AMANDA's POV"Anong pinagbubulungan nyo dyan?" tanong ko sa dalawang lalaki na nasa harap ko.
Nagbubulungan kasi silang dalawa. Ano yun? Bawal e share? confidential information? ganun? Ganun?
"Wala, hon" Nicholas.
Nagkibit balikat nalang ako. Okay sabi nya eh. Wala daw kahit meron naman. Duhh.
"Ano pala totoong sadya mo dito, nak?" tanong ko kay Gab.
"Ahhmm.. I just want to ask lang sana Mom. If may alam po ba kayong information about sa Mhrc Academy" Gab.
"Anong klaseng information ba yan?" tanong ko sa kanya.
"Information po sana tungkol kay Luficer Deamon Villarubia" Gab said at tiningnan kami ng daddy nya ng diretso
Agad naman kaming nagkatinginan ni Nicholas at natigilan sabay napalunok ng laway.
Bakit biglang natanong ni Gab ang tungkol sa tunay nyang pagkatao? No! Hindi pa nya dapat itong malaman. Hindi muna sa ngayon.
"I-im sorry, nak. P-pero wala kaming alam tungkol kay Deamon" Pagsisinungaling ni Nicholas
"You're Dad is right. P-private kasi yung totoong i-information nya kaya hindi ito pinalabas" sabi ko bilang suporta sa sinabi ni Nicho.
I'm sorry, Gab. We're just trying to protect you. Parang tunay na anak na ang turing namin sayo ng Daddy Nicho mo.
"Ahh. okay po, akala ko kasi may alam kayo tungkol sa kanya"
"Bakit mo pala natanong yan?" Nicho.
Sinabi naman ni Gab yung reason na muling nagpatigil sa akin.
"Wag mo nalang yun isipin, son. Sa ngayon, just enjoy" Sabi ko sa kanya.
Tumango naman sya at ngumiti.
"By the way, napadaan lang kami dito , Mom, Dad. May Group Date po kami ngayon eh, so ayun, magpapaalam lang sana ako. Tapos didiretso na din kami bukas sa academy" Gab.
Agad naman kaming pumayag ni Nicho.
Pagkalabas ni Gab. Agad kaming nag usap ni Nicholas.
GAB's POV
"Ang tagal mo" reklamo ni Ynnah
"Nagpaalam lang ako sa kanila, Let's go?" sabi ko sa kanya.
I offer my hand at agad naman nya itong kinuha.
As usual pinagtitinginan na naman kami ng mga tao sa loob ng hospital. Hindi pa ba sila sanay?
"Eyo! GG~~~" Jiro singed.
"GG Ahhh" LD boys.
Natawa naman kami. Di maka move on sa talent night? Yun na yata ang pinaka kawalang hiyang ginawa ko.
Napansin ko namang nag pout si Ynnah kaya ko sya tinanong kung bakit sya nag pout but she just laugh at hindi sinagot yung tanong ko. Weird.
Nandito na kami ngayon sa parking lot ng hospital. Kanya-kanyang sakay naman kami ng kotse. Pumunta lang kami sa isang amusement park.
"Rideeesss tayooo" excited na sabi ni Aia.
"Sigeeee" Ynnah.
"Ferris Wheel tayooo, tara" Abby said at hinila si Ynnah tsaka Dia.
Hinila naman ni Aia si Rhianne.
Nagkatinginan naman kaming mga boys tsaka nag kibit-balikat. But Ypril and Luke caught my attention. The two of them looks so pale.
BINABASA MO ANG
Mhrc Academy: The Lost Heir
FantasyAng MHRC Academy ay isang private school sa mundo nang mga hindi pangkaraniwang tao. Paaralan kung saan ang mga mag-aaral ay may kanya-kanyang abilidad na hindi taglay nang isang ordinaryong tao Si Lucifer Deamon Villarubia ay ang natatanging taga p...