"Anong nangyari? Asan ako?" Agad kong nasabi ng nagising na ako."Momy Happy... huhuhuuhuhu..." napabangon ako bigla ng makita ko na sobrang hagulgol nito sa pag iyak at higpit ng yakap nya sa akin.
"Baby.. Elha, wag kanang umiyak okay lang ang Momy Happy okay..."
"Bunso..."
"Ate.. anong nangyari? Asan ako?"
"Nasa ospital ka. Isinugod kana nila Elhie at DJ kanina ng mawalan ka ng malay. Kamusta na ba ang pakiramdam mo?"
"Si Elhie at DJ? As in silang dalawa ang nagdala sa akin dito? Eh sa pagkakatanda ko bago ako kaladkarin ni Sue eh halos nagpapatayan na sila. Ayaw pa nga mag pa awat!" Hanggang sa mga oras nato ay naiinis pa din ako sa mga nangyari.
"Oo silang dalawa, kung papanong nangyari hindi ko din alam. Tinawagan na lang ako ni Elhie kanina na dinala ka na nila dito. Tapos nung dumating ako pareho silang nasa magkabilang side mo. Okay na nga sana eh akala ko peace na sila. Susme nung sinabi kong ako na ang bahala sayo at pwede kana nilang iwan pati yun pinag awayan pa din nila. Walang gustong umuwi sa kanilang dalawa. Muntik nanaman nga magkagulo eh! Buti na lang at kasama ko ang Kuya Danny nyo, ayun sya ang kumaladkad sa kanilang dalawa palabas ... hay... tindi din talaga ng beauty mo bunso!! Ibang level...."
"Hindi ko tuloy maiwasan mainis sa kanila ate. Pakiramdam ko tuloy dagdag pa ako sa dahilan para maging imposible ang pagkakabati nila. Para tuloy akong trophy na pinag aagawan."
"Anong balak mo ngayon bunso?" Napaisip din ako sa tanong ni ate, ano nga ba ang balak ko sa magkapatid ma Ventura haist....
"Momy Happy... Galit din po ba kayo sa akin?" Saka ko lang naalala na kasama nga pala namin si Elha.
"No baby, bakit naman ako magagalit sayo? Tsaka wala ka namang kinalaman sa away ni kuya Elhie mo at ni DJ."
"Pero pareho ko po silang kapatid, baka pati din sa akin galit kana Momy..."
"Alam mo? Ib... ibig kong sabihin aware ka na kuya mo din si DJ?" Halos di ko maayos ang pagtatanong ko sa bata.
"Opo matagal na. Kinwento sa akin lahat ni kuya noon. Kapatid nga daw po namin si kuya DJ pero ng dahil daw po sa kanya at sa Momy nya kaya nasa heaven na si Momy at Dady ..."
"Baby..." tanging nasabi ko sa kanya at niyakap ko sya. Kabaliwan talaga ng Dodong nato pati kapatid nya dinadamay pa nya sa ganito ka gulong kwento, haist... "Makinig ka sa akin Elha ha, hindi ako galit sayo at kahit mano man ang mangyari hinding hindi. Pero sana wag mong masyadong sineseryoso mga sinasabi ng kuya mo tungkol kay kuya DJ mo. Masama kasi talaga ang magtanim ng galit sa ibang tao..."
"Alam ko po yun Momy Happy. Wag po nyo ako isusumbong kay kuya ha, gustong gusto ko po talagang lumapit din kay kuya DJ para sana mardaman din nya na tanggap ko sya bilang kuya ko. Gustong gusto ko po talaga na magkabati bati na kaming tatlo. Kasi sigurado po ako na mas magiging masaya si Momy at Dady sa heaven kapag nakita nya kaming tatlo na bati bati na po...." sobrang napabilib talaga ako kay Elha. Napakalawak nyang mag isip at napakalaki din ng puso nya para hindi magtanim ng galit sa sitwasyon nilang tatlo. Mas matured pa syang mag isip
Kesa sa dalawa nyang kuya haist...Pinalapit ko si Elha sa akin at niyakap ko sya ng napakahigpit... "Alam mo ba baby sobrang proud na proud ako sayo. Mas malawak pa ang pag intindi mo sa sitwasyon nyo ng mga kuya mo kesa sa kanila. Di bale Elha, gagawa tayo ng paraan para magkabati na silang dalawa. Unti unti lang muna natin. Pasasaan pa eh lalambot din yang mga kuya mo. Ayos ba yun?"
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Novela JuvenilPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...