"Yehey!!!!! Uuiwi na kami, yehey!!!!!" sobrang nakakatuwang tingnan si Elha na sobrang saya habang nagtatatalon sa kama nya.
"Yes,, bebeh uuwi na tayo. Alam kong sobrang saya mo. Pero wag masyadong hyper baka naman mabinat ka nyan..." malambing saway ko kay Elha.
"Makinig ka kay ate Yam Elha, sige ka baka mapagod yan ng kakasaway sayo hindi na nya tayo ipagluto.." sabay saway din ni Elhie, at ang Dodong kumindat pa ng magtama ang tingin naming dalawa bushak!
Papa God, natupad na po ang dalangin ko na maging maayos kaming dalawa ni Elhie. May bonus pang Elha na kahit papano po ay nakikipag inter act na sa amin ni Elhie sana sa ibang tao din, mang aabuso na po ako pwede po ba sanayin nyo na din po ako mga galawan, hirit at tingin ng Elhie na to? Baka kasi di ko na po kayanin, mapasunod ako sa liwanag ng wala sa oras. Mahirap na may pangarap pa ako para sa aming dalawa sana mag level up yung aming dalawa! Bushak ka Happy focus!!!!
"Wow.. Mukhang uwing uwi na pamilya Ventura ah!!!" sabay pa kaming napalingon ni Elhie, si Doc pogi pala.
"Doc!" agad naman syang nilapitan ni Elhie..
"Parang happy family lang ah! May Dady at Momy at isang super cute, super kulit at super happy na baby..'' pag bibiro ni Doc, kaya ako agad naman ang react.
"Wui Doc, masyado pa kaming bata. Focus muna..." napapaghalataan tuloy na napaka defensive ko. Haist.... Pero kinikilig talaga ako....
"Ay mga bata pa pala kayo? Hindi nyo man lang ako iniform. Akala ko kayo ang parents ng cute na cute na baby nato..." sabay karga nya kay Elha.. "Tama ba si Doc Pogi?" hindi pa din talaga tumigil. Pakiramdam ko tuloy pasong paso na ako sa pang gigisa ni Doc. Napadako naman ang tingin ko kay dodong ang mokong galing din magtago ng feelings eh, may payuko yuko pang nalalaman. Busy busyhan kuno pero ang totoo nagtatago ng kilig... Aaaayyyiiieee.. Charot!!!! Wish ko lang mutual yung kilig. Yung tipong hindi ako nagpapakadelulu na kinikilig din sya tulad ko.. Haist kawawang Happy, focus kasi!
"Miss beautiful, ano na tulala kana?'' nabalik ako sa wisyo ko nang akbayan ako ni Doc. Ganun na talaga kalayo ang inabot ng utak ko. Hindi ko man lang napansin ang paglapit nya sa akin. Sa pagkakatanda ko karga nya kanina si Elha tas bigla na lang nasa tabi ko na sya...
"Hoy! Ano yan?! Kasama pa ba yan sa trabaho mo bilang doctor?" kung mabilis si Doc wala nang bibilis pa kay Dodong. Agad na lang syang nasa kabilang gilid ko at dahan dahan tinanggal ang kamay ni Doc. "The last time I check walang sakit ang Yamyam ko, kaya no need para akbayan sya gets?!" mag a-assume na ba ako mga bai? Hhhhheeeellllppppp!!!!!!!
"Very teritorial ang Daddy mo baby hindi ka talaga maagawan ng Mommy..." at kumindat pa kay Elha.
"Go Dadhei!!!" sabay pa kaming napatingin tatlo kay Elha. "Hihihihih.. I mean Kuya pala! Go Kuya!" wala man sa ang biro ni Elha natawa naman kaming lahat..
"Mukhang magaling na magaling na nga si Elha.... Wag masyadong magpapagod muna baby ha. Higit sa lahat doble ingat alam mo na lalo na sa lamok. Kain ng prutas at gulay okay?"
"Promise, Doc pogi!" at nag high 5 pa silang dalawa. Laki na ng pinagbago ni Elha. Nag bago sya in a very good way... Thank you Papa God.
Matapos ang pang gigisa at pangungulit ni Doc pogi ay tuluyan na din syang umalis. At sa wakas natapos din ang pagliligpit ready to go! Habang sinusuklayan ko ang buhok ni Elha ay halos mapatalon kaluluwa ko ng maramdaman kong nasa likod ko na si Elhie na dikit na dikit sa akin to the point na nararamdaman ko na ang hininga nya sa may tenga ko. God feeling ko may napakalakas na boltahe ng kuryente na tumatakbo sa pareho naming katawan. Papa God rumurupok na po ako! Tulong!!!!
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...