Yuna's POV
"It's been 2 years na hindi ako nakabalik dito. Grabe,na-miss ko 'to." Pag basag niya sa katahimikan na nanamigan sa'ming dalawa.
"Kaya pala sabi ni Yoongi na dalawang taon na rin daw na hindi kayo nagkita." sabi ko sa kanya.
"So. Kamusta naman si Jungkook dito?" tanong niya.
"Ayuuuuun. Loko loko." sabi ko.
"Talaga? Hahaha. Hindi pa rin pala siya nagbabago." sagot niya.
"Nako. Palagi nga akong inaasar 'nun. Simula nung makilala ko siya wala araw na hindi kami mag-aaway. Pero mabait naman siya." sagot ko.
"Talagang halata na close talaga kayo sa isa't isa..."
Tumingin lamang ako sa kanya.
"Bakit ko pa siya kasi pinakawalan.?" sabi niya at namalayan ko na umiiyak siya.
"Ganun talaga ang buhay. Kailanganmo talagang pagsisihan sa huli ang desisyon mo. Tsaka iba talaga si Jungkook pag nagmahal,yung para bang habang-buhay na ang pagmamahal niya sayo... Kaso.... Sinayang mo eh...." sagot ko ng mahinahon.
"Kaya nga nagsisisi na ako sa ginawa ko pero bakit ayaw niya pa rin akong patawarin!?" sabi niya.
"Mataas kasi pride minsan ni Jungkook,hindi pa naaalis ang galit sa puso niya. Wag kang magalala lilipas din ang galit niya sayo. Mapapatawad ka din niya." sagot ko at hinawakan ko siya sa balikat.
"Thank you...." sabi niya.
"Walang anuman." sagot ko.
Mahaba ang paguusap namin,sa bagay wala naman kaming teacher ngayon nasa meeting. Hanggang sa nagpaalam na siya sa akin at bigla naman nag-vibrate ang phone ko kaya naman tinignan ko ito.
From: Yoongi
Yunani,pumunta ka sa Court,nandun kami. See you!
Ay,si Yoongi lang pala. Pinapapunta pa ako sa court. Mabuti na lang malapit lang ang pupuntahan ko.
Humarap ako kay IU at nag paalam.
"Ah,IU sige sibat na ako ah?may pupuntahan pa kasi ako eh"paalam ko sa kaniya.
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Ah okay,btw thank you for your time"sabi niya at tumango.
Tumango nalang din ako sabay talikod at sinimulan na mag lakad.
Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa nakarating na ako sa Court at hinahanap sila.
Mabilis ko silang nahanap,nakita ko silang nakaupo na para bang nag-uusap. Kaya napaisip na ako na lumapit.
"Yunaaaaaa pandaaaaaak!" sigaw ni Jungkook.
"ANO?! SINONG PANDAK!?" inis na sabi ko.
"Easyyyyy. Joke langgggg!" sagot niya.
Nakakainis din siya minsan,para ang sarap niyang alisin sa Earth! Kaya naman umupo ako sa tabi ni Taehyung at Jungkook.
"Jungkook,'wag mo nga kaming maliitin." sabi ni Jimin.
"Palibhasa parehas kayong pandak." sabat ni Yoongi at tumayo dahil inaayos ang pants niya.
Tumayo din si Jimin at lumapit kay Yoongi. Tinignan ni Jimin mula ulo hanggang paa si Yoongi.
"WEH!? HINDI NGA!?" asar niya.
Kaya naman nagsitawanan kami kaya nainis si Yoongi.
"Punyeta. Btw. Jungkook,kanina pala kinausap ni IU si Yuna nung magkasama kami sa Cafeteria kanina." sabi ni Yoongi.
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.