HAPPY'S POV....Halos hingal na hingal kakatakbo maaubutan lang si Elhie,... Kung di ako nagkakamali ay halos dalawang oras na syang nag aantay sa Park. Bushak! Bushak na buhay to.
Ang tagal bago ko napapayag si Papang buti na lang at tinulungan ako ni Sharlene.. Feeling ko may namumuoo ng pagdududa sa Papang ko sa mga ikinikilos ko. Lord help... Alam ko naman pong napakalaking pagkakamali itong ginagawa ko pero mas hindi ko kakayanin kapag umabot kami sa puntong ipagpipilitan ng Papang ko ang hiwalayan ko si Elhie..
Sa wakas at hindi ako binigo ng mga paa ko at narating ko din ang Park. Tanaw ko na mula sa kinatatayuan ko ang lalaking sobra sobra kong minamahal at handang pag alayan ng buhay ko. Over statement na, OA na kung OA pero yun ang totoo...
Mukhang pinaghandaan ni Elhie ang gabing to. May nakalatag na tela sa damuhan at mukhang may pagkain pa. Papanong hindi ka maiinlove ng sobra sa lalaking effort kung effort at napaka selfless ng pagmamahal nya sa akin.
Yung Elhie noon na halos isumpa ko na sa sama ng pag uugali ay kabaliktarang Elhie na minamahal ko ngayon. Halos isakripisyo na nya ang sarili nyang pride para lang maprotektahan ako at ang relasyon ko sa Papang ko.
Nang makalapit na ako sa kanya ay binigyan ko sya ng napakahigpit na yakap mula sa likod.
"Dady sorry.... akala ko hindi na kita maaabutan.."
Naramdaman ko ang paghaplos nya sa ulo ko at ang ngiti sa mga labi nito. "Pwede ba naman yun Momy ko. Alam mo naman diba handa akong mag antay sayo kahit gaano man yan katagal.. " puso ko lusaw na lusaw na.
Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at tumayo naman ito...
"Surprise Mhie,,, ako ang MVP ng team this year. Sayang lang talaga at wala ka kanina sa ceremony. Kasi kung andun ka isasama kitang aakyat sa stage. Para sayo ang trophy nato Momy. Nang dahil sayo kaya naabot ko lahat ng to!" Sabay abot nya sa akin.
"Ayyyiee Dady.. thank you..." at syempre teary eyes naman ako...
"Ibinibigay ko ang trophy nato sa MVG ng buhay ko.." napahinto ang luha ko at napa angat ako ng ulo sa mga narinig ko sa kanya.
"MVG?" Tanong ko sa kanya.
"Most Valuable Girlfriend ng buhay ko! Wala ako ngayon dito Mhie kung hindi dahil sayo. Thank you kasi hindi mo ako sinukuan.. Salamat kasi lagi kang anjan lalo na sa mga oras na sumusuko na ako. Wala ng tiwala sa akin ang lahat pero ikaw ang yung buong buo ang tiwalang may kaya pa akong gawin sa buhay ko I love you Mhie... mahal na mahal kita..."
At tuluyan ng nag unahan ang mga luha ko sa pag iyak.... "Thank you Dady... Pero alam mo, kaya ka anjan ngayon dahil ginusto mo yun. Pinagsikapan mo Dhie.. Kasi ako naka suporta lagi sayo kahit ano man ang mangyari.. Mahal na mahal din kita. Alam kong nahihirapan kana sa sitwasyon natin ngayon Dhie, pero sana... sana wag ka munang susuko ha.??" At lalo pa akong napahagulgol ng iyak.
Nasasaktan lang ako dahil hindi ko man lang sya kayang ipagmalaki at ipakilala sa Papang ko. Sobrang ang duwag duwag ko. Pakiramdam ko sa mga oras nato wala akong silbi sa relasyon namin ni Elhie.
"Mhie., yan ang wag na wag mong sasabihin... kahit ano man ang mangyari walang susuko. Hinding hindi ako susuko... promise!! Tama na yang pag iyak. Diba dapat happy tayo? Double celebration to. Pareho tayong nagtagumpay sa kanya kanya nating laban..."
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...