Jungkook's POV
Kasalukyan,uwian na. Naisipan ko na maghintay na lamang sa labas. Alam niyo naman na lagi kaming sabay sabay kaming pito umuwi. Ganun talaga,hindi kaming mapag hiwalay na pito.
Bigla akong nagulat na may biglang may yumakap sa likod ko.
"Love. May kasabay ka ba?" her voice is sweet like candy.
Shit. I know that voice! It's her again. Pinapainit niya talaga ang ulo ko kaya naman inalis ko ang kamay niya sa katawan ko.
"IU! Pwede ba!? Lubayan mo na ako! Hindi ka ba talaga titigil?!" Iritang sabi ko.
"Gusto ko lang naman na makasama ka."malambing na sagot niya.
"Sa tingin mo ba na gusto mo pa kitang kasama?!" sabi ko.
"Pakiusap lang.... Layuan mo na ako... Wala ka ng babalikan.." mahinahon kong sabi.
Namalayan ko na tumulo na ang mga luha namin. At umalis na siya.
Pero kilala ko siya. Hindi talaga siya titigil kapag gusto niya makuha ang gusto niya. Dagdag problema talaga siya nakakainis grabe.
"Jeooooonnnnn Jungggggkoooookkkkkk!" sigaw ni Eomma Jin.
Kaya naman humarap ako,papalapit sa akin ang pito.
"Uy? Umiyak ka ba?" sabi ni Jimin
Kaya naman dali dali kong pinunas ang mga mata ko.
"Sabi na eh. Umiyak ka eh." sabi ni Jimin at hinapas ako ng mahina.
"Siguro nakita mo nanaman yung ex mo." sabi ni Namjoon.
Napansin ko na parang may hinahanap si Yuna sa likod ko.
"Siguro nga..." sabi niya.
"Ayun si IU oh!" dagdag niya sabay turo.
Kaya naman lumingon ako,hindi talaga nila matatakasan ang pagsisinungaling ko.
"Hay nakooooo! Kalimutan mo na kasi yun!" sabi ni Taehyung.
"Kinalimutan ko naman siya eh. Kaso.... Kung kailan okay na ako... Bigla bigla na lang siyang bumabalik." paliwanag ko.
"Yaaaaaa~ Hayaan mo na yun. Tsaka past is past! Kumain na lang tayo!" sabi ni Taehyung at inakbayan ako.
"Kaya nga~ Nagugutom na rin ako,gusto ko kumain ng kimchiiii~" sabi ni Jimin.
"Naloloka na kami sa pagkaka-adiik mo sa kimchi Jimin!" sabi ni Yuna.
"Tara na! Yuna,pumunta ka muna sa bahay namin para kumain." sabi ni Jin.
"Basta luto mooooo~" sabi niya.
"Aba. Sige." sagot ni Jin.
"Tara naaaaa! Gutom na ako! Puro na kayo satsat." sabi ni Yoongi.
At tumingin kami ng masama kay Yoongi at tumingin din siya samin na may nag tatakang mukha.
"BAKIT!?" sabi niya.
Kaya naman nagtawanan na lamang kami at tumuloy na kami sa paglalakad.
IU's POV
"Pakiusap lang... Layuan mo na ako... Wala ka ng babalikan."
Hindi hindi ko makakalimutan ang sinabi niyang yun.
Ang sakit....
Ang sakit sa damdamin na sa taong mahal mo narinig ang mga salita na yun.
Pero kahit ganun siya sa akin. Hindi pa rin ako susuko.
BINABASA MO ANG
Spring Day
FanfictionThe human's cheerfulness and positivity will never be quenched.