Chapter 35

598 44 37
                                    

Dahil gustong bumawi ng Dodong ko sa akin ay pinagbigyan ko na din naman sya sabi nga its better late than never... tumawag na din ako kay ate Cath at nagpaalam na gagala lang kami ni Elhie...

"Hello ate Cath,, mag papaalam sana ako ate na mamamasyal lang kami ni Elhie..."

"Sige bunso pero wag kayo magpapagabi ha? Kung pwede sana before 7:00 andito na kayo. Alam mo na ipinagluto luto kita kahit kaunting pang salu-salo lang natin. Pupunta din si DJ at Sharlene... Ikaw naman kasing bata ka, may budget naman na ipinadala si Tito ayaw mo naman kasi magpaparty. Debut mo kaya..."

"Naku ate,. Wag na! Tsaka hindi para sa akin yung debu, debu na yan. Makasama ko lang kayong mga mahal ko sa buhay masaya na ako.." sabay tingin ko kay Elhie na kay lawak lawak ng ngiti. Bushak kinikilig ako! At dala na din ng kasiyahan ko ay pinagdiskitahan ko ang pisngi nya at pinanggigilan...

"Hay naku... ikaw yan eh. Sya sige enjoy the moment. Happy birthday ulit bunso. I love you..."

"I love you too ate..."

"So Yam san mo gusto pumunta?" Agad nyang tanong sa akin pag ka off ko ng phone.

"Hhhmmm... pwede bang magsimba muna tayo Dong? Mula pa kasi noon, sabi ng Mamang ko na wag makakalimot mag simba at magpasalamat kay Lord sa bagong taon na binigay nya sa atin."

"Sure. Sure...." halata kay Elhie na balisa ito at hindi komportable.

"Hoy Dong okay ka lang? Yung totoo ngayon ka lang ba papasok ng simbahan? Tense na tense ka ah!"

"Yung totoo Yam, OO ngayon pa lang ako papasok ulit ng simbahan. After ng mga hindi magandang nangyari sa pamilya ko hindi ko na sya sinubukang lapitan sya." Dama ko ang lungkot ng sabihin iyon ni Elhie kaya hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.

"Wag ka mag alala Dong, this time wala kana dapat ikatakot pa kasi andito na ako para samahan ka ano man ang pagsubok na dumating. Siguro oras na para tanggapin mo sya ulit sa puso mo.."

"Dito na lang siguro ako sa labas Yam. Aantayin na lang kita dito..."

"Hala sya! Ano nanaman yan Dong? Kailangan mo to! Kailangan nating dalawa to. Alam mo ba sabi ng Mamang noon, kaya daw naging matatag at matibay ang relasyon nila ng Papang ko dahil si Lord ang ginawa nilang sentro ng relasyon nila. Dong gusto ko,, kahit mali man itong pag uumpisa natin ay mas maging matatag pa din tayo. Wala tayo ngayon dito kung hindi dahil sa kanya..."

"Nahihiya ako Yam, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Kupal na talag ng mukha ko kung lalapit pa ako sa kanya..."

Huminga na muna ako ng malalim at hinawakan ang kamay nya... "Akong bahala sayo Dong, halika..." buti naman at hindi na sya nag protesta pa.

Pagkapasok namin sa loob ay sabay kaming lumuhod, hinawakan ko ang kamay nya para maging komportable sya. Naiintindihan ko si Elhie sa murang edad nya at may Elha pa noon na halos sanggol pa lamang nang mangyari ang trahedya sa kanilang ina na kahit sino man ay di papangarapin na mangyari yun sa pamilya nila.

"Lord, unang una po sa lahat ay gusto kong ipagpasalamat lahat po ng blessing na araw araw na natatanggap ko at ng pamilya ko. Naging sobrang saya po ng nagdaang 17 years ng buhay ko at sulit na sulit po lahat ng hirap at pagtitiis sa bawat pagsubok na napagdaanan namin noon. The best po talaga kayo! At sino pong mag aakala na bibigyan nyo po ako napakalaking blessing sa buhay ko ngayong 18th birthday ko.Hindi ko po hiningi at hiniling pero kusa nyo po syang ibinigay sa akin..." at sinadya ko syang tingnan dahil sya naman talaga ang tinutukoy ko. At nagkangitian kaming dalawa.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon