Taehyung's POV
Kasalukyan pauwi na kaming dalawa ni Yuna. Yung anim na bugok kasi may bibilhin pa,ewan ko kung ano yun.
Tahimik lamang kaming naglalakad ni Yuna. At bigla niya akong kinausap.
"Taehyung,kumakanta ka rin ba kagaya nina Jimin at Jungkook?" tanong niya sa akin.
"Oo. Haha. Bakit?" sagot ko.
"Wala lang. Natanong ko lang." sabi niya.
Napaisip ko na kumanta. Kasi minsan lang kasi ako kumanta.
Every time in my mind
I'm telling myself~Should i be,who will be
The man who'll hold your hand~Whenever i close my eyes,
I can see your lovely smile~Yuna's POV
Nagulat ako na biglang kumanta si Taehyung ng Midnight Sky.
Wishing that i'll be
The man who'll touch and see~I'll give my love
That can't explain~We will be running in the rain
And i will hold your hand~Habang kumakanta siya,nagulat ako na pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Uy Taehyung,grabe! Tumigil ka nga,nakakahiya sa mga tao!" sabi ko sa kanya.
"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah?" sagot niya sa akin.
Habang naglalakad kami,nakatingin sa amin ang mga tao at nakangiti sila sa amin. Sa bagay maganda ang boses niya.
At may biglang lumapit na dalawang babae sa akin.
"Ate,ang sweet ng boyfriend mo." sabi sa akin ng isang babae.
"Ah. Hehe." sabi ko habang kinakamot ko ang ulo ko.
Ilang minuto medyo malapit na kami sa bahay namin.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanila na kaibigan mo lang ako?" sabi ni Taehyung.
Tumingin lamang ako sa kanya at nag lakad na.
"Sorry pala sa ginawa ko." dagdag niya.
"H-hindi! Okay lang. Sa bagay maganda ang boses mo." sagot ko.
"T-talaga? S-salamat." utal utal niyang sagot.
Tumingin ako sa palagid na nadatnan ko na ang bahay namin.
"Eto na pala ang bahay namin. Ingat ka." sabi ko.
Kumaway na lamang siya sa akin at umalis na.
Taehyung's POV
Naglalakad na ako papunta sa bahay. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakalimutan ko pa naman kunin kay Jimin ang payong ko.
Kaya naman tumakbo na lamang ako ng mabilis. Mabuti na lamang na malapit na ang bahay dito.
Ilang minuto,nakarating na ako sa bahay. Nagulat na lamang ako na mas nauna pa sina Namjoon keysa sakin.
"Taehyung,basang-basa ka!" sabi sa akin ni Jungkook.
"Nakalimutan ko kasi na kunin kay Jimin yung payong ko." sabi ko.
"Sige,magpalit ka muna." sabi sa akin ni Jin.
Kaya naman dumeretso agad ako sa restroom.
Yuna's POV
Suspended ang klase ngayon ng dahil sa malakas na bagyo. Hapon ngayon ng biglang nag-vibrate ang phone ko. Kaya naman kinuha ko kaagad 'to.
From: Seokjin
Yunaniii. Pwede ka bang pumunta dito? Nilalagnat kasi si Taehyung. :'(
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Si Taehyung?! Nilalagnat?! Naabutan yata siya ng ulan kahapon eh.
To: Seokjin
Sige sige. Pupunta na ako.
Agad naman ako nagbihis at nagpaalam na sa mga kapatid ko. Mabuti na lamang ay mahina na ang ulan kung hindi lagot na.
Ilang minuto nakarating na ako sa bahay ni Yoongi. Kaya naman kumatok kaagad ako at pinagbuksan ako ni Yoongi.
"Mabuti naman nandito ka na." sabi sa akin ni Yoongi habang pinapasok ako.
"Mabuti na nga lang. Nasaan si Taehyung?" sabi ko kaagad.
"Nasa kwarto,nagpapahinga." sagot ni Jin.
"Hay nako. Naabutan ba siya ng ulan kahapon?" tanong ko.
"Oo. Basang basa siya eh." sabi sa akin ni Jin.
"Kumain na ba siya? Uminom na ba siya ng gamot?" tanong ko sa kanila.
"Oo." tipid na sagot ni Jin.
"Sandali lang may noodles ba kayo diyan? At siyaka extrang gamot?" tanong ko ulit.
"Oo." tipid na sagot ni Jin.
"Pwede ka bang magluto ng noodles? Tapos bigyan mo ako ng panyo at tubig." sabi ko kay Jin.
Sumunod naman agad siya at pumunta siya sa kusina,maya maya pa ay dumating na siya na dala ang mga pinapakuha ko.
"Oh,eto na ikaw na bahala kay Taehyung"sabi ni Jin
"Sige salamat ah?"sabi ko sa kaniya.
"Welcome"tipid na sagot niya
Tinalikuran ko na sila at nag-simulang mag-lakad sa kwarto ni Taehyung,hindi naman gaano mahirap hanapin ung kwarto ni Taehyung kasi bawat kwarto'ng madadaanan mo may nakasulat na name nila.
Maya maya pa ay napansin ko nalang na nasa harap na ako ng kwarto ni Taehyung,kumatok muna ako ng tatlong beses pero wala sumagot.Sinubukan ko ulit kumatok pero wala paring sumasagot kaya nag-disisiyon na akong pumasok.
Pag-pasok ko ay nakita ko agad si Taehyung na balot na balot ang katawan kung makikita mo lang siya maaawa ka sa kaniya.
Lumapit ako sa table at pinatong ang dala ko tsaka sinumulang punasan ng basang panyo.
"Shit!!ang init mo sobra?!ano ba kasi ginawa mo?!"inis na bulong ko sa kaniya habang pinupunasan siya.
Habang pinupunasan ko siya ay gumalaw siya ng konti kaya nataranta ako
"Shit!shit!ano Taehyung?!may-masakit ba sa iyo?!nagugutom kaba ano sabihin mo--"inis na may halong tarantang sabi ko sa kaniya.
"Yuna*Ehem*o-ok lang a*ehem*ako m-medyo nagu*ehem* gutom ako"sabi niya habang nahihirapan siyang makapag-salita.
"Wag ka munang mag-salita ng gaano ah!"inis na sabi ko sa kaniya
"o-opo h-hehe"pilit na ngiti niya
"pag-magsasalita ka isulat mo dito" sabay abot ko sa kaniya ng ballpen at notebook
"S-sige"tipid na sabi niya
"Gusto mo na bang kumain?"tanong ko sa kaniya.
"hmm"ungol niya
Kinuha ko ung noddles sa kaniya at nag-simula na siyang kumain.
—————————————
Hello, I'd like to hear your thoughts on this chapter. Could you please leave a comment? Thanks! ><
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.