HAPPY'S POV....
"Happy anak, pagpasensyahan mo na ang Papang sa mga pagkakamaling nagawa ko. Tama ka mabuting tao si Elhie. Wala akong dapat ipag alala. Mahal ka ni Elhie anak at tuluyan ko ng ibinibigay ang blessings ko sa inyong dalawa.." Halos tila na statwa ako sa mga narinig ko sa aking ama,, talagang hindi ako makapaniwala...
"Pang totoo po? Tanggap nyo na po si Elhie?" paniniguro kong tanong, mahirap na at baka nag aassume lang ako..
"Ayaw mo ba anak? Pwede ko naman bawiin ang sinabi ko.." bushak at nanghamon pa talaga ang aking butihing ama.
"Syempre Pang hindi! I mean gustong gusto ko po,,, Sobra, sobra, sobrang saya ko Pang.." at binigyan ko ang aking ama ng napakahigpit na yakap...
"Oh sya sige na Happy puntahan mo na si Elhie, dalhin mo sya dito nang makahingi na din ako ng despensa sa kanya. At habang wala pa kayo ay magluluto ako ng hapunan natin nang mapasarap naman ang kwentuhan nating tatlo.. It's been a very stressful day sa ating tatlo." Lord kung panaginip man ang lahat ng to ayaw ko na pong magising...
"Sige po Pang aalis na po muna ako. Siguradong matutuwa si Elhie sa ibabalita ko sa kanya." Agad naman akong takbo sa may pintuan. Napahinto ako ng tawagin ako ni Papang..
"Happy anak! Mag iingat ka. Hihintayin ko kayo ni Elhie dito." at binigyan pa nya ako ng napakatamis na ngiti..
"Pang .... Thank you po talaga. I love you Pang.."
"I love you too anak...." nang marinig ko ang sagot ni Papang ay tuluyan na akong umalis.
"Mhie! Momy were here!" naramdaman ko ang mumunting pag alog sa akin at malambing na haplos sa aking mukha. "Momy ko, asawa ko..Gising kana. Andito na po tayo." nang muli kong marinig ang boses na iyon ay tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata, at ang mukha nga ni Elhie ang tumambad sa akin..
"Elhie???" buong pagtataka kong tanong. At sa pagkagulo ng isipan ko ay napabalikwas ako at hinaplos haplos ang mukha ko ganun na din ang kay Elhie...
"Mhie! Okay ka lang ba? Ang wierd mo. Ako to! What happend? Nanaginip ka ba?" sunod sunod din nyang tanong dahil na din siguro sa naguguluhan na din sya sa mga pinag gagagawa ko.
Makailang beses din akng napabuntong hininga bago nag sink in sa katawang lupa ko na panaginip lang pala lahat ng yun. Saklap! Bushak!!!!
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...