CHAPTER 14: HISTORY

407 18 0
                                    

GAB's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto namin ni Ynnah, nagpapahinga. Nagbabasa lang ng twilight na libro. Pampalipas oras ko lang 'to.

Nang makaramdam ako nang antok, tiniklop ko yung libro na hawak ko at ipinatong sa bedside table pagkatapos humiga ako nang maayos sa kama ko at natulog

Nagising lang ako nang maramdaman ko na may tumatapik sa pisngi ko.

Si Ynnah lang pala.

Agad akong napaupo sa kama at tiningnan sya.

Ganito ako minsan pag bagong gising medyo disoriented pa. Kaya pagpasensyahan nyo na. Lol.

"Gab, nakikinig ka ba?" Narinig kong sabi ni Ynnah ng bumalik na yung senses ko.

"Sorry, pardon?" Sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga ito bago nagsalita.

"Ang sabi ko, tumayo ka na d'yan dahil alas-sais na. You're sleeping for almost half day" sabi nito at inirapan ako.

"Hay, mukhang disoriented ka pa masyado,Gab. Sumunod ka nalang sa akin sa cafeteria" sabi nito at naglakad palabas ng pinto.

Gumaling na pala yung sugat nya? Maybe pumunta sya sa hospital.

Pumasok muna ako sa banyo at naghilamos at mumog.

Nagpalit din ako nang damit at pants. It's a black fitted-tshirt at black na pantalon at nagsuot din ako ng black jacket habang nasa loob naman nang bulsa nito ang black cap.

Mas mabuti na yung handa. Bawal pa naman pumasok sa library pag gabi na. But it is an advantage pag pumasok ka kasi walang istorbo sa plano.

Sinabihan ko na din si Zach na iwang nakabukas yung isang bintana sa 2nd floor. Kasi doon ako papasok.

Nang matapos na ako, lumabas na ako ng dorm at dumaan muna sa locker ko to check kung nandoon yung backpack na gagamitin ko. Just incase. Nang masigurado kong nandoon . dumiretso na ako sa cafeteria.


"Saang lamay punta mo, pre?" Natatawang bungad sa akin ni Clark ng makalapit ako sa table namin

"Sa lamay mo" ngumisi naman ako at tumawa nang mahina.

Clark face was so priceless.

"BURN!" sigaw ni Ash at nagpalabas ng isang fire ball sa palad nya

"Ang bad n'yo kay Clark" Abby said na pinipigilan tumawa.

"As I know na natatawa ka na din,Ab" nakasimangot na sabi ni Clark.

Dahil doon sa sinabi nya di na talaga natiis ni Abby at tumawa na ito nang tumawa. Yung tipong nag e-echo sa loob ng cafeteria yung boses nya kaya napatingin ang lahat ng kumakain sa pwesto namin.

Yung iba natawa na din pero yung iba medyo naiinis and some are. Okay, let me say parang walang narinig kasi walang pakialam sa paligid nila.

"Ayy? Gurabe kayo! Samahan n'yokong tumawa" maktol ni Abby.

"Sorry, miss. Sino ka ba?" Jiro said at tiningnan si Abby na parang 'di nya ito kilala

Sinamaan naman ito ni Abby nang tingin.

"Sorry miss. 'Di ka talaga namin kilala. Wala kaming kaibigan baliw eh" Jiro said.

Ngumisi naman si Abby

Mhrc Academy: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon