Chapter 8

11 2 0
                                    

Taehyung's POV

Kasalukuyan,nasa kwarto kami ni Yuna para mag-review. 100 items kasi ang nasa test eh.

Ang dami diba?

Pinagmamasdan ko si Yuna,naka-salamin at magulo ang buhok. Pero bakit ang ganda pa rin niya?

"So,let's start?" sabi niya habang umupo siya sa tabi ko.

"Ah. Oo sige." sagot ko.

Habang nagdi-discuss siya,nakatingin lamang ako sa kanya at para bang nagslo-slowmotion ang paligid.

"Uy? Taehyung? Naiintindihan mo ba yung sinasabi ko? Uyyy?" sabi niya sa akin.

Hindi ko namalayan na nakatunganga lang ako sa kanya at hindi nakikinig.

"A-ahh. Oo,I understand you." kunwari kong sagot.

"Nagre-review ba din sina Namjoon?" tanong niya.

"Oo. Tsaka nagpasiya na kami mag-sama sama sa iisang bahay." mahinahon kong sagot.

"Talaga? Kaninong bahay naman?" tanong niya ulit.

"Kay Yoongi." sagot ko.

"Yoongi? Bakit? Mag-isa lang ba siya?" tanong niya.

"Oo eh. Iniwan siya ng parents niya 2 years ago." paliwanag ko.

"Ah kaya naman pala." sabi niya.

"Ano pala nangyari sa parents mo? Nasaan sila?" tanong ko.

"Heaven. My parents died when i was 13 years old. Kaya nagtutulungan na lang kami ni Kuya para sa panggastos." paliwanag niya.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Pero kahit ganon ang nangyari sa kaniya  napaka-buti niyang kapatid.

Ilang oras na ang nakalipas,naka-tapos na kami mag-review.

"Takte. Nagugutom na ako." sabi sa akin ni Yuna.

At may biglang pumasok,at nakita ko ang kapatid niyang si Jam.

"Ate,Kuya. Kakain na daw sabi ni Kuya Bobin." sabi ni Jam.

"Sige,susunod na kami." sagot ni Yuna.

At tuluyan ng lumabas ng kwarto si Jam.

"Grabe,nakakahiya naman na dito ako kakain." napakamot ako ng ulo.

"Wag ka ng mahiya. Welcome ka naman lagi dito." binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

"Salamat,Yuna. Mamaya pala punta daw tayo sa bahay sabi ni Yoongi." wika ko.

"Ah. Sige ba. Pagkatapos natin kumain." sagot niya.

Nagpasiya na kaming bumaba at pumunta sa kusina.

Pagkatapos naming pumunta,agad na kaming umupo. Nakita kong naka-upo na rin si Jam.

"Kuya? Ano palang pangalan mo?" tanong sa akin ni Jam.

"Kim Taehyung ang pangalan ko." sagot ko.

"Hmm. Bagay sayo yung pangalan mo,pogi ka kasi eh. Haha. Tsaka ganung tipong lalaki ang gusto ni ate hahaha." natatawa niyang sabi.

Napatingin si Yuna kay Jam.

"Kim Taehyung pala ha." nagulat na lang ako na binanggit ng Kuya niya ang pangalan ko.

"So,ikaw pala ang kaibigan niya ha." sabi sa akin ng Kuya niya.

"Kuya Bobin." inis na sagot ni Yuna.

"Bakit?!" sagot niya.

"Taehyung,bakit mo naisipang kaibiganin yung kapatid ko?" tanong sakin ni Bobin.

"W-wala lang. Sa tingin ko kasi makakasundo ko siya palagi." sagot kong mahinahon.

Spring DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon