Jungkook's POV
"A-A-ANO!? PUPUNTA TAYO SA PARENTS MO?!"
"Oo. Grabe ka naman makapag-react."
Kausap ko sa telepono si Yuna. Balak ko kasi na ipakilala na siya family ko. Gusto ko na mas makilala pa siya ng family ko.
"Jungkook! H-hindi pa ako ready!"
"Ano ka ba! 'Wag kang mag-alala! Hindi naman nangangagat si Eomma at Appa. Kaya huwag kang kabahan."
"Kahit na. Iba pa rin kapag kaharap ko na sila!"
"Dali na loveeeee! Gusto ko kasi na mas lalo ka pa nila makilala."
"Tsk. Wala akong choice. Sige na. Sunduin mo na lang dito mga 2 p.m."
"Sige sige! See you later. I love you."
"I love you too."
Agad ko na binaba ang telepono para makapag-bihis na.
Yuna's POV
Nakasakay kami ngayon ni Jungkook sa isang bus. Taga-Seoul talaga ang family niya. Kailangan lang talaga namin sumakay ng bus. Habang nakatingin ako sa bintana,may naririnig akong mga babaeng nagbubulungan.
"Omg! Ang gwapo naman 'nun!"
"Oo nga! Grabe! Ang gwapo!"
"Sana magkaroon ako ng boyfriend ng katulad niya!"
"Teka. Sino yung babaeng katabi niya?"
"I'm surre kaibigan niya lang yun."
Medyo naiinis ako sa bulungang naririnig ko sa kanila. Mukha ba akong kaibigan niya!? Napa-isip ako na hawakan na lang ang kamay ni Jungkook para magsipag-tigil na sila.
Tumingin sa akin si Jungkook at ngumiti. Hinigpit niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Ay. Girlfriend niya pala yun."
"Sayang naman. Pero maganda naman yung babae."
"Ang swerte naman niya."
Time Check: 2:27 p.m.
Naglalakad kami ngayon kung saan napakatahimik at napakapayapa na lugar.
"Love. Bakit bigla mo hinawakan yung kamay ko kanina?" tanong sa akin ni Jungkook.
Sumimangot na lamang ako.
"Bakit ka nakasimangot diyan?"
"Pano kasi! May naririnig akong nagbubulungan na mga babae! Sinasabi na ang gwapo-gwapo mo daw! Y-yung p-para bang aagawin ka nila sa akin! Tsk! Nakakainis!" inis na inis kong sagot.
"Hahaha. Nako~ Selosa ka palaaaaa~" asar niya.
"Nang-aasar ka pa." sagot ko.
"Sorry na! Hahahaha. Pasensiya na kung pogi ang boyfriend mo~ Pero 'wag kang mag-alala,sayo lang 'to~" wika niya at inakbayan niya ako.
"Bakit ba kasi ang pogi mo!? Pwede ba magpakalbo ka na lang!?" sabi ko sa kanya at hinawakan ko siya sa mukha.
"Tanungin mo si Eomma at Appa~ Pasalamat ka nga na nagkaroon ka ng boyfriend na katulad ko~" sagot niya.
"Psh. Yabang mo." sabi ko at binitawan ko siya.
"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah?"
"Oo na aba."
"Tara na bilisan na natin." wika niya at hinawakan niya ang kamay ko.
"'Wag kang kabahan ha? Ako bahala." dagdag niya.
Tumingin ako sa kanya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad.
Jungkook's POV
Nakatayo kami ngayon sa bahay namin. Tinignan ko si Yuna. Halata talagang kinakabahan siya.
"Let's go?"
"T-teka lang..."
"Love,'wag kang magalala. Ako nga bahala sayo." wika ko at hinila ko siya papasok.
Kumatok muna kami. Agad na binuksan ang pinto,at si Eomma ang bumukas ng pinto.
"Jungkook anak!" bati sa akin ni Eomma at niyakap niya ako.
"Pumasok kayo!" dagdag niya.
Pumasok na kaming tatlo sa bahay. Napakalaki ng ngiti ni Eomma nung nakita niya ako. Pinaupo kami ni Eomma sa sofa.
"Honey! Si Jungkook nandito!" tawag ni Eomma.
Agad na bumaba ng hagdan si Appa.
"Jungkook anak! Kamusta!?" agad na sabi ni Appa sa akin.
"Okay, lang po. Kayo po?"
"Okay lang 'nak. Teka sino 'tong kasama mo 'nak?" tanong ni Eomma.
"Ah.. Eomma. Eto pala si Yuna... Girlfriend ko po."
Yuna's POV
"Ah! Ikaw pala yung Han Yuna na sinasabi ni Jungkook!" masayang sabi ng Eomma ni Jungkook.
"Opo... Ako pu yun." masayang sagot ko.
"Alam mo hija,palagi ka sa amin kinukwento ni Jungkook. Matagal ka na talagang gusto niyan ni Jungkook." wika ng Appa ni Jungkook.
"Sa itsura mo palang,mukha ka na talagang mabait na babae. Sinasabi sa akin ni Jungkook na tinutulungan mo yung mga kapatid mo sa pamamagitan ng pagpa-part time job sa Cafeteria. Siyaka sinabi niya sa amin tinulungan mo si Jimin at Yoongi." dagdag niya.
"Opo. Tinutulungan ko po yung mga kapatid ko."
"Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ni Jungkook. Higit sa maganda ang ugali mo,maganda ka pa." wika ng Appa ni Jungkook.
"Ah.. Hahaha. Salamat po. Mr. & Mrs.Jeon." sagot ko.
"Tita at Tito na lang ang itawag mo sa amin. Siyaka 'wag kang mahihiya sa amin ha?" wika ni Tita.
"O-opo..."
"Siyaga welcome na welcome ka sa pamilya namin." dagdag niya.
Gumaan ang loob ko sa sinabi ng parents ni Jungkook. Ang babait nila sa akin. At agad nila ako tinanggap sa pamilya nila.
"Hija,dito ka na kumain ng meryenda." wika ni Appa ni Jungkook.
"Ah. Sige po salamat po."
Pumunta ang parents ni Jungkook sa kusina. Bigla na lang na nangsiko si Jungkook.
"I told you. Tatanggapin ka nila." wika niya.
Ngumiti na lamang ako sa kanya. Sumunod na lamang kami sa kusina.
Time Check: 4:38 p.m.
Nasa terrace kami ngayon ni Mrs. Jeon. Gusto niya kasi akong kausapin.
"Ano pu ba ang gusto niyong pag-usapan,Tita?"
"Hija. Nagpapasalamat talaga ako sayo. Simula nung kinukwento ka na sa amin ni Jungkook,nagbabago na ang ugali niya. Kasi simula nung niloko siya ng ex girlfriend niya,nagbago ang tingin niya sa mga babae. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sayo hija,kasi binago mo si Jungkook." wika niya at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Wala anuman pu yun." sagot ko.
"Stay strong sa inyo hija." wika niya at niyakap ako.
Niyakap ko rin siya pabalik. Ramdam ko talaga na sobrang saya niya dahil parang ngayon lang niya nakita na masaya si Jungkook.
Bobin's POV
Pinoproblema ko pa rin kung saan ako makakakuha ng donor ni Yuna. Halos magikot na ako sa buong Seoul ng 1 linggo basta mailigtas ko lang ang kapatid. Halos naiiyak na lamang ako sa nangyayari. Paano kung hindi talaga ako makahanap ng donor? Pero hindi ako susuko. Ililigtas ko ang kapatid ko.
—————————————
Hello, I'd like to hear your thoughts on this chapter. Could you please leave a comment? Thanks! ><
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.