Halos para na akong mawawalan ng lakas sa mga oras na ito halos nanlumo ako ng makausap ko si ate Cath..
"Happy si Tito.. Itinakbo ko sya sa ospital. Pagkadating ko dito sa bahay nakita ko syang nakahandusay sa sala. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na walang malay.. Puntahan mo na lang kami, andito na kami ngayon sa ospital. Dito na lang kita kakausapin Happy."
Pagka putol ng tawag ay wala na akong inaksayang oras. Ngayon ay nasa byahe na kami papuntang ospital. At habang palapit kami ng palapit ay para naman akong sinasakal dahil sa nerbyos na nararamdaman ko... Habang nasa malalim ako na pag iisip ay naramdaman ko ang mga kamay ni Ehie.
"Mhie,, wag kang mag alala maayos din ang lahat."
"Dhie, natatakot ako. Baka kung ano na ang nangyari kay Papang. At kapag ng nangayari yun hindi ko mapapatawad ang sarili ko.."
"Shhhh.. Mhie wag kang mag isip ng ganyan. Maayos ang Papang mo, ligtas sya. Kumalma ka lang Mhie. Andito lang ako di kita iiwan.." sa mga sinabing iyon ni Elhie ay hindi pa din ako mapalagay. Niyakap na lamang ako ni Elhie..
"Sir Elhie, andito na po tayo.." sabi ng driver. Hindi na kasi kami pinaalis ng Lolo ni Elhie ng hindi na kami pinag drive sa driver nila... Nagpupumilit din si Elha na sumama peo kinausap sya ni Elhie at pinangakuan na bibisita sila bukas.
"Lets go Mhie.." sa lalim ng iniisip ko ay di ko namamalayang nakababa na pala kami ng sasakyan. Dama ko ang pag alalay ni Elhie sa akin papasok ng ospital. Si Elhie na din ang lumapit sa nursing station para magtanong kung nasa anong room ang Papang..
Ngayon ay nasa labas na kami ng pintuan ng kwarto ni Papang. May mukha pa ba akong mai haharap sa Papang ko? Matapos kong saktan sya ng sobra? At talaga namang nag uunahan na ang mga luha sa mata sa pag agos. Napansin ko na lang ang pagbukas ng pinto ng kwarto..
"Happy.. Bunso.. Bakit di ka pumasok?" si ate Cath na tila nagulat ng makita kami sa may pintuan.
"Ate... huhuhuhu,, ate,, sorry..... sorry po talaga ... ate,...." at tuluyan ko nang naibulas lahat ng natitirang luha ko sa mata. At napayakap ako kay ate ng mahigpit..
"SShhhh,, bunso.Wag ka nang umiyak magiging maayos din ang lahat. Tama na yan. Wala namang may gustong mangyari yun.. Halika pumasok na tayo sa loob.." At tuluyan na akong nagpatangay kay ate Cath.
Halos madurog ang puso ko nang makita si Papang na naka oxygen at tila hinang hina.. Nang makalapit na ako sa kanya ay halos mapaluhod ako at hinawakan ang kamay nya..
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...