Chapter 22

7 1 0
                                    

Jungkook's POV

"Hi loveeeee! Did you miss me?" she said with a sweet voice.

Tangina,anong ginagawa niya dito!? Akala ko ba nasa Italy siya!?

"IU!?" Sabi ni Namjoon.

"Anong ginagawa mo dito?!"gulat na sabi ni Jin.

"Gusto ko lang naman bumalik dito,para makasama ko ulit si Jungkook~" nakangiting sinabi niya sabay kapit sa braso na agad ko nailayo sa kaniya.

Ayoko na makita ang pagmumukha niya ng dahil sa ginawa niya sa akin.

Nabadtrip ako ng makita ko pa siya ulit,may pa lambing lambing pa ang pagsasalita niya!

Sa sobrang badtrip ko sa kaniya umalis na lamang ako at iniwan ang mga kaibigan ko.

"Jungkook sandali!" sigaw na tawag sakin ni Taehyung.

Kung hindi niyo alam,siya si Lee Ji Eun o mas kilalang IU. She is my ex-girlfriend. Magi-isang taon na sana ang relasyon namin ng dahil sa ginawa niyang kalokohan. Sa totoo lang sobra akong nasaktan,pinabayaan ko ang sarili ko at nag-bisyo. Pero nawalan naman agad yun nang dahil sa mga kaibigan ko na nandiyan para sa akin. Simula ng araw na yun,nagiba na ang taste ko sa mga babae. Simula nun naniniwala ako na lahat ng babae manloloko at lolokohin lamang ako.

A/N: Guysssss. 'Wag kayong magalit na kontrabida si IU dito. Mahal ko si IU. :"< Naiisip ko lang naman 'to. Sana maintindihan niyo. :)

Yuna's POV

Kasalukuyan,nasa cafeteria ako kasama ko ang mga kaibigan ko maliban kay Jungkook. Siguro sa babaeng nakaharap niya kanina. Nagtataka ako,bakit siya nagalit? Anong meron sa kanilang dalawa? sa sobrang curious ko naisipan kong mag tanong sa mga kasama ko.

"Guys? Sino pala yung babaeng naka-harap kanina ni Jungkook? Tsaka bakit parang galit si Jungkook sa kanya?" tanong ko.

Nagtinginan na muna sa isa't isa.

"Gusto mo bang malaman?" seryosong  sabi ni Jin.

"O-oo." tipid kong sagot.

"Ang babaeng yun. Ay si Lee Ji Eun. Jungkook's ex-girlfriend." sabi ni Namjoon.

"A-ano nangyari sa kanila? Bakit sila naghiwalay!?" sabi ko.

"Kasi...*ehem* Maga-anivesarry na sila ni IU nun. Syempre kami naman 'tong tinulungan siya para sa date nila. Nung nakapunta na siya sa bahay ni IU. May nakita siyang hindi niya ineexpect." sabi ni Jimin.

"A-ano naman yun?"takang tanong ko.

"He saw IU kissing with another guy." seryosong sabi nila.

Shit.... Ang sakit naman nun. Sayang silang dalawa!

"Ang sakit naman nun!" sagot ko.

"Of courseeeee! Ikaw naman kaya 'tong makakita na yung taong mahal mo may kahalikan na iba." sabi ni Jimin.

Sa bagay,may punto si Jimin. Kaya pala iba na taste ni Jungkook sa mga babae. Grabe nakakaawa ng nangyari sa kanya.

"At sumunod na nangyari,bumaba ng kotse si Jungkook at sinugod ang lalaki. Pinagsasapak ni Jungkook yung lalaki at pinipigilan siya ni IU. Pero hindi umaawat si Jungkook hanggang sa nasampal siya ni IU." pag patuloy ni Hoseok

"At ang sumunod na nangyari... Pinapili ni Jungkook si IU kung siya ba o yung lalaki. Ang  sagot niya..."

"Anooo!?" Sabi ko.

"Pinili niya yung lalaki at ang sabi pa niya aalis na siya sa Seoul kasama yung lalaki,pumunta si IU sa Italy at hindi na nagparamdam kay Jungkook."

"Halaaaaa! Ang saklap!"

"Talaga! Simula ng araw na yun,nagiba ng ugali si Jungkook,yung Jungkook na kilala naming masayahin ay nagiba na. At dahil dun nagiba na ang taste niya sa babae,sa tingin niya lahat ng babae manloloko."

"Si Jungkook naman kasi,hindi man lang nagtitira sa sarili niya,ayan tuloy! Wasak na wasak sa pag-ibig!" sabat ni Yoongi.

"Sa bagay tama ka. Grabe pala magmahal si Jungkook. Sobra sobra." sabi ko.

"Kaya nga,maswerte talaga si IU na nagkaroon siya ng boyfriend na katulad ni Jungkook. Sa hinaba haba ng pagsasama nila,si IU lang ang nagloko. Sa tuwing may nalapit na babae kay Jungkook ang sinasabi niya na "Sorry. Magagalit ang girlfriend ko". At palagi niyang mukhang bibig si IU. Tapos lolokihin niya lang si Jungkook!" sabi ni Jin na galit na galit.

"Pero... Wala na eh. Nangyari na." Malungkot na sabi ni Taehyung.

"Grabeeeee. Teka. Nasaan pala si Jungkook?" tanong ko.

"Ewan namin... Nagpapalamig yata ng ulo eh." sagot ni Namjoon.

"Nag-aalala na kay Jungkook." sabi ni Taehyung.

"Kaya nga eh. Tsaaka bigla biglaan na lang bumalik yung ex niya." sabi ko.

"Pero... Ano kaya nangyari kina IU at sa lalaki?" dagdag ko.

"Baka pinerahan?!" Tanong ni Hoseok.

"O kaya. Niloko?" sabi ko.

"Hayaan niyo na. Hindi natin problema yun. Pagkatpos niya pang likohin si Jungkook tapos ganun ganun na lang!? Hindi laruan yung bunso natin!" sabi ni Jin na gigil na gigil.

"Hay. Magsikain na nga lang tayo. Mamaya susubukan ko na kausapin si Jungkook." sabi ko at kumain na kami.



—————————————

Hello, I'd like to hear your thoughts on this chapter. Could you please leave a comment? Thanks! ><

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon