Chapter 17

944 62 40
                                    

"Yam, I can't take this anymore! Mababaliw na ako sa kakapigil ko sa sarili ko...."

"Dong! Ano ba? Wala talaga akong maintindihan sa pinagsasabi mo... Nakaka tanga ha!"

"Yan! Yan ang problema sayo, ang manhid manhid mo! Bulag ka ba o nag bubulagbulagan ka lang sa katotohanan!"

"Umayos ka Dong, baka di ko na mapigilan sarili ko baka magmukha ka nang panda kapag tumama itong kamao ko sa mata mo! Isa pa ha! Pag isipin mo pa ako!"

"Yam wala ka ba talagang nararamdaman? Hindi mo ba napapansin, I mean how i treated you, how I care for you? Hindi mo ba ma feel how special you are?"

Halaaaaa..... Eto na ba? Eto na ba yung moment na pinaka hihintay ko? Mag popropose naba sya sa akin? Aaminin na ba sya at sasabihin na ba nyang mahal nya din ako? Oh Em Gee... Lorrrrdddd....


"Pwede ba Elhie John Ventura, hilong hilo na ako sa pasikot sikot mo? Ano ba kasi talagang pinupunto mo?" pagmamatigas kong salita. Mas mabuti na yung ready ako at may shield. Hm.. Mahirap ng mahopia at sa harap pa talaga nya! Kaya umayos ka Happy wag kang masyadong pahalata... Kalma bai!!!

"Yam..."

"Dong!" sa totoo lang para na kaming ewan dalawa nakakaloka na ang eksena.

"Yam, I love you, Mahal na mahal kita....." at nasabi na nya ang 3 magic words at tuluyan ng huminto ang mundo namin ni Elhie...


Parang biglang naging mala fairytale ang paligid namin ni Dodong. Para kaming nasa malaking garden na napapalibutan ng madaming bulaklak at tila may mga paru parong may ibat ibang kulay ang lumilipad sa paligid namin. Blur ang lahat at ang mukha lang ni Elhie ang tanging malinaw sa paningin ko sa mga oras na to. Ayaw ko ng makipaglaro ng taguan oras na din para malaman nya kung gaano ko din sya minamahal. Ayaw kong mangibabaw ang takot sa puso ko. Bahala na, sapat na ang alam kong mahal nya ako at handa na akong ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko din sya.


"Yam naman oh, masyado mo naman akong pinapakaba, pwede bang magsalita ka naman? Basted ba ako o hopia san ako don? Anu't ano man yan tatanggapin ko. Wag mo naman ako masyadong pag isipin. Ang haba na ng panahon na tiniis ko pati ba naman sa moment nato matitigang pa ako....." ang dami dami pa nyang sinabi at halos wala na akong maintindihan kaya...

"I love you too Elhie John Ventura. Mahal na mahal din kita, noon pa man kahit na halos isumpa mo ako sa twing nag aaway tayo.." nang masabi ko ang mga salitang iyon ay talaga namang natulala sya at wala ng lumabas pa man na kahit anong salita sa bibig nya. Para syang na statwa!

"Dong. Wui... ikaw naman ang hindi na nagsalita! Ano na? Wala man lang ba akong hug jan?" Patuloy kong pangungulit sa kanya. Ang cute lang tingnan ni Dodong,,,

Ilang minuto na ang nakakaraan pero hindi pa din sya nagsasalita kaya tinapik tapik ko na ang mukha nya.

"Dong, kapag hindi ka pa talaga nagsalita hahalikan na kita... isa , dalawa, tat...." nagulat, napapikit at parang bolta boltaheng kuryente ang nagtatakbuhan sa mga kaugatan ko.  Hindi ako makahinga. First kiss ko nangyari ng hindi ko inaasahan...

"Happy, Happy.,,, bunso kanina ka pa ha! Tanghali na. Kelangan mong pumasok ilang araw kana ding hindi nagpapakita sa school baka mamaya mabigyan kana ng memo nyan ! Hahahahah bunso tama na ang pananaginip! Kanina pa yang nguso mo naka usli oh!" Tuluyan ng nagising ang diwa ko ng marinig ko ang ingay ng  bibig ni Ate Cath.

"Aray!!! Ate naman oh!" Reklamo ko, pano kang di mapapa aray nilagyan ba naman ni ate ng sipit ng sampayan ang bibig ko. Bushak! Panaginip lang pala ang lahat! "Ate talaga oh, ang ganda na ng panaginip ko eh, sinira mo pa talaga.." pagmamaktol mo.


Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon