Chapter 14

827 63 43
                                    

Pagka hintong pagka hinto ng motor ni DJ ay agad ako baba at tumakbo papasok ng ospital.
Nakita ko naman agad si ate Cath..

"Ate si Elha?" Halos humihingal ko pang tanong.

"Nasa loob pa sya at..." hindi natuloy ni ate ang sasabihin ng napatingin sya sa likod ko. "Happy...bakit mo sya isinama dito?" Halata sa mukha ni ate ang pagka balisa kaya napalingon din ako. Nga pala kasama ko si DJ. Wala naman sigurong masama. Nagmagandang loob lang naman sya na ihatid ako...

Nagulat nalang ako ng halos kaladkarin ni Kuya Danny si DJ.

"Anak nang! Anong ginagawa mo dito?" Pigil na pigil si kuya Danny sa inis.

"Inihatid ko si Happy. Teka bakit ba galit na galit ka? Eh ikaw anong ginagawa mo dito? Tsaka sino ba tong andito sa ospital?" Sunod sunod na tanong ni DJ. Saka ko lang naalala na  na not in good term nga pala si ni Elhie kaya pwedeng away ang kahantungan nito...

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mong pumunta pa talaga dito, nananadya ka ba? Andito ka ba para masaksihan nanaman ang pagbagsak ko? Hayop ka talaga kahit kelan!'' Talaga namang nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Elhie at galit na galit. Akto na sana nyang susuntukin si DJ na agad namang na awat ni kuya Danny. Pero si DJ ay ayaw ding magpatalo..

"Kasalanan ko na naman? Wala kana bang ibang kayang gawin Elhie kundi ang isisi sa akin lahat? Tanga ka ba o sadyang nagpapaka bobo ka lang? Yung totoo lang tayo dito. Wala akong alam na ikaw pala ang pupuntahan ni Happy dito kaya wag kang masyadong assuming at mapagbintang. Inihatid ko lang si Happy dito sa pag akalang napaka importanteng tao ang pupuntahan nya dito. Huh! Kung alam ko lang na walang kwentang taong tulad mo pala ang andito hindi ko na sana sya hayaang mapunta pa dito!"

At tuluyan na naming hindi na kontrol ang sitwasyon. Agad namang binigyan ni Elhie si DJ ng dalawang magkasunod na suntok na nagpadugo naman sa bibig ni DJ. Halos matilapon si kuya Danny sa kakapigil kay DJ na makaganti kay Elhie pero nakalusot pa din ito at agad nasuntok si Elhie sa ilong dahilan para magdugo naman ang ilong nito..

Tumulong na din ako sa pag awat ng makita kong gaganti nanaman si Elhie kaya niyakap ko na sya para pigilan pero hindi sapat ang lakas ko para mapigilan sya. Nagpupumiglas itong makaganti pabalik kaya naitulak nya ako ng malakas na ikinatumba ko naman at dahil hindi ko na na kontro ang balanse ko kaya tumama namana ang ulo ko sa counter ng information... Pakiramdam ko umikot ang paligid ko.

PPppprrrttttt...

Buti naman at may mga security guards ng dumating sa wakas ay naawat na din sila.

"Happy! Okay ka lang bunso?" Nag aalalang tanong ni ate Cath sa akin at inalalayan na din akong tumayo.

"Okay lang ako ate..."

"Cath, mauuna na kami at iuuwi ko na ang kumag kong pamangkin..." pagpapa alam ni Kuya Danny. Tumango na lamang si ate. At humarap naman si Kuya Danny kay Elhie.
"Elhie pasensya kana. Uuwi na kami.."

"Tito bakit ka humihingi ng pasensya? Eh sya nga itong nauna eh!" Halos nang gagalaiti pa din sa galit si DJ.

"Manahimik kana at umuwi na tayo. Kahit kelan ka talagang bata ka!" Hindi na nagpatinag si Kuya Danny sa kanya at kinaladkad na sya palabas.

"Mam, sir. Over crowded na po tayo. Nakakabulahaw na din po sa ibang pasyente. Baka pwede pong lumabas na ang iba..." bigla namang singit mg nurse.

"Ahm... sige nurse lalabas na din ako.... pasensya na po ulit..." sagot ni ate Cath.

"Happy sa bahay na kita aantayin ha. Alam ko namang hindi ka uuwi hanggat hindi mo nakikita si Elha..."

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon