Halos kaladkarin ako ng Papang ko papasok ng bahay. Sa bawat paghatak at pilit nyang paghila sa akin ay dama ko ang nag aalab na galit ng ama ko sa akin. Kasalanan ko naman to kaya lahat tatanggapin ko..
Nang nasa sala na kami ay agad naman nyang iwinasiwas ang mga kamay ko!
"Pang please,, magpapaliwanag po ako. Please Pang.." halos humahangos na ako sa kakahagulgol ko ng iyak. Napaghandaan ko na to kaya kahit anong mangyari ipaglalaban ko ang relasyon namin ni Elhie..
"Magpapaliwanag? Anong pagsusinungaling nanaman ang sasabihin mo Happy? Hindi ako nagpapakahirap sa ibang bansa para pagsinungalingan mo lang! Happy! Happy anong nangyari? Bakit mo sinuway lahat ng utos ko? Ano bang pinakain sayo ng lalaking yun?!"
"Pang please mabuting tao si Elhie,,. Mahal ko sya, mahal nya ako. Nagmamahalan kaming dalawa Pang."
"Lintik na pagmamahal yan! Nang dahil ba sa kanya kaya pati ang pagkaka approved ng visa mo ay inilihim mo pa?"
Halos parang echo na paulit ulit bumubulong sa tenga ko ang salitang visa. Para akong na statwa na,, hindi ko maigalaw ang sarili ko at ang gusto ko na lang ay maglaho na lang bigla..
Ilang linggo na din ang nakakaraan ng nalaman kong aprobado na ang Visa ko after ng halos, 5x attempt ko. At buo ang desisyon kong itago yun sa lahat....
"Nagulat ka ba? Actually ganyan din ang naging reaksyon ko nang nalaman ko! Kung hindi pa kami nag pang abot ng Ninong Larry mo sa Embassy hanggang ngayon wala pa din akong alam!!!" Pakiramdam ko ay dinudurog ang buong pagkatao ko sa pagsigaw ni Papang.
"So ano na? Ano nang kasunod nyang pagsisinungaling mo ngayong alam ko na ang totoo? Magbabago kana ng desisyon? Mas pipiliin mong mag stay dito para sa lalaking yun? Sumagot ka!"
"Tito?!" Para akong nakahinga ng marinig kong dumating na si ate Cath, ang totoo takot na takot na talaga ako. Pati dila ko ay umatras na at wala na akong kayang sabihin. "Ano pong nangyayari Tito?" Agad naman ako nilapitan ni ate Cath, niyakap at pinunasan ang mga luha ko. Napahigpit din ako ng yakap sa kanya.
"Sige! Ano to kampihan? Catherine ibinilin ko sayo si Happy dahil akala ko mapapasunod mo sya at madidisiplina pero parang hindi ganun ang nangyari eh..."
"Tito wala po akong maintindihan..." at tiningnan ako ni ate Cath na puno ng pagtatanong at muli ay wala akong maisagot. Sobrang na giguilty na ako pati si ate Cath ay nadamay pa sa gulo.
"Wala kang maintindihan? So nagpabaya ka? Hinayaan mo yang pinsan mong maglamyerda jan sa labas at nakikipag lampungan sa boyfriend nya!"
"Boy... boyfriend???" At talagang puzzeled si ate sa mga nangyayari.
"huh! Matatawa na ba ako? Magkasama kayo bente kwatro oras tapos wala kang alam? So napabayaan mo nga!"
"Happy... " dama ko ang pagkalungkot sa boses ni ate.
"I'm sorry ate.. sorry talaga... Mahal na mahal namin ni Elhie ang isat isa at sa tingin ko wala namang mali kung pagbibigyan namin ang mga sarili namin tsaka ate wala naman kaming masamang ginagawa..."
"Wala pa! Alam ko na mga ganyang galawan Happy. Papunta pa lang kayo pabalik na ako kaya alam na alam kong yang liko ng bituka ng mga lalaking yan..." hindi ko talaga maintindihan ang Papang ko kung bakit napaka bigat ng loob nya kay Elhie.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...