sayo." nahihiya kong sagot.

"Jungkook? Pwede ba ikaw muna ang magbantay sa kanya? May bibilhin lang akong importante eh." paki-usap ni Bobin sa akin.

"Sure. No problem!" sagot ko.

"Sige salamat! Aasahan ko na babantayan mo si Yuna ha." wika niya.

"Yup. Maaasahan mo ko." sabi ko.

Nag-paalam na sa amin si Bobin. Agad na kaming umupo sa sofa ni Yuna.

"Kamusta ka? Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong ko kay Yuna ay hinawakan ko ang mukha niya.

"Medyo hindi pa maayos. Nanghihina pa rin ako parang kahapon." sagot niya.

"Ah, ganun ba." sabi ko.

Napatingin na lamang ako sa bintana. Dahil ramdam na ramdam na talaga ang winter.

"Winter na winter na talaga." wika ko.

"Oo nga eh. Sobrang lamig sa inaakala ko. Kaya tignan mo ko. Naka-long sleeve na makapal at pajama na makapal." sagot niya.

"Nasaan pala si Oppa Namjoon?" dagdag niya.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita? Mas gusto mo pa silang makita?" nagtatampo kong sagot.

"Hala! Hindi naman sa ganun! Ang ibig kong sabihin,bakit ka nauna?" sagot niya.

"Syempre.. Gusto na kitang makita~" wika ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Ngumiti na lamang siya sa akin.

"Love. May gusto ka bang kainin?" tanong ko.

"Ikaw."

Nanlaki na lamang ang mata ko sa sinabi niya.

"LOVE! ALAM KONG GIRLFRIEND KITA! P-PERO NIRERESPETO KITA! AYOKO MAWALA ANG TIWALA NG OPPA MO SA AKIN! LOVE WALANG GANYANAN M-MGA BATA PA TAYO A-ALAM KONG NASA MURA--!!" sabi ko.

"Ha? Ang OA MO! Ano bang pinagsasabi mo? Tinatanong kita kung ano gusto mong kainin. Loko ka talaga! Nakakadiri yang isip mo." sagot niya.

"Ah. Eh. Sorry hindi mo naman kasi nililinaw eh..." nahihiya kong sagot.

"Pero... Mamaya pa daw sila pupunta dito. May gagawin lang daw sila." dagdag ko.

"Ah ganun ba." sagot niya.

"Love. Sa tingin ko... Yang pakiramdaman mo,parang tingin ko dahil yan sa.. Sitwasyon mo.." wika ko.

"Sa tingin ko nga rin eh. Mas mabuti talaga na hindi ako magpagod. Baka kasi lumala pa ng lumala pa 'tong sitwasyon. Kailangan ko talagang mag-ingat dahil dala ko 'to kahit anong oras at kahiy kailan." paliwanag niya.

"Naaawa na nga ako sa Oppa ko eh. Halos mag-ikot na siya sa buong Seoul para lang makahap ng donor. Pero... Wala talaga..." dagdag niya.

Nakaramdam ako ng lungkot,pag-aalala at nang awa sa kanila. Dahil sila na lamang ang magkakapatid ang magkakasama.

"P-paano kung... M-mamamatay ako?" sagot niya habang umiiyak.

"Shhh. 'Wag mong sabihin yan love~ Ang mga kapatid mo.. At kami... Ay gagawa ng paraan para maligtas ka lang namin sa sakit mo~ Dahil nga... Sobrang mahalaga ka sa amin." sagot ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"'D-diba nga sabi ng doktor na.. Kahit anong oras at kailan eh... Mawawala ako?" humahagulgol niyang sagot.

"'Wag mong isipin yan. 'Wag kang mag-isip ng negatibo. Makakasama yan sayo..  Isipin mo na lang ang lahat ng bagay na masasaya~" paliwanag ko.

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon