Yuna's POV
Masyado akong nag-aalala kay Taehyung. Ang taas kasi ng lagnat niya. Hindi talaga ako makapakali. Pagkatapos niyang kumain,hinawakan ko ang noo at leeg niya at medyo bumababa na ang lagnat niya.
"Masakit ba ang katawan mo?" tanong ko sa kanya.
At tumungo lamang siya,ang ibig sabihin ay OO.
"Mamaya hihilutin kita sa likod." sabi ko habang nililigpit ko yung pinagkainan niya.
"Bakit kasi hindi mo kinuha yung payong mo kay Jimin? Ayan tuloy." sabi ko sa kanya.
Kinuha niya ang notebook at ballpen,at may sinulat niya. Pagkatapos niyang magsulat pinakita niya sa akin.
I'm sorry. :'<
Ayun ang nakasulat sa notebook.
"Okay lang,basta magiingat ka na sa susunod ha?" sabi ko sa kanya.
Tumungo na lamang siya. May narinig ako na may kumatok sa pinto.Kaya naman dali dali akong tumayo at binuksan ang pinto.
Pag-bukas ko ng pinto si Jungkook agad ang niluwa nito.
"Oh?Jungkook?bibisitahin mo si Taehyung?"tanong ko sa kaniya
"Hindi ba halata?"inis na sabi niya
"Psh!tara pasok-pasok"sabi ko sa kaniya habang winawagaygaya ang kamay ko
Pag-pasok niya sa kwarto ay pumunta siya sa tabi ng hingaan ni Taehyung.
"Kamusta na?ang taas daw ng lagnat mo sabi ni Jin?"sabi ni Jungkook
"M-medyo okay na." sabi niya.
"Yuna,eto pala yung gamot at tubig." sabi sa akin ni Jungkook habang inaabot niya sa akin ang tubig at gamot.
"Salamat." sabi ko.
"You're welcome." sagot niya.
"Taehyung,pagaling ka. Kapag hindi ka nagpagaling lagot ka sa akin." sabi niya kay Taehyung.
"Oo. Haha." sagot ni Taehyung.
"Sige,lalabas na ako. Ikaw na bahala diyan,Yuna." sabi ni Jungkook sa akin.
"Oo,sige." sagot ko.
At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. At siyaka ko naman na kinausap si Taehyung.
"Mabigat pa rin ba pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.
"Me-medyo na lang." sabi niya.
"Uminom ka muna ng gamot,at siyaka hihilutin kita sa likod." sabi ko sa kanya habang kinuha ko ang tubig at gamot sa lamesa.
Inabot ko sa kanya ang gamot at tubig,kaya naman pinabangon o siya baka kasi mabulunan siya kapag nakahiga siya. Nang matapos na siyang uminom ng gamot,inabot niya sa akin ang baso. At umupo na ako sa likod niya para hilutin siya.
Tinaas ko ang damit niya sa likod,walang malisiya mga par! Haha. Kaya naman sinimula ko ng hilutin siya sa likod.
"A-aray. An-ang sakit." sabi sa akin ni Taehyung.
"Okay lang yan,para mawala ang lamig sa katawan mo." sabi ko.
"A-aray." sabi niya ulit.
Ilang minuto natapos na ang paghihilot ko sa kanya at pinahiga ko siya ulit.
Hinawakan ko ulit ang noo at leeg niya. At mabuti na lamang bumaba na ang lagnat niya.
" Mabuti naman na bumababa na ang lagnat mo." sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.