At dahil na din sa pangungumbinsi ni Jazmine kaya napapasok kami ngayon ni Elhie. Ayaw sana ni Dodong ang pumasok sa school dahil di din naman daw sya makakapag focus dahil na din sa kalagayan ni Elha. Ganun na din sana ako eh, balak ko na din ang di pumasok ngayon, nakapag sabi na din naman ako kay Ate Cath at pinayagan naman nya ako.
Bukod sa pagpupumilit ni Jaz, napa oo nalang kami ni Elhie ng walang humpay ang pagsenyas ni Elha ng thumbs up at umalis na kami. Sinamahan pa nya ng matatamis na ngiti. In time, alam kong makakapagsalita si Elha ulit.
Kahit na ang daming nangyari kanina at sa ikli ng oras nakapag kwentuhan kami ni Jaz. Anak pala sya ng dating Yaya ng magkapatid. Halos sabay na silang lumaki kaya parang kapatid na din ang turingan nila. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May kung anong kumalabit sa puso ko ng marinig ko ang magkapatid nilang turingan, bushak napangiti tuloy ako! Isama mo pa yung maka hulog ngala ngala at puso na sinabi ni Jazmine, ako daw ata ang taong binigay ni Papa G sa magkapatid para bigyang liwanag at saya ang buhay ni Elhie at Elha... Bbbuussshhaaakkk.... Ane beh....😄😄😄
"Alam mo ang wierd mo! Bigla bigla ka nalang tatahimik tapos biglang ngingiti baliw lang?!" nabalik ako sa sarili ko ng marinig ko yun kay Elhie. Kalokang lalaking to, wala ng magandang sinabi tungkol sa akin.😒😒😒
"Grabe ka sa akin ha, wierd na baliw pa? Ano pa? Isagad mo na Dong. Nakakawala ka ng self confidence..." halos maiyak na ako sa asar! Promise kaunting kaunti na lang. Pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi ayaw kong umiyak sa harap nya. Ano sya siniswerte!
Halos umabot na ata sa semento ng kalsada ang nguso ko sa pagka simangot. Ka bad trip kasi ng kasama ko eh...
"Oh! Para sayo! Wierdo...." napa angat ako ng mukha sa kanya. At talaga namang nagulat ako sa ibinigay nya. Mag a-assume na ba ako?😍😍😍
Alam nyo ba yun, binigyan ako ni dodong ng bulaklak na gawa sa tissue paper. Grabe Im dead! Bushak namatay ako ng mga 5 seconds... Sobrang effort to bai!! Mas nakakakilig pa yung mga ganitong bulaklak kesa sa binibili. Balah kayo jan!
Gusto kong sumigaw at maglupasay sa tuwa at saya, okay fine gusto kong maglupasay sa kilig...😍😍😍😍.
"Happy, ano ba? Kanina pa tong trysikel oh! May balak ka bang pumasok o wala? Kung magtatagal ka pa jan sa pinag gagagawa mo mauuna na ako at iiwan kita dito!" oh M G... Naloko na talaga! Happy focus...
"Eto na nga oh, sasakay na diba?" agad naman ako lapit at pasok sa loob ng trysikel. Malapit lang sa school ang ospital kung saan naka confined si Elha kaya mag tatrysikel kami ni dodong ngayon..
Mas nawindang ang mundo ko ng agad naman syang tumabi sa akin sa loob at hindi sinasadyang magkalapit ang mukha namin at bushak sa tangos ng ilong nya kaya inabot ang napakaliit kong ilong.
Agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya..."Hhmmm... Dahan dahan naman maka upo parang walang katabi ah, sa bagay sa laki ba naman ng pwet mo eh hahaha talagang kailangan ko mag adjust..." pilit kong dina-divert sa kabaliwan ang eksena, kasi sa totoo lang sa mga oras na to parang sasabog ang puso ko sa kilig at dama kong parang namumulang kamatis na ang mukha ko sa hiya...
"Shut up!" alam kong nagmumukha na akong baliw pero yung mga salitang nakakapag init ng ulo ko tila hindi ko na pinansin dahil na din sa lapit ng mukha namin para akong nagayuma ng napaka bango nyang hininga... Papa G hhheeelllpppp....
Mas minabuti ko na ang manahimik na lang at baka saan pa ako mapadpad ng ka windangan ko sa isang Elhie John Ventura. Habang tumatakbo ang trysikel ay halos hindi mapaghiwalay ang mga balat namin sa isat isa gawa na din ng maalog ang takbo ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...