Chapter 11

856 66 93
                                    

Masinsinang heart to heart talk ang nangyari sa amin ni ate Cath kagabi. Sa totoo lang hindi ko talaga ma gets kung bakit nya pinapahirapan ang sarili nya. Wala namang masama kung magmahalan sila ni Kuya Danny diba? Kahit nasa Canada naman kami pwede pa din naman silang mag communicate. Naniniwala naman ako na walang imposible para sa dalawang taong nagmamahalan. Para sa akin kasi basta matatag lang ang faith nyo kay Papa G at sa isat isa walang imposible. Lalo pa kapag sinasamahan ng effort, ay pak! Panalo!



Kagabi ko lang napag alaman na isa si ate sa mga taong hindi naniniwala na pwedeng mag work ang Long Distance Relationship o LDR. May mga point naman sya eh. Pero kasi nemen masyadong advance mag isip si ate. Wala pa man din iniisip na nyang masasaktan lang sila pareho kasi hindi daw magwowork yung ganung relasyon.


"Bushak!" sa sobrang lalim ng iniisip ko sa pinag usapan namin ni ate kagabi nakalimutan ko nga pala ang niluluto kong sinigang. Kulong kulo na pala kaya halos suntukin na mg sabaw ang takip ng kaldero....Buti na lang talaga at kinaya kong gumising ng maaga.


Sabi nga nila masarap ang maasim at mainit init na sabaw para sa taong stress at puyat! Joke lang nemen. Gawa gawa ko lang naman ang kasabihan na yun!


Ipinagluto ko si Elhie ng makakain nya. Kagabi noodles lang ang naibigay kong pagkain sa kanya kaya paniguradong gutom yun... Pagkaluto ng sinigang ay inilipat ko na sa lalagyan at nang makaligo na din ako...


"Happy, aalis kana?" palabas na ako ng pinto ng tawagin ako ni ate.


"Oo ate hindi na kita ginising alam ko naman kasing napuyat ka kagabi. Sya nga pala ate, may iniwan akong sinigang jaan kumain ka na lang bago ka umalis.."

"Abah... Happy mga galawan mo para kay Elhie, galawang pang jowa ah. Kontodo asikaso at kung effort ang pag uusapan taas ng level bunso!" naku nayari na talaga, hyper nanaman si ate at mukhang handa nanaman syang alaskahin ako... Haist...


"Ate talaga oh! Isyu yan.. Gusto ko lang makatulong sa magkapatid kahit sa ganitong paraan lang... Walang halong malisya.."


"Ano ka ba bunso syempre joke lang yun. Paki sabi kay Elhie mamaya ako bibisita kay Elha after class ha. May mga hahabulin pa akong trabaho sa faculty eh..."


"Sige, sige ate ako na ang bahalang mag sabi. Aalis na ako ate ha .." sabay lapit ko sa kanya at bumeso.


"Sige mag ingat ka..."


----------------------


Pagkapasok ko sa kwarto kung nasaan si Elha at Elhie ay nakita kong natutulog ang dodong ko sa tabi ni Elha. Hay naku Dong paka gwapo mo talaga. Sana lang bumait kana at nang di na tayo nag aaway. Masarap kaya ako maging kaibigan... Para akong ewan natatawa na lang ako sa pinagsasabi ko. Bahala na tulog nemen eh....


Napatikom ako ng bibig ko ng unti unti ng bumukas ang mata ni Elhie..


"Goodmorning dong..." napabalikwas naman sya ng bangon ng makita nya ako.


"Teka, anong oras na ba?"


"5:30 pa naman... Pasensya kana ha naistorbo ko ba tulog mo? Sorry talaga..."


"Hindi naman, nagulat lang ako sayo. Ang aga aga pa. Masyado ka ng naabala ng pagpunta mo dito..." wui... Na touch ako dun ah... Wala mang lambing sa boses nya ayos lang. Importante kalmado ang Dodong.


"Ay grabe, abala talaga? Wala lang to lahat Dong. Eto nga pala may dala akong sinigang na buto buto. Kumain kana habang mainit pa, para mainitan din yang tyan mo... Pampagising din to ng diwa..." at saka inilapag ko naman ang mga dala ko sa side table para mihain na ang sabaw.


Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon