CHAPTER 13: TASK RESULT

402 17 1
                                    

GAB's POV

Today is monday at huling araw na 'to namin as a doctor kung gigising yung pasyente namin na si Cheon. Gising na kasi si Lola Kristina at kasalukuyan na s'yang nasa ward at nagpapahinga.

Regarding sa pag-aaral sabi ni Dia ayos na daw. Pumayag naman daw si Headmistress Grace na paaralin namin si Cheon at kami ang gagastos sa lahat ng expenses nya sa school.

Speaking of that girl, nandito parin kami sa ICU. Hinihintay s'yang magising.

"Halikan mo kaya, Luke? Baka magising" out of nowhere na suggestion ni Ypril.

"Hala? Ikaw naka isip kaya ikaw ang gumawa" Luke.

"Ang chossy nang gago. Ikaw nalang kaya Gab?" Ypril.

Napatingin naman ako sa kanya at pinanliitan ito nang mata. Pinagsasasabi nito? Anong tingin nya sa akin? Isang prinsepe?

"Or wag nalang hehe" napakamot naman si Ypril sa batok nya nang makitang ang sama nang tingin ni Ynnah sa kanya.

Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa ginawa ni Ynnah. Akalain mo nga naman, yung akala mong babaeng mahina na palagi mong nililigtas dati sa kapahamakan ay hindi pala mahina?

"Guys, She's awake" masayang balita ni Shan sa amin kaya agad kaming nagsilapitan sa kama ni Cheon.

She's really awake.

"Oh, my, ghad. Girl you're gising na din sa wakas, it's like oh my god! Alam mo we are so natakot ta---" 'di na ni Aia natapos yung sasabihin nya nang barahin ito ni Clark.

"Ang ingay mo talaga"

Napalingon-lingon naman si Cheon sa paligid nya.

"T-teka, asan ako?" Cheon.

"You're here in Mhrc Academy Hospital" sabi ni Ynnah sa kanya

Kaya napalingon ito sa direksyon namin. Nginitian lang namin ito ni Ynnah.

Bigla nalang itong natulala habang nakatingin sa amin.

"Are you okay?" I ask her.

Dahan-dahan naman itong tumango pero tulala parin.

Problema nya?

"If you say so" sabi ko at tumalikod na.

Now that she's awake makakapahinga na din kami ng maayos, pwede na kasi yung mga nurse na dito ang mag monitor sa kanyang kundisyon.

"Gab, saan ka pupunta?" Ynnah ask me.

"Comfort Room. want to come with me?" Biro ko sa kanya at ngumisi.

"Gabriel Angelo Billegas! Ang baboy mo" inis na sabi ni Ynnah na s'yang dahilan para matawa yung mga kasama namin.

"Ang gwapo ko namang baboy at akalain mo yun humali---" 'di ko na natapos yung sasabihin ko dahil nakita kong hinubad nya yung white high heels na suot nya

Kaya tumakbo ako palabas ng ICU.

"IKAW LALAKING KA! BUMALIK KA DITO" sigaw ni Ynnah dahilan para pagtinginan kami dito sa hospital habang hinahabol nya ako.

Tawa lang ako nang tawa habang lumalayo sa kanya.

Napahinto lang ako nang mapansin kong hindi na ako hinahabol ni Ynnah kaya napatingin ako sa pinanggalingan ko at nakita ko s'yang naka upo sa sahig habang hawak-hawak yung paa nya. Kaya bumalik ako sa direksyon ko kanina at lumuhod sa harap nya para mag ka-level kami

Mhrc Academy: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon