Yam,
I'm always looking forward to wake up every morning because i know i have my own Happy pill.
I love you so much my soulmate.
❤️❤️❤️❤️❤️.Dongskie.
Short and sweet! Ke aga agang pakilig ang ginawa ng Dodong nato sa akin. Masyado na ding madiskarte eh. May sarili na syang paraan para maabutan ako ng sulat araw araw at ang mas nakakakilig sa lahat ay sinisigurado nyang nababasa ko bawat sulat nya pagkagising ko sa umaga. Isinisiksik lang nya to sa may bintana ng kwarto. Wala naman kasing 2nd floor itong apartment ni ate Cath kaya madali lang para lay Dodong ang maglagay ng sulat sa bintana... Diskarteng malupit!!!😏
"Goodmorning bunso... ke ganda naman ng ngiti na yan sa umaga! Hhhmmm mukhang nakatanggap kana naman ng sulat galing kay Mr. Note."
"Mr. Note? Ate ang pangit ah! Parang walang sense..." 😏 at talaga namang hindi ko agad napansin ang pagbato nya sa akin ng unan. "Aray! Ate Cath makabato ha..."
"Eh ikaw, maka walang sense ka naman. Ang cute kaya. Mr. Note! Na walang ibang ginawa kundi dikitan ka ng note kung saan man nya naisin kaya bagay lang yun sa kanya... mas malala pa nga eh nung nilagyan ka nya ng sticky heart sa likod mo na may naka sulat na MY SOULMATE with all the ❤️❤️❤️ pa. Corny bunso ah.. Pero infairness nalampasan nya ang level of sweetness ni Danny..😏"
"Bakit mo nemen na sabi ate??" Pabebe kong tanong.
"May kanya kanyang diskarte ang mga lalaki kung papano nila ipaparamdam sa babae kung gaano ka importante sa kanila yung mahal nila. Masyado lang kasing clingy at showy si Elhie si Danny naman malambing din sobra pero hindi sya masulat na tao. Mas prefer nya ang magpakilig in his own unique way at kung ano man yun akin na lang yun..."
"Si ate talaga oh! Pero ate thank you ha. Sobrang nagpapasalamat ako kasi hindi ka masyadong advance mag isip sa mga bagay bagay mas pinipili mo pa din ang makinig at umintindi. Kaya ang swerte swerte ko kasi may ate akong tulad mo. Mwuah... lab you ate..." niyakap at hinalikan ko si ate sa pisngi.
"Sus nambola ka pa talaga. Ano ka ba naman Happy kung may unang tao na makakaintindi sa sitwasyon nyo syempre ako yun. Tsaka alam ko naman na mapapagkatiwalaan ko kayo kaya para sa Team DongYam Team panatag ako.☺️"
"Aaayyiieee, ate... Ate papano nyong na handle ni Kuya Danny yung pressure na pigilan ang sarili nyo na hindi pa tamang panahon na maging kayo.... Lalo na sa part mo ate, ang hirap non ah pinigilan mo ang sarili mong mahalin sya at suklian bawat pagpapakilig nya sayo. Samantalang si Kuya Danny lahat gagawin nya para ma impress ka..."
"Parang kayo lang ba ha Happy??"
"Hihi... parang ganun na nga ate.😊"
"Syempre hindi naman talaga madali, siguro kinaya ko kasi mas pinili ni Danny na tulungan din akong ihold yung nararamdaman ko para sa kanya. Sabi nya sapat na daw sa kanya na alam nyang walang ibang lalaking involve. Kaso syempre kahit di ako kagandahan eh may napapatingin at nagtatangkang manligaw.. dun naman pumasok ang responsibilidad ko na iparamdam sa kuya Danny mo na kahit wala pa man kaming label eh kanyang kanya lang ako. Kahit si Daniel Padilla pa man ang maglumuhod sa harapan ko hinding hindi ko sya ipagpapalit kay Danny.."
"Wow ate nakakabilib talaga kayo, sana all.."
"Oo naman! Basta piliin nyo ang tamang desisyon at syempre kaakibat non ay ang responsibilidad na mapanindigan nyong dalawa yun..."
"Thank you ate, napagaan mo talaga loob..."
"Momy Happy, Teacher Cath... Goodmorning..." tawag ni Elha at tuloy tuloy sa pagkatok sa pinto.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...