Chapter 38

630 47 31
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"

"Elhie, apo... Gusto sana kitang makausap.."

"Maka usap? May dapat pa bang pag usapan? Sige na ho, makaka alis na ho kayo." Sa inis ko sa matandang to ay tinalikuran ko sya at tuloy tuloy ako sa paglalakad palayo sa kanya.!

"Apo, matanda na ako ano mang oras ay pwede na akong mawala. Gusto ko lang sana..... sana bago man lang ako mawala sa mundo makasama ko man lang kayong tatlo. Ikaw si Elhie at si DJ...." at mas lalong nag init ang ulo ko sa kanya ng marinig ko syang umiiyak.

Nakatalikod lang ako sa kanya dahil hindi ko sya kayang harapin. Yung galit ko sa kanya magpahanggang ngayon hindi pa din nawawala...

Bumuntong hininga muna ako ng maka ilang beses bago ako nakakuha ng lakas ng loob para harapin sya.

"Natitirang panahon? Bakit mamamatay ka na ba? Huh! Tingnan mo nga naman oh! Pagkatapos mong alipustahin at alilain ang Momy ko dahil hindi ko sya matanggap tanggap, ngayon andito ka para magmakaawa na makasama kami bago ka malagutan ng hininga. Too late! May mga bagay na sadyang hindi mo na maayos dahil mas pinili mong sirain noon pa man!"

"Apo ano bang pwede kong gawin para lang mapatawad mo ako. Sising sisi na ako sa lahat ng pagkakamali na nagawa ko sa inyo noon lalo na sa Momy mo. Lahat gagawin ko, mapatawad mo lang ako Elhie..."

"Gusto mo talaga? Kahit ano?" Sinusubukan ng matandang to ang pasensya ko eh!

"Oo Elhie kahit ano..."

"Buhayin mo ang Momy ko at dalhin mo dito. Ano? Di ka makasagot? Kasi alam mong imposible at hindi ko kaya! Quits lang tayo tanda! Imposible ding mapatawad kita dahil hindi ko na kayang makasama ka. Tandaan mo yan!"

Wala na akong paki alam sa sasabihin nyo! Nanunuot hanggang buto ang galit ko sa kanya. Judge me ayos lang! Wala naman kayong alam sa hirap na pinagdaanan ng pamilya ko dahil na din sa kanya. Lalong lalo na ng Momy ko.

Mula pa man noon ay di na nya tanggap ang Momy ko dahil hindi sya anak mayaman. Gusto nya babaeng mapera... okay na sana eh! Ipinaglaban na ng magaling kong ama kaso hindi naman nya napanindigan. Nagpadala sya sa sulsol ng matandang to kaya nauwi lang sa wala ang lahat kaya ang ending ako at si Elha ang nagdusa. Manigas sya!

"Umalis kana tanda dahil kahit ano man ang gawin mo at kahit mamatay ka pa hinding hindi kita mapapatawad tandaan mo yan!"

"Kkkkuuyyyaaaa!!!!" Napahawak ako sa sintido ko ng marinig ko ang boses na yun. Kaya napalingon ako.

"Anong ginagawa mo jan? Pwede ba Elha pumasok ka sa loob. Diba sinabihan na kita ma wag kang basta basta lumabas.." naiinis pero pigil kong salita sa kanya.

"No kuya! I cant believe you Kuya. Sa mga narinig ko po kanina parang hindi na po kita kilala kuya.. Lolo natin sya. Bakit mo sya ginaganyan Kuya..." umiiyak na sabi nito kaya lalo pa tuloy nag init ang ulo ko.

"Wala lang alam Elha, hindi mo alam kung gaano kahalimaw ang matanda na yan para ipagtanggol mo pa. Ngayon pumasok ka sa loob at wag na wag kang makikisali dito.." sa mga sinabi ko ay lalo pa tuloy syang humagulgol ng iyak.

"Elha apo,,, ikaw na ba yan??" At mukhang nakahanap ng magandang anggulo ang matandang to. Paawa pa more!

"Lolo... huhuhuhu..... Lolo.... huhuhu..." tatakbo na sana si Elha palapit kay tanda at walang humpay sa pag iyak ng agad ko syang nahawakan..

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon