CHAPTER 34: FOUNDATION DAY CHAMPS

275 14 0
                                    


GAB's POV

Sa wakas tapos na rin ang talent night namin kahapon. Gumising na naman akong maganda. 

Sheyt! hahaha

Ganito pala feeling pag babae? Ang gulo ng buhok pag gising wahahaha Bakit ba? trip kong wag tanggalin yung wig na ginamit ko eh. 

"Goodmorning my beautiful boyfriend" Nakangising bati ni Ynnah at umupo sa kama ko.

Nakaligo na pala sya. Di man lang ako ginising kanina

"Goodmorning din mhie" balik ko sa kanya.

"Bumangon ka na d'yan. And removed that wig, baka matuluyan ka na nyan eh" Ynnah said at nag pout. 

Natatawa naman akong umupo tsaka kinurot yung magkabilang pisngi nya.

"Ouch! Gab" Banta nya sa akin.

Akmang hahampasin na nya sana ako pero bigla akong bumaba sa kama ko at tumakbo papasok ng banyo. 

I removed the wig first tapos binura ko yung make up sa mukha ko. 

I was looking at the mirror with a shock expression painted on my face. Wala lang, ang gwapo ko lang kasi. Tssk.

Nag toothbrush muna ako bago naligo. 

After taking a bath, lumabas ako ng banyo ng hubo't-hubad. Di joke. Naka boxer ako noh!

Sinuot ko lang yung gray t-shirt ko tsaka ripped jeans and shoes. Tsaka nag jacket. 

Bumaba na kami ni Ynnah at pumunta na sa kitchen. Dito nalang muna kami kakain ng agahan.

Papasok namin sa kitchen, nakita agad namin na busy yung ibang kasama namin sa paghahanda ng breakfast. Habang yung iba naman nakaupo lang sa gilid habang nanonood sa mga naghahanda. 

Ynnah helped the other girls in preparing the food samantalang pumunta naman ako sa mga kapwa ko lalaki na ngayon ay nakaupo lang sa may couch habang busy sa kani-kanilang cellphone.

Umupo ako sa tabi ni Clark na parang may pinapanood.

"Clark, ano yang pinapanood mo?" 

"Huh? Ito ba? Wala to" sabi nya at ngumisi.

"Asus! Ikaw ha? Ang aga-aga pa" Jiro.

"Ganyan na ba talaga ang tingin nyo sakin mga pre?" Clark ask at binaba yung phone nya.

He's watching anime. Mukhang fairytail yata pinapanood nya 

"Oo" Kami

"BABE OH! INAAWAY AKO NG LD BOYS" sigaw ni Clark.

Sinamaan lang kami ni Dia nang tingin kaya natawa kami. 

"Palaban sa girlfriend, yucks" Luke. 

"Inggit ka lang kasi wala kang girlfriend" Clark said and stuck his tongue out na parang batang inaasar si Luke.

"Aba't loko 'to ah?" 

"You may Rest In Peace, Luke" Natatawang sabi ni Clark at nag peace sign pa kay Luke.

"Gago! Anong Rest In Peace? Pinapatay mo ba si Luke?" Ypril and Shan

"Ano ba kayo mga pre! Rest. Magpapahinga sya tapos Peace, bati na kami" Clark explained 

"Dami mong alam. Da-da-dami mong alam~~" kanta ni Ash.

"You're knowledge is overflowing dude, pahingi naman" Jiro said na natatawa. 

"Gago ka talaga Clark" Luke said at tumayo. 

Agad namang nawala si Clark.

"You can't find me dude" Clark said.

Mhrc Academy: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon