"Hello Philippines and Hello world! This Happy Dale Endozo ready to make your day all the way....."
"Aba! Iba din... Ngayon ko lang na realize ha, may magandang epekto din pala sa katawan ang pag dodonate ng dugo. Bumalik ang pagiging hyper mo bunso! Namiss ko yung ganyang aura mo. Tuloy tuloy mo lang yan ha..."
"Ate Cath talaga.. masaya lang ako... Una sa lahat, nagtext si Elhie kagabi na ligtas na si Elha at kahit papano mas mabuti na ang lagay nya kumpara kahapon...." sa mga sinabi kong yun ay gumuhit naman ang nakakalokang ngiti ni ate sa mukha.
"Ah... So... Nagdonate ka lang ng dugo, naging mag textmate na kayo ni Elhie ay iba...."
"Ate naman kasi hindi naman sa ganun.. Ano.. Ano kasi eh..."
"Hay naku bunso naman masyado ka namang defensive napapaghalataan ka tuloy. Wala namang masama sa sinabi ko diba?" talaga naman... Kilala ko ang ate kong to, akala mo seryoso pero sa totoo lang alam kong binubully na nya ako sa utak nya.. " Kung yun ang una sa lahat ano naman yung pangalawa?" pahabol pa nyang tanong. Oh diba sabi sa inyo eh may something na tumatakbo jan sa utak ni ate pasimple lang yan... Kaya deadma ko na lang ng di naman ako mas lalo pa nyang asarin.
"Pangalawa naman.. Hmm... Ang sarap pala sa pakiramdam ng nakakatulong ate. Lalo na kapag bukal sa puso mo tapos dama mo din kung gaano kasaya yung natulungan mo, walang kapantay na gaan sa kalooban yung nararamdaman ko ate..."
"Hmmm.. May point ka naman dun. So ano yung lang ba?" pasimple talaga si ate.. Haist....
"Tao po...." and save by the bell.. Biglang may taong kumakatok sa pinto. Buti na lang at nakahanap ako ng dahilan para makaiwas sa pang iintriga ni ate. Bukod kasi don sobrang saya ko kasi sa wakas okay na kami ni Elhie at mukhang ito na ang umpisa ng maganda naming samahan...
Naputol ang pagmumuni muni ko ng bumalik na si ate Cath. Siya na kasi ang nagrepresentang mag bukas ng pinto... Nagulat ako ng pagkabalik nya ay may dala dala na itong isang malaking boquet ng red roses...
"Wow ate, ang ganda..... Kanino galing?"
"Hay naku kanino pa eh di kay Danny.. " dinig ko ang malalim na buntong hiningang pinawalan ni ate.
"Ang sweet nya ate ano at ang tyaga pa, mahal na mahal ka nyang talaga. Sana kapag dumating na ang tamang panahon mahanap ko din ang lalaking mamahalin ako ng totoo. Yung kayang sabayan ang sapak ko! At yung makakasama ko na pang habang buhay.. Hay... Sarap sigurong mainlove ate..."
"Ay oo naman the best feeling na mararamdaman yun ng isang tao...."
"Para namang na expirience mo ng magmahal ah..." pasimpleng banat ko kay ate. Actually may gusto lang akong hulihin eh....
"Oo naman, ang sarap kaya mainlove...." wala sa hulog nyang sagot.
"Hahahah na huli kita don ate! Hahahaha.. so na inlove ka na nga? Yiiieeehhh...."
"Hay naku itatanggi ko pa ba? Ikaw lang naman yan eh. Kahit hindi ko pa sinasagot yang si Danny noon pa man mahal ko na sya. Alam mo yung nakikita mo na ang sarili mong makakasama mo sya pang habang buhay. Minsan nga rumurupok na ako eh. May mga pagkakataong gustong gusto ko na syang yakapin at ipagsigawan sa buon mundo na mahal na mahal na mahal ko sya...." kita ko ang lungkot kay ate ng sabihin nya yun.
"Kung bakit ba kasi pinipigilan mo ang sarili mo ate? Sabi mo nga masarap ang mag inlove, pangalawa sabi mo matagal mo ng minamahal at higit sa lahat kay kuya Danny mo nakikita ang future mo. Hindi pa ba magandang senyales yun?"
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...