"Dong! Ano bang nangyayari sayo?" Tangi kong nasabi ng makita ko syang balot na balot ng kumot at halos nanginginig ang buong katawan.Nang nilapitan ko sya at hawakan sya sa noo ay halos mapaso ang mga kamay ko sa sobrang init nya. "Dong ang taas ng lagnat mo! Bakit ba hindi ka nagsabi?" Oo nga pala saka ko lang naalala na nag inarte nga pala ako kanina.
"Kuya,, please gumaling kana. Natatakot na po ako..." biglang yakap ni Elhie sa Kuya nya.
Napalingon ako kay ate Cath na kasabay ni Elha na pumasok sa kwarto. "Ate, dalhin na ba natin sya sa ospital?"
"Relax lang bunso,, kumuha kana muna ng malamig na tubig o mas mainam kung may yelo sa ref nila lagyan mo na din tapos kumuha kana ng towel...." nakakaproud lang din magkaroon ng ate Cath. Wala man syang expirience pa sa pagiging ina pero lahat ng kilos at pagiging wais nya kapantay na ng isang totoong ina.
Nang makakuha na ako ng mga kakailanganin ay bumalik na ako sa kwarto ni Elhie para punasan sya... "Dong, relax lang ha... medyo malamig to..." tumatango lang ito at patuloy pa din sa panginginig.
"Elha, nakainom na ba ang kuya mo ng gamot?"
"Hindi pa po teacher... hindi ko po kasi talaga alam ang gagawin.."
"Sige antayin nyo ako dito at kukuha lang ako ng gamot sa bahay."
"Teacher may gamot po kami doon po sa may medicine cabinet di ko lang po maabot.." nakakatuwa lang na sa murang edad ni Elha ay aware na sya sa mga gamit nila dito sa bahay.
"Very good Elha, halika samahan mo ako at kunin na natin. Para makainom na ng gamot ang kuya mo."
"Sige po..." nang lumabas na silang dalawa sa kwarto ay nabaling naman ang atensyon ko kay Elhie.
"Dong, pagaling ka ha. Kawawa si Elha sobrang natataranta sya sayo. Tsaka sorry talaga sa inasal ko kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Nag inarte ako, natakot lang kasi ako na magalit si ate Cath sa akin. Fake news pala. Bad ka kasi! Hindi mo man lang ako ininform na nagpaalam ka pala kay ate tungkol sa panliligaw mo. Pero... salamat Dong ha, sobrang ma appreciate ko yun. Akala ko wala ng lalaking nabubuhay sa generation natin na kaya pang gawing ipagpaalam ang babae sa mahal nya sa buhay..."
Naputol ang pag sasalita ko ng bumalik ma sila ate Cath at Elha....
"Kuya eto na po uminom kana ng gamot. Tigas po kasi ng ulo nyo. Sabi ko nang wag kanang maligo kasi mainit na po kayo. Ayan po tuloy inabot nyo..."
Parang matanda manermon si Elha sa kuya nya pero may po pa din ang cute. Napatingin ako kay Elhie...
"Kaya naman pala yan ang inabot mo Dong kasi hindi ka nakinig kay aling maliit... halika tutulungan kitang bumangon at ng maka inom kana ng gamot... buti na lang pala at madami dami kang nakain sa palibre ni Sharlene at DJ.." wala pa din akong madinig na sagot galing sa kanya. Nanginginig pa din ito at hindi pa din bumababa ang lagnat.
Habang patuloy ako sa pagpupunas kay Elhie ay napansin ni ate Cath ang halos nakapikit ng si Elha.
"Bunso kaya mo na ba si Elhie? Isasama ko na lang sana si Elha sa bahay para makapagpahinga na kawawa naman eh.."
"Ay oo ate, mas stable na sya ngayon kesa kanina. Kahit papano wala na din naman na yung panginginig nya.. ako nang bahala kay Elhie ate..."
Tumayo ako at nilapitan si Elha...
"Baby,,, sama kana muna kay teacher Cath ha, para makapagpahinga ka ng maayos..."
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...