Jungkook's POV
"Hoy pandak? Bakit ang tagal mo?!" sabi ko.
"Tsk! Wag mo nga akong aasarin ng pandak!"
"Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo."
"Tsk! Nakakainis ka talaga ilong!"
"Araaaaaay!" sabi ko dahil sinasabunutan niya ako.
Nakaupo kami sa harapan. Umupo sa tabi namin ni Taehyung si Yuna. At pinagmamasdan lamang ang langit. Para bang nag-aabang ng shooting star. Hanggang sa nakita ako ng shooting star.
"Shooting star!" sabi ko sabay turo.
Kaya naman agad akong nag-wish.
"Naks! Mag-wish ka na!"
"Ang wish ko,sana gumaling na si Yuna."
"Ano winish mooooo~?" tanong ni Taehyung.
"Sikretong malupet~"
"Ang daya!"
"Hahahaha."
"Yuna." tawag ni Taehyung kay Yuna.
"Bakit?"
"Ano pala ang pinag-usapan niyo ni Mang Joohyung?"
"Ah.. Basta.."
Pero sa tingin ko,seryoso talaga ang pinag-usapan nila ni Mang Joohyung. Tumingin na lamang ulit kami sa langit.
"Ang ganda ng langit 'noh?" sabi ko.
"Kasing ganda ko. Hahahaha." biro ni Yuna.
"Oo na. Maganda ka na." sagot ko.
Yuna's POV
"Yoongi?"
"Yes?"
"Naikwento pala sa akin ni Mang Joohyung yung tungkol sa nangyari sa.. Family Problem mo..."
"Talaga? Sinabi sayo?"
"Oo. Sabi.. Lagi ka daw nandito. Umiinom,naiyak at nagdudusa...."
"Oo totoo yun. Lagi niya akong pinapakausapan na patawarin ko na ang parents ko. Pero.. Hindi ako nakinig..."
Tumingin lamang ako sa kanya.
"Siyaka... Salamat talaga sayo na... Kinumbinsi mo ako na... Patawarin ang parents ko..."
"Nako... Syempre. Kaibigan kita. Karapatan ko na tulungan kita at damayan kita sa mga problema mo."
Lumapit ako sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at binigyan ng matamis na ngiti.
"HALAAAAAAAA! ANG DAYAAAAAAAA!" sabi ni Jimin at Hoseok.
"WEWWWWW! PANO NAMAN AKOOOOO!?" sabi ni Namjoon.
"ANG DAYA AMPUTEEEEEK! BAKIT SI YOONGI LANG!?" wika ni Taehyung.
"BAKIT SI YOONGI LANGGGGGG!?" reklamo ni Jungkook.
"PSH! ANG DAYA TALAGAAAAAA!" wika ni Jin.
"Haha. Bahala kayo diyan." natatawang sagot ko.
Jungkook's POV
Time Check: 9:17 p.m.
Kasalukuyan ay naglalakad na kami pa-uwi,nag-paalam na kami kay Mang Joohyung. Balak ko sanang kausapin si Yuna.
Kaso nahihiya akong sabihin sa kanya.
"Yuna.."
"Bakit Jungkook?"
Shit. Nagulat na lang ako na tinawag ko siya. Nakakainis din minsan 'tong bibig.
"Ah.. Eh.. Wala."
"Psh. Nababaliw ka na."
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.