Yuna's POV
Kasalukuyan nasa room ako,nagbabasa ng English Book. Mahilig kasi ako mag-self study. Medyo nabitin ako sa pagbabasa.
kaya nagpasiya ako na pumunta sa library.Medyo malayo yung library ss building namin kaya nakaka inip mag lakad.
"Uy Han." nagulat ako ng may tumawag sa apelyido ko,ang kaklase kong si Mira.
"Bakit?" tanong ko.
"Pupunta ka ba ulit sa library?" tanong niya.
"Oo eh. Bitin ako sa binabasa ko, Sige mauna na ako." at tuluyan na ako umalis.
Habang naglalakad ako papunta sa library,biglang ako nagutom. Mabuti na lang malapit lang ako sa Canteen.
Kasalukuyan,nasa Canteen na ako ng may humawak sa balikat ko at napalingon ako sa likod ko.
"Hi Yuna!" bati sa akin ni Yoongi.
"Oh! Yoongi,nandito ka pala?." sabay ngiti.
"Oo eh,nagugutom kasi ako eh. Mabuti na lang na wala pa yung teacher namin." ngiti'ng sagot niya.
"Ako nga din eh." pagkatapos ko bumili ng biscuit umupo kami sa bakanteng upuan. At napansin ko yung kinakain ni Yoongi.
"Ano yang kinakain mo?" napatanong ko bigla.
"Tempura." tipid niyang sagot.
"Tempura?"taka kong sagot.
"Oo,hipon 'to. Gusto mo?" alok niya sa akin.
"A-ayoko. May allergy ako sa hipon."
"Ah ganun ba." tipid nanaman niyang sagot.
And yes,allergic ako sa hipon. Kapag nakakain ako ng hipon ng kahit kaunti,namumutla,inuubo at nangangati ang katawan ko.
Di ko namalayan na tapos na ako kumain pati rin si Yoongi.
"Yuna,see you later. Bye!" at tuluyan ng umalis si Yoongi. At ako naman nagpatuloy na pumunta sa Canteen.
Yoongi's POV
Nasa Canteen ulit ako dahil break time na,at kasama ko ang anim na kupal.
"Tangina,hindi ka ba talaga nagsasawa sa kimchi ha?! Jimin!?" iritang sabi ni Jungkook.
"Ano bang pake mo? Eh gusto ko nito eh,bakit ba?" inis na sagot ni Jimin.
"Yoongi 'tol. Saan ka pala galing kanina?" tanong sakin ni Jin.
"Dito sa Canteen." tipid kong sagot.
"Ah kumain ka siguro." sabi ni Jin.
"Malamang,kaya nga pumunta ako diba. Oo nga pala,nakita ko kanina dito si Yuna." tumingin sa akin ang mga kupal.
"Si Yuna? Nanaman?" iritang sabi ni Jungkook.
"Oo. Tsaka allergic pala siya sa hipon." dagdag na sabi ko.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Jimin.
"Inalok ko kasi siya ng Tempura,tapos siya niya allergic siya dun." paliwanag ko.
"Ah ganun pala ha." sabay weirdong ngiti ni Jungkook.
"Hoy? Ano nanaman niyang binabalak mo,Jungkook?" tanong ko.
"Ha? Wala ah. Sandali lang,bibili lang ako ng makakain." at umalis na si Jungkook.
Tsk. Sa tingin ko may binabalak na masama si Jungkook.
At biglang dumating si Yuna.
"Hi Yunaaaaa!" masayang bati ni Taehyung.
"Hello." bating pabalik ni Yuna.