ELHIES'S POV...Ilang buwan na din ang nakakaraan at kahit papano ay naging maayos naman ang takbo ng bagay bagay sa amin ni Happy. Patuloy lang ako sa panliligaw ko sa kanya. Masaya pala yung ganitong old school ligawan. Yung tipong araw araw ka mag iisip ng panibagong diskarte tapos hindi ka mawawalan ng kaba kung magugustuhan ba nya mga pasorpresa mo o hindi. Basta ang hirap iexplaine.
"Kuya......" narinig ko na namang nagmamaktol ang magaling kong kapatid habang papasok sa kwarto ko.
"Elha naman di ba pinag usapan na natin to?"
"Kuya naman kasi eh, gustong gusto ko sumama. Amusement Park yun Kuya please naman po... please... kahit bawasan nyo pa po baon ko isama nyo lang ako ni Momy Happy kuya please..." pilit kong pinigilan ang sarili kong magalit dahil sure akong hindi din naman makakatulong kung sasabayan mo ang pagmamaktol nya. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa tabi nya.
"Elha... gusto ko sanang masolo muna ang Momy Happy mo. Diba sa lahat ng date namin dalawa lagi ka naman kasama? Baka pwedeng kahit ngayon lang..." mahinahon kong sabi sa kanya.
"Sobra po ba akong makulit kuya pagkasama nyo ako? Hindi po ba kayo nag eenjoy kapag kasama nyo ako sa mga dates nyo? Si Momy Happy naman po kasi ang may gustong isama ako. Hindi naman po ako diba? Sorry kuya..."
"Hindi yun sa ganun Elha, masaya nga kapag tatlo tayong namamasyal para tayong isang buong pamilya, pero ngayon kasi gusto ko naman maranasan yung totoong date na walang anak na dala..." pagbibiro ko sana umubora.
"Ikaw kuya ha... napaka advance nyo po mag isip. Sige na po hindi na ako sasama nagets ko na po ang pinanggalingan mo... gusto nyo lang po masolo ang Momy ko. Kuya wag kang magsasawang antayin si Momy Happy ko po ha? Kasi ramdam ko po na meant to be kayo."
"Oo naman! Pareho tayo ng instinct Elha malakas din ang pakiramdam ko na si Momy Happy mo na talaga yung babaeng nakatakda para sa akin. Tara na! Sunduin ko na ang Momy Happy mo at iiwan muna kita kay kuya DJ. "
"Wow.... talaga po? Pinapayagan nyo po akong makasa sya Kuya?"
"Wow parang OA ka naman ata sa reaksyon Elha. Hindi halata na gustong gusto mo talagang sumama sa kanya. Baka naman sya na ang favorite kuya mo at nasa 2nd place na lang ako😒" pag iinarte ko.
Mabilis naman itong tumakbo papalapit sa akin at agad niyakap ako ng mahigpit. "Si kuya talaga oh, ginagawang komplikado ang sitwasyon. Syempre naman po #1 ka po sa akin at nasa 2nd spot si Kuya DJ. Pareho ko po kayong kapatid kaya pareho po kayong importante sa akin.."
Habang nagkukulitan kaming magkapatid ay bigla namang may malakas na katok sa pinto.
Tok! Tok! Tok!
"Speaking! Mukhang ang kuya DJ mo na yan."
"Kuya kukunin ko lang po ang bag ko sa kwarto kayo na po munang bahala mag bukas ng pinto..." sa edad ni Elha nakakaproud lang na marunong na itong magligpit ng sarili nyang gamit. Kaya sa twing may lakad ay laging handa ang maliit nyang bag pack na laman ay ang kanyang pang kikay kit. Face powder, tissue, extra shirt and short at kung anu ano pa. Kaya hindi ko na pinoproblema mga maliliit na bagay sa kanya.
"Elhie! Sumasakit na kamay ko ha! Kanina pa ako katok ng katok!" Salbahe talaga!
"Sino ba kasi nagsabi sayo na baragin mo pinto namin. Masyado kasing maikli ang pasensya mo eh!" Panenermon ko.
"Wow parang ikaw hindi ah! Nahiya naman ako sa haba ng pasensya mo! Asan na si Elha?" Ganito pa din kami ni DJ, bangayan at walang awat basagan pa din ang ginagawa. Pero mas ayos na kasi tanggap na din naman namin ang isat isa.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...