Chapter 35

3 0 0
                                    

Yuna's POV

"I'm sorry Y-"

"Ah.. Eh.. 'Dun lang ako sa labas..." sagot ko at nagmadali na lumabas.

Nang nakalabas ako,napahawak ako sa labi. Shit! Totoo ba yun!? Hinalikan niya ako!? Shit. Bakit hindi ako umimik!? Bakit hindi ako nagalit!? Bakit ganun!? I'm so stupid!

Naalala ko pala na mamayang 6 p.m. ay may pupuntahan kaming restaurant dito.

Time Check: 6:09 p.m.

Kasalukuyan ay naglalakad kami ngayon sa tabing kalsada. Nararamdan kong sumasakit ang paa ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Jungkook.

"Ah.. Eh.. Masakit yung paa ko. Pero okay lang."

"Tsk. Baka lumala pa yan."

Nagulat na lamang ako na umupo siya sa harapan ko.

"A-anong ginagawa mo?!"

"E di. Bubuhatin ka! Bilisan mo na. Wag ka ng magpaligoy-ligoy." sabi niya.

No choice ako. Sumampa na lamang ako sa kanya. Binuhat niya ako na parang wala lang. Malakas kasi 'tong Jungkook.

"Hindi ka naman pala mabigat."

"Yabang mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo.Ptf"

"Tsk,ewan ko sayo!"sabay hampas sa kaniya sa braso

"Hahaha!binibiro ka lang eh"sabay tawa niya ulit

Habang nag lalakad kami hindi ko maiwasang mag isip isip

'Sana pag nawala ako nakangiti ka parin--kayo,ang gusto ko hindi kayo iiyak sa burol kundi aasarin niyo lang ako ng kung ano ano,Sana pag namatay ako hindi ka---'

"YUNAAAAAA!!!"sigaw sakin ni Jungkook kaya nabalik ako sa wisyo

"A-Ano?"

"Okay ka lang?kanina pa kasi kita tinatawag eh"inosente niyang sabi

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"ANO?!"gulat kong tanong

"Oo,ilang beses na kitang tinawag eh"

"A-Ah?"nahihiyang sabi ko

"Okay ka lang talaga?"tanong niya ulit

"O-Oo"utal kong tanong

Maya maya tahimik kaming dalawa

"Hmm,Yuna?"tawag niya

"Bakit?"

"Gusto mong kantahan kita?"

"Sige sige!!"masayang sagot ko.

Kakanta na sana siya,nang napansin namin si Jimin at Namjoon.

"Kingina! Jimin! Ang bigat mo!" sigaw ni Namjoon.

"Minsan lang naman ako mag-pabuhat sayo! Mareklamo ka masyado!" sagot ni Jimin.

Natatawa kami sa kania kasi pagewang-gewang sila sa daan.

"Dapat si Hoseok na lang ang pinabuhat mo,sa bagay mukha siyang kabayo." asar ni Yoongi.

Mas lalo kaming natawa sa sinabi ni Yoongi. Sumama naman ang tingin ni Hoseok.

"Anong gusto mo? Tutusukin kita o ihuhulog kita sa bangin!?" sabi ni Hoseok habang pinipingot niya ang tenga ni Yoongi.

"Arayyyyyy! Sorry naaaaaa!" pagmamakaawa ni Yoongi.

"Hindi ka ba nahihirapan,Jungkook? Baba na ako." sabi ko.

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon