"Goodmorning, Philippines and goodmorning world. Today is another day. Thank you Lord!""Wow, ganda naman ng umaga ng bunso ko ngayon ah! Mukhang goodvibes na ulit tayo..." pansin ni Cath sa kanya.
"Syempre naman ate.. Goodvibes all the way tayo... Kahit papano naman nakaka adjust na ako sa school. Napansin ko talaga yung pagkaka iba ng probinsya kesa dito. Kahit medyo nakakainis yung ibat ibang ugali ng mga ka eskwela ko mas nakaka challenge. Kaya ang pa hashtag ko sa araw nato, #adjusment..."
"Tama yan! Masasanay ka din..."
Naputol ang usapan ng magpinsan ng nag video call ang Papang ni Happy.
"Hi Papang..."
"Hi Tito.."
Masayang bati ng dalawa.
"Kaganda namang mga binibi ang nasa harapan ko ngayon.... Kamusta na ang mga anak ko?" Paglalambing ni Joe sa kanila.
"Eto Pang maganda pa din..."
"Oo nga Tito eh, sa sobrang ganda namin hirap na hirap kaming mag adjust hahahah..." sabay pang nagtawanan ang magpinsan.
"Ang kukulit nyo talagang dalawa eh.. Nakakawala ng pagod yang mga ganyan nyong tawanan..."
"Pang okay ka lang? Mukhang may sakit ka..."
"Oo nga Tito, may problema ba?"
"Naku wala lang ito mga anak. Napagod lang siguro ako. Medyo nakaka stress at nakakapagod bantayan yung bago kong alaga na matanda pero kaya ko naman..."
"Pang nag aalala ako sa inyo. Umuwi kana kaya dito. Nang makapagpahinga kana. May kaunting ipon na din naman tayo pwede na tayo makapag umpisa kahit maliit lang na negosyo dito..."
"Tama si Happy Tito. May stable na din naman na akong trabaho, carry na natin yan dito sa Pinas. Naririnig ko sa mga co teachers ko mahirap ang trabaho ng caregiver jaan..."
"Happy, Cath. Ayos lang ako dito. Wag kayo masyado nagpapaniwala sa mga kwento jan. Oo mahirap pero kapag nahawakan mo na yung katas ng pagsisikap mo, ay nakow kasarap sa pakiramdam. Tsaka may goal pa tayong tatlo diba? Kapag natupad na yun pwede na akong magpahinga..."
"Hay naku Pang kapag ikaw talaga kausap napakahirap mong kumbinsihin. Speaking of magpahinga,, sige na Pang matulog kana. Mukhang ano man oras totokhangin na yang mata mo. At papasok na din po kami ni ate Cath. Goodmornight Pang lab you po..."
"Sleep well Tito, lab you po..."
"Bah... mapapasarap talaga ang tulog ko nyan dahil may pabaon na I Love you mga anak ko. Mahal na mahal ko din kayo mga anak. Mag iingat kayo. Bye..."
"Bye Papang.. Tito...." pagpapaalam ng dalawa.
Sabay na ding pununta ng skwelahan ang dalawa..
"Ate, mamaya ako na ang mag aabot ng spaghetti kay Elha ha?"
"May naamoy akong nagpapabida dito eh. Napapaghalataan masyado na lakas ng tama mo sa kuya eh, kaya sa kapatid ka nag uumpisa... ano..." at nagpataas baba pa ng kilay si Cath..
"HALA ate, fake news yan. Kahapon kasi nung ningitian ako ni Elha parang may bumulong sa akin na ituloy ko lang. Pakiramdam ko alam ko na kung ano ang kailangan ni Elha... Kung papano sya makaka recover..."
"Okay, sabi mo eh.. Sya nga pala hinay hinay lang. Kilala mo naman ugali ng kuya ni Elha.."
"La akong pake sa kanya ate, kay Elha ako concern at di sa kanya..."
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...