Chapter 6

968 65 70
                                    


HAPPY'S POV....

Oh my god, Happy anong petsa na... Hindi pa din ako nadalaw ng antok nakakaloka na. Buti pa itong si ate Cath himbing na ng tulog umabot na ata ng North Korea si ate sa panaginip nya.. Bakit ba kasi masyado akong affected sa mga nalaman ko tungkol sa Elhie na yun? Pero hindi ganun  kadaling harapin lahat ng hirap na kinaharap nya. Buti nalang at matatag pa din sya kundi kapag nagkataon kawawa naman si Elha. Bushak nagutom ako ah! Makabangon na nga at makapagluto na ng almusal..

Hmmmm, wui.. kompleto si ate ng ingredients ng Carbonara. Pwede nato.. Papalitan ko na lang mamaya pagkagrocery ko...

Mukhang magandang pang peace offering itong niluluto ko. Siguro naman magugustuhan ito ni dodong lalo na si Elha...

"Happy!!!!"

"Bushak! Ate Cath naman oh mang gulat talaga?" pagrereklamo ko. Pakiramdam ko kasi halos lumipad kaluluwa ko nang bigla nalang syang sumulpot sa harap ko.

"Hoy! Sinisi pa talaga ako. Kanina pa ako nasa harap mo, kaso nilipad ata sa kung saan yang isip mo kaya di mo ako napansin. Kaloka ka!"
na

"Ganun na ba talaga ako ka distracted? Haist.. Ni hindi nga ako nakatulog ate.." napahawak na lang ako sa ulo ko dahil ramdam ko na ang bigat at sakit, Puyat pa more Happy..

"Si Elhie pa din ba?" napaangat na lang ako ng ulo sa sinabi ni ate at tiningnan lang sya sa mata.  Sa talino nya alam ko gets na nya yun.   "Oh my gosh Happy! Baliw ka ng talaga. Tsaka para saan tong nakabalot na carbonara? Hindi naman natin kailangan mag baon. Magdadala si aling Lising ng order nating ulam..."

"Hindi yan para sa atin ate, kay Elha at Elhie sana..."

"Eh di wow! Baliw ka na ngang talaga. Kung bakit ba kasi pinapasok mo yang mundo ng magkapatid na yan? I mean wala namang masama, kaso mas makakabuting ipaubaya mo nalang sa kanilang dalawa yung privacy nila..."

"Grabe ka naman maka privacy ate, hindi ko naman sila ginugulo ah.. Gusto ko lang naman makatulong."

"Pwes sabihin mo sa akin ngayon papano mo sila matutulungan?? Kung pakitunguhan ka nga ni Elhie halos isumpa kana nya eh!"

"Wala namang masama ate diba? Sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung papano, siguro sa ngayon gusto ko lang mag share ng goodvibes sa kanila. Para saan pa ang pangalan kong Happy kung hindi ko pwede ishare sa iba diba?"

"Hay naku.. Matanda kana. Alam mo na lahat ng ginagawa mo. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Baka kasi sa kagustuhan mong makatulong mapasama ka pa tuloy. Sya mauna na akong maligo. Infairness wala ka pa din kupas sa sarap magluto ng carbonara the best, Yummm.." at bigla na lang nagtatakbo palayo.

Tingnan mo etong si Ate dinaan lang ako sa boka at kwento di ko man lang namalayan na kumain na pala sya.. Napatingin ako sa phone ko na tumunog, si Papang.

"Hello Pang, goodmorning to me, goodnight to you.." nakangiti kong bati sa kanya para naman di mapansin ni Papang na medyo hagard ako.

"Ba... ang hyper naman ata ng anak ko ngayon. Mukhang maganda ang tulog natin ah..."

"Ha, ah eh.. Oo naman Papang sobrang ganda talaga ng tulog ko.. Pang may gusto lang sana akong itanong sayo..."

"Mukhang seryoso nak ah, sige ano yun?"

"Pang, bilang lalaki sa papano mong paraan gusto mong suyuin ka? Lalo pa at para ka ng nilamon ng sama ng loob?"

"Teka anak?! Lalaki talaga? Umamin ka nga, may nagugustuhan kana bang lalaki para maglakas loob kang magtanong sa akin ng ganyan? Para kasing nakalimot ka na Tatay mo ang kausap mo!"

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon