HAPPY'S POV...
"Pang?! Papang ikaw nga!!!" Pasimple ko namang binitawan ang kamay ni Elhie para hindi na mabaling pa ang atensyon ng Papang sa kanya. Niyakap ko siya at dahan dahang inilayo sa pinto kung saan nakatayo lang si Elhie at tila na statwa. Wag ngayon Lord please... mapapadasal ka na lang talaga ng wala sa oras.
"Parang hindi ka naman masaya na umuwi ako, ha Happy?" Dama ko sa boses ni Papang ang pagdududa kaya lalo akong nataranta.
"Pang ano nanamang drama yan. Sobrang saya ko po... as in super.. kompletong kompleto na po talaga ang birthday ko..." at yumakap ulit kay Papang.
"Teka nga bakit ginabi ka naman ata Happy? Ganitong oras ba natatapos ang klase mo?" At talaga namang halos hindi na ako makahinga sa lakas ng kalabog ng dibdib ko.. Parang umatras na ang dila ko sa takot.
"Tito, diba nga kasali si Happy sa dance org sa school at medyo super busy sila ngayon sa preperations lalo na at mag fafinals na tapos may competition pa silang sasalihan. Tsaka nakapag paalam naman po sya sa akin Tito na gagabihin sya.." si ate Cath na alam kong pilit sinasalba ako.
Halos lamunin na ako ng takot at konsensya sa mga oras nato. Masyado matalino ang Papang at magaling sya sa pagsesense ng tao kaya mukhang sa pagkakataong ito wala na akong takas at lusot. Lord ikaw na ang bahala sa amin ni Elhie.
"Busy sa org, busy dahil mag fafinals na tapos ginabi kasama ng lalaking to! So ano magka grupo ba kayo? Partner? Ano ba?" At talaga namang lalo na akong walang masabi dahil sa alam ko na ang mga ganitong salitaan ng ama ko.
"Lolo...." at bigla na lang lumusot sa kung saan si Elha. "Your here na lolo. Dati po sa screen ko lang kayo ng phone at laptop ni Momy nakikita..." at sabik na sabik sa yakap ng Papang.
"Uy ang hilaw kong apo.... sa wakas nakita na din kita ng personal. Dati din sa screen lang kita nakikita at napapanggigilan..." hihinga na ba ako? Naging sobrang close na din si Papang at si Elha. Mas madalas pa nga silang mag usap sa skyp lalo na kapag naabutan nyang online ang Papang.
"Wooww... ang dami naman pong pagkain.. Wait lolo paki baba po ako, babatiin ko lang po ang Momy ko..."
Pagka baba ng Papang sa kanya ay sya namang takbo papalapit sa akin.
"Momy Happy.... Happy birthday po., namiss ko po kayo. Buti na lang po at sinundo ako ni Kuya DJ kila Tita. I love you Momy..." at talaga namang halos masakal na ako sa higpit mg pagkakayakap nya.
Magmula nang magkabati na si Elhie at si Mam Papio ay pinapayagan na ni Elhie na hiramin ng Tita nila si Elha.
"I love you too baby qoh. Buti na lang at nakahabol ka sa birthday ko."
"Momy super dami kong paki usap kay Tita na magpapasundo na po ako. Kaso po busy so kuya Elhie sa pagpapraktis ng basketball tapos may work pa po sya. Tapos kayo po busy sa school tapos sa pagsasayaw. Buti na lang po si kuya DJ basketball tsaka girlfriend lang ang pinagkakabusyhan kaya po siya na lang pinaki usapan no Tita." Sabay baling kay DJ. "Thanks kuya..." at balik tingin ulit sa akin. At pasimple akong kinindatan. Hhhmmm.... anong ibig sabihin nito.
Kung babalikan ko lahat ng sinabi ni Elha mukhang lahat na enexplaine ni Elha at napansin ko ang Papang kong nakikinigna din naman. Sana nga si Elha na ang angel in disguise...
"Okay... hilaw kong apo tama na yan. Pwede bang magkaroon ng moment ang lolo sa kanyang prinsesa?"
"Ofcourse Lolo, can I have your hand Momy at ihahatid ko vpo kayo sa ating mahal na hari..." mukhang nabunutan na ako ng tinik.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...