Chapter 34

6 0 0
                                    

Yuna's POV

Maganda ang lugar dito lalo na ang beach.
Clear blue sky,White sand at dagdagan mo pa na kumikinang na dagat.

"Do you like this place?"

Nagulat na lamang ako na biglang nagsalita si Namjoon.

"Oo sobra." sagot ko.

Nagulat na lamang ako na tinitignan niya ang sapatos na suot ko ngayon na bigay ni Jungkook.

"Bago yang sapatos mo ah?" wika niya.

"Bigay sa akin ni Jungkook yan. Kasi mahilig ako sa white shoes." sagot ko.

"Talaga? Hahaha. Special ka talaga kay Jungkook 'noh? Kahit minsan nag-aaway kayo na para bang aso't pusa."

"Oo nga eh. Haha. Mabait naman siya eh. May pagka-saltik nga lang."

"Kaya nga eh. Haha. Pero..."

"Bakit?"

"Wala ka bang nararamdaman sa kanya? Hindi mo ba siya nahahalata? Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa kanya?"

"W-what do you mean?" tanong ko.

"Nevermined. Kalimutan mo na yun." sagot niya.

"Nandito lang pala kayo!" sabi ni Jimin at kasama niya si Yoongi.

"Hindi talaga kayo naghihiwalay ni Yoongi 'noh,Jimin? Hahaha." sabi ko.

"Stalker kasi si Yoongi eh." biro ni Jimin.

"'Wag kang assuming oy." sagot ni Yoongi.

Nasa labas kami ng resthouse. At naka-upo lamang. Pinagmamasdan lamang namin ang dagat.

"Yuna." tawag sa akin ni Yoongi.

"B-bakit?"

"Totoo ba yun?"

"Ang alin?"

"Na... N-nang dahil sa sakit mo... M-may balak kang magpakamatay..?"

"Ah... E-eh.. O-oo.. Kasi... N-nahihirapan na kasi ako.. Ganun talaga ang buhay ko eh... Madali lang kasi akong sumuko..."

"Hay. Hindi si Yuna yun. Ang kilala naming Yuna ay hindi sumusuko! Laban lang ng laban!" sabi ni Jimin.

"Pero-"

"Yuna. Makakaya mo rin yan! Makakahanap din tayo ng donor! Magpakatatag ka lang. Gagawin namin ang lahat para makahanap ng donor mo." wika ni Jimin.

"S-salamat talaga sa inyo. K-kasi nandiyan kayo para sa akin. Maswerte talaga ako na nagkaroon ako ng mga kaibigan na katulad niyo." sagot ko at hindi ko namalayan na tumutulo ang luha ko.

"Bumabawi lang naman kami sayo,Yuna. Simula ng dumating ka sa buhay namin,lahat ng problema namin nasulusyunan mo. Kaya hindi namin hahayaan na mawala ka pa. Tsaka ikaw na lang ang meron kami. You are so special to us. Always remember that. And we love you so much,Yuna." sagot ni Namjoon.

Nang dahil sa sinabi ni Namjoon. Halos bumuhos ang lahat ng luha ko sa sinabi niya. Na-touch ako sa sinabi niya. Ramdam ko talaga na special talaga ako sa kanila. Ramdam ko talaga na mahalaga ako sa kanila.

"Ayan na! Umiyak na tuloy haha!" sabi ni Yoongi na umiiyak na rin.

"Pati nga ikaw eh! Hahaha!" sabi ko habang pinupunas ko ang luha ko.

"Hahaha. Ang drama kasi natin eh." sagot ko.

"Tama na nga yang drama-drama na yan. Mag-enjoy na lang tayo dito sa pinuntahan natin!" wika ni Jimin.

"Kaya nga eh. Hahaha." sabi ni Yoongi.

Napapaisip pa rin ako sa sinabi ni Namjoon.

"Wala ka bang nararamdaman sa kanya? Hindi mo ba siya nahahalata? Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa kanya?"

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon