CHAPTER 27: JIRBY NAHBRIEL

330 16 1
                                    

GAB'S POV

"Cheon, and'yan ka lang pa------ Ynnah?" tawag ni Xander kay Cheon at Ynnah.

Bumitaw naman ako sa halik namin ni Ynnah at nagkunwaring gulat na gulat ng makita si Cheon at Xander na nakatingin sa direksyon namin.

"X-xand? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ynnah kay Xander.

"Ahhh, ayun ba? Hinanap ko lang si Cheon" Xander said habang masamang nakatingin sa akin.

Tiningnan ko lang din sya ng diretso sa mata.

"Tara na, Nichs. Nakakadisturbo yata tayo sa dalawang yan" Sabi ni Xander na may halong dismaya, galit at lungkot yung boses nya.

"P-pero Xand. gusto ko pang makausap si Gab" Cheon said .

Xander pulled her hand.

"I said let's go"

Hindi na naka react si Cheon ng hilahin sya nang tuluyan ni Xander palayo sa amin ni Ynnah.

"So, ano na?" Ynnah said nang nakayuko

"Ahh ehh Ihh Ohh Uhh" Me.

"HAHAHAHA Gago ka?" Ynnah ask.

"Oo" natatawa kong sagot sa kanya.

Just to cut the awkwardness between the two of us Lol.

"Sorry, for the kiss" Sabi ko sa kanya.

Hindi naman sya nagsalita.

"CANDIDATES" Tawag sa amin ni Miss Tica kaya lumapit na kami ni Ynnah sa karamihan.

Hindi parin kami nag kikibuan. Wala eh, AWKWARD.

"Start na tayo. From the Top" Miss Tica said at pumalakpak ng tatlong beses

Pumunta na kami sa backstage. I hold Ynnah's hand ng umakyat sya sa backstage. Napansin ko naman na nakatingin sa amin ng masama sina Xander at Cheon. Yung tingin na parang papatayin kami pareho.

Ynnah look at me with emotionless face. Nginitian ko lang sya ng matamis at nagkibit-balikat. Pagkatapos pumunta na kami sa assigned areas namin.

Sa may bandang left side stairs ng stage kaming mga lalaki dadaan samantalang sa right side naman yung mga babae.

"Pota ang landi" bulong ni Xander pero rinig ko naman.

Na pa smirk nalang ako.

Tss. Inggit ka lang gago

Di ko na sya pinatulan.

The music was on kaya nag simula na kaming maglakad papunta sa stage para sa Production number.

Nang nasa stage na kami nagkatinginan kami ni Ynnah kaya nginitian ko ito. Gumanti din sya ng ngiti sa akin.

Sumayaw lang kami ng ewan ko kung anong sayaw 'to. First time ko kayang sumali sa mga ganitong contest -_-

Pagkatapos nang music for Prod. Nag play ulit yung music na pangrampa kaya balik backstage na kaming lahat.

Rampa, Pose, Balik backstage, Rampa, Pose, Backstage ulit.

Last walk na namin to. Yung formal attire para sa Q and A na agad.

Nag play na yung slow music kaya nagsimula na ulit kaming maglakad ng dahan-dahan papunta sa stage.

Nang makarating kami sa pwesto namin.

Sinabi na ni Miss Tica yung mga lines na sasabihin ng MC.

After that tinawag na nya isa-isa yung mga candidates para sa questions.

Mhrc Academy: The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon