HAPPY VALENTINES DAY!"Mrs. Papio please!" Pakiki usap ko sa kanya pero parang walamg epekto! Naman! Nauubusan na ako ng oras at pasensya.
"Nababaliw kana ba Elhie? Andito tayo para sa kawang gawa natin sa ampunan nato, tapos gusto mo na lumapit ako kay Sister para hiramin mo ang garden para lang sa pakikipag date mo kay Happy? "
"Mrs. Papio hindi yun date. Pasasalamat ko yun sa kanya. Ang laki ng pasasalamat ko kay Happy. Mula ng dumating sya sa buhay namin ni Elha ang dami ng nagbago. Nagbago in a good way. Sa ganitong paraan man lang maibalik ko yung saya sa kanya please..."
"Hay naku Elhie tigil tigilan mo ako sa mga ganyang ka artehan ha?! Hindi natin lugar to! Bigyan mo ng konsiderasyon ang school natin!" At tinalikuran na nya ako at akma ng aalis.
"Tita please! Nakiki usap ako, kahit ngayon lang." nang marinig nya siguro ang salitang Tita ay literal syang napahinto sa paglalakad at humarap sa akin.
"Tita? Tinawag mo akong Tita?"
"Bakit hindi? Kapatid ka ng Momy ko at isa pa gusto ko na ulit mag umpisa ng paninagong buhay. I accepted DJ already and finally ikaw Tita, sana matanggap mo din ako. Sorry sa lahat ng pagkakamali ko at pag mamatigas ko..."
At literal na nakatingin lang sya sa akin saka nag salita.
"Okay... okay... hay... titingnan ko kung anong magagawa ko sa Friendly date/ pa thank you date mo para... para kay Happy. She must be very special. And thank you sa pagpapatawad mo." Wala na akong kayang sabihin sa ngayon nilapitan ko na lang sya at niyakap. Kung tutuusin wala naman talaga syang kasalanan sa mga nangyari sa pamilya ko. Sadyang nilamon lang ako ng galit ko kaya lahat damay na.
Valentines Day! Hindi ko man gets kung ano ang special na araw nato, para sa akin kasi araw araw valentines. Nagkataon lang na overwhelmed pa din ako sa lahat ng naging resulta ng pagbababa ko ng pride ko. Hindi na din ako magsisinungaling na naging malaking parte non si Happy. Never sya nag demand ng gagawin ko pero ng dahil sa personality nya at sa sarili nyang paraan marami akong natutunan pag dating sa kaligayahan at kapatawaran.
Hiningi ko na ang tulong ni Sharlene at DJ. Sa totoo lang umalma pa nga si DJ eh. Hindi ko naman din sya pinilit. Hindi ko alam kung anong hangin ang nagdala sa kanya dito para tulungan ako...
Medyo awkward kasi hindi naman kami sanay na hindi nagbabangayan sa twing nagkikita. Nakikiramdam lang ako habang nag seset up kami ng mesa para mamaya. Sa gitna ng katahimikan ay binasag ni DJ ang katahimikan sa aming dalawa...
"Gusto mo ba sya?!" Mukhang seryoso sya sa tanong nya, at kahit na di pangalanan ay alam ko kung sino ang tinutukoy nya...
"Gusto? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang yan. Ang alam ko lang mula ng dumating si Happy sa buhay namin ni Elha, ang daming nabago, ang daming nangyari. May mabuti, may hindi. Ang pinaka importante sa lahat DJ, sa dami ng maling nangyari sa buhay ko si Happy lang ang naging tama.. kaya kung tatanungin mo ako ngayon kung gusto ko sya? Hindi! Hindi lang kasi tipo si Happy ng babae na ginugusto lang sya yung tipo ng babaeng minamahal at hindi pinapag sawaan. Kapag kasi ginamit natin yung term na gusto nananawa din tayo parang gamit lang gusto mo ngayon tapos kapag may bagong uso syempre mai ingganyo ka dun sa bago...."
"Alam mo! Para kang tanga! Ang ikli ng tanong ko, oo at hindi lang naman ang sagot pero bakit parang pang cum laude speech yung ginawa mo! Haist...." natawa na lang din ako. "Okay gets ko na! Di mo sya gusto fine! Pero mahal mo?!"
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...