YNNAH's POV
Nagising nalang ako nang maramdaman kong medyo matigas yata yung unan ko. Hindi naman 'to ga'non ka tigas ahh?
At isa pa, bakit may bukol-bukol yung unan ko?
Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim..
Bilang ko sa bukol-bukol sa unan na niyayakap ko.
Sniff sniff sniff.
Bakit amoy panlalaking perfume yung unan ko? As I know, 'di naman ako gumamit nang panlalaking perfume ahh?
Amoy strawberry perfume dapat yung unan ko at hindi axe!
Axe?
Axe?
Dahan-dahan kong iminulat yung mata ko at tumambad sa akin ang isang napakagwapong demonyong anghel na may nakakalokong ngiti.
"Goodmorning" nakangiting bati nya sa akin.
"OH MY GOD! ANONG GINAWA MO SA AKIN? ANONG GINAGAWA MO SA KAMA KO?" sigaw ko sa kanya
Nanliit naman yung maliit n'yang mata.
How cute!
Che! Di sya cute!
Oo na cute sya!
"Wala man lang thank you d'yan?" Sabi nya.
Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Tinarayan ko pa ito.
"Bakit naman ako mag ti-thank you sayo?" Sabi ko sa kanya at tinaasan ito nang isang kilay.
"Sige, pwedeng 'di ka mag thank you pero pwede bang umalis ka na sa braso ko? Ang bigat mo kaya" Gab said at nag smirk.
Napaupo naman ako sa kama.
H-hinigaan ko y-yung braso ni Gab. So, it means.... Si Gab din yung kayakap ko kagabi?
WAAHHHHHHHH.
Lupa, lamunin mo na ako! Isa itong malaking kahihiyan. Agad naman akong tumayo at tumakbo papasok sa banyo at ni-lock ito.
Narinig ko naman yung manly laugh ni Gab.
'Bat ang sexy parin pakinggan nang manly laugh nya?
Waaahhh! Ano ba yang pinag iisip mo Ynnah.
Homaygad! Homaygad! Paano ko sya haharapin? Waahhh! Nahihiya ako.
Narinig ko namang kumatok si Gab sa pinto ng banyo at tinanong ako kung ayos lang ako.
'Di ako sumagot sa kanya
Kumatok ulit sya. Ang kulit din eh 'no?
"Ayos lang ako, Gab" sabi ko sa kanya.
"If you say so, bilisan mo na d'yan at sumunod ka nalang sa cafeteria for breakfast" sabi ni Gab.
Nang marinig kong sumarado yung pinto sa kwarto agad naman akong nagbihis ng uniform at inayos yung buhok ko.
Pagkadating ko sa cafeteria nakita kong nagku-kuwentuhan sila at yung mga lalaki grabe yung tawa habang yung mga babae naman mukhang kinikilig
BINABASA MO ANG
Mhrc Academy: The Lost Heir
FantasyAng MHRC Academy ay isang private school sa mundo nang mga hindi pangkaraniwang tao. Paaralan kung saan ang mga mag-aaral ay may kanya-kanyang abilidad na hindi taglay nang isang ordinaryong tao Si Lucifer Deamon Villarubia ay ang natatanging taga p...