Taehyung's POV
Naka-baba na kami ni Yuna,nadatnan ko sina Yoongi at Jimin,natutulog. Siguro pagod sila.
"Taehyung. Yuna." nagulat kami na may nagsalita,si Jin pala yun.
"Okay ka na ba?" sabi niya sa akin habang hinawakan niya ang balikat ko.
"Oo. Okay na ako." masayang sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun,kumain na tayo. Lalo ka na,Yuna." sabi ni Jin.
Umalis na si Jin para pununta sa kusina para maghanda.
Napansin kong ngumiti si Yuna,kaya naman siniko ko siya. Inaasar ko at tinitigilan niya ako.
"Gisingin mo nga sina Yoongi at Jimin,Taehyung." sabi sa akin ni Yuna. Sumunod na siya sa kusina.
May naisip akong paraan para gisingin sila. Pumunta ako sa kusina at kinuha ko ang sandok at ang kawali.
"Hoy. Anong gagawin mo diyan?" tanong sa akin ni Jin.
"Basta,eomma." sagot ko.
At nagmadali ako na pumunta kina Yoongi at Jimin.
Mabuti na lamang na mahimbing ang pagtulog nila,balak ko silang gisingin gamit ang sandok at kawali. Ang ginawa ko,hinapas ko ng malakas ang kawali gamit ang sandok.
Nagising agad si Jimin at Yoongi,napatumba na lamang sila at gulat na gulat.
Tawa lang ako ng tawa sa kanila. Hindi ko mapigilan ang tawa ko.
"WALANGHIYA KA TAEHYUNG!" sabi sa akin ni Yoongi.
"ANG SARAP NG TULOG KO EH!" sabat ni Jimin.
"Ano bang ingay yun?!" sabi ni Jin galing kusina.
"Etong si Taehyung,ginising kami gamit yung sandok at kawali!" sigaw ni Yoongi.
"Okay lang yan! Atleast effective ang ginawa niya. Kumain na kayo." sabi sa amin ni Jin.
Sumunod na lamang kami at binatukan na lang ako nina Yoongi at Jimin.
Yuna's POV
Naka-upo kami ngayon para kumain. Sumunod na rin sina Namjoon,Jungkook at Hoseok. May pinuntahan kasi sila kanina,pero hindi ko alam kung saan.
"Ano ba yung niluto mo,Eomma Jin?" sabi ni Jungkook.
"Isda at Meatballs." sabi ni Jin
"Yes naaaamaaaaan! Kakain na ako!" sabi ni Jungkook habang nakuha ng pagkain.
"Loko ka,Jungkook. Basta usapang pagkain,active na active ka." sabi ni Jin.
Tumikim ako ng hinain ni Jin,at sobrang nasarapan ako. The best talaga siya!
"Ang galing mo talaga magluto,Jin!" sabi ko.
"Salamat haha." sagot niya.
"Aba. Hoseok,kumain ka na rin." sabi ni Namjoon.
"Oo na." sagot ni Hoseok habang nakuha ng pagkain.
"Sana magkasakit din ako para alagaan din ako ni Yuna hahaha." biro ni Jimin.
Tumawa na lamang ako at hinampas ni Jin ng dyaryo si Jimin sa ulo.
"Aray naman!" sabi ni Jimin.
"Siraulo ka! Kala mo naman biro yung pagkakaroon ng sakit ni Taehyung!" inis na sabi ni Jin.
"By the way,okay na ba yung pakiramdam mo,Taehyung?" tanong ni Jimin.
"Ano sa tingin mo? Kaya nga siya nakabangon diba?" iritang sabat ni Yoongi.
"Tangina mo,gilagid." sagot ni Jimin.
"Ano bang paki mo sa gilagid ko ha?!" sabi ni Yoongi.
"Eh-" pumutol ang pagsasalita ni Jimin.
"Hep. Hep. Hep. Tumigil na kayo nasa hapag-kainan tayo." sabi ni Hoseok.
"Okay na ako. Alaga kasi ni Yuna eh. Haha" sabi ni Taehyung.
Napatingin ako kay Taehyung at tumawa na lamang.
"Tsaka. Eomma Jin." sabi ni Taehyung kay Jin.
"Bakit,Taehyung?" sagot niya habang nakain.
"Alam mo ba may gustong s-" naputol ang pagsasalita niya dahil balak niya talaga sabihin kay Jin yung sinabi ko sa kanya,kaya naman tinakpan ko ang bigbig niya.
"Taehyung,shut up!" sabi ko ng pabulong sa kanya.
"Ano ba tung gusto mong sabihin,Taehyung?" sabi ni Jin.
"A-ahh. Sabi niya kasi sa akin para daw kayong mag-jowa ni Namjoon,k-kailan daw kasal?" pagsisinungalung ko.
Umubo lamang si Namjoon at nanlaki lamang ang mga mata ni Jin.
"Ayan kasi. Bumubunyag na yung kabaklaan niyo eh. Tsk. Nako naman." sabi ni Jungkook.
"Tumahimik ka nga,ilong!" sabay nilang sabi.
"Hindi ba pwedeng close lang talaga kami?!" sabi ni Jin
Tinanggal ni Taehyung ang kamay ko sa bigbig niya.
"HINDI NAMAN KASI YUN ANG SASABIHIN KO!" sabi ni Taehyung.
Natatawa lamang yung tatlo.
"Ang sasabihin ko,si Yuna may gusto kay Eomma Jin!" sabi ni Taehyung.
Tumingin sa akin ang lahat ng dahil sa sinabi ni Taehyung. Wala na finish na! Pahamak talaga 'tong alien na 'to.
"Halaaaaa! Appa Namjoon! Inaagawan ka oh! Hahaha!" biro ni Yoongi.
"Ehem! Ehem!" sabi ni Hoseok.
"Akalain mo yun,may nagkakagusto pala sayo,tanda haha." biro ni Jimin.
"Thank you,Yuna." sabi sa akin ni Jin at binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Akalain mo yun,hindi man lang siya nagalit. Kaya gusto ko yung ugali niya eh. Napansin ko naman na tumahimik si Jungkook.
"Jungkook. Okay ka lang?" sabi ko.
"Oo. O-okay lang ako." sagot niya.
"Nako wag kami. Nagseselos ka lang eh! Ayiieeee!!" sabi ni Yoongi.
"Gago hindi. Nakikinig lang ako sa inyo." sabi ni Jungkook.
"Ay,chismoso." sabi ni Yoongi.
"Anong chimiso?!" sabi niya.
"Tama na nga yan! Kumain na lang kayo." sabi ko sa kanila.
At tumuloy na sila sa pagkain nila. Ilang minuto natapos na kamong kumain at balak ko ng umalis.
Hinatid ako sa labas ni Taehyung,Yoongi at Jungkook.
"Sige,mauuna na ako." sabi ko sa kanila.
"Ingat." sabi ni Yoongi.
"Ingat ka sa pag-uwi." sabi sa akin ni Jungkook.
Nagulat na lamang ako na niyakap ako ni Taehyung.
"Salamat sa pag-aalaga,Yuna." sabi niya sa akin.
Niyakap ko naman siya pabalik.
"Walang anuman. Basta magiingat ka na palagi." sabi ko sa kanya habang bumitaw na ako sa yakap.
At nagpasiya na akong umalis para umuwi na.
—————————————
Hello, I'd like to hear your thoughts on this chapter. Could you please leave a comment? Thanks! ><
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.