"Okay! Kayong apat makinig kayo! Na assign tayo sa paghahanda ng pagkain. Kaya na andito tayo ngayon sa kusina. Gustuhin ko mang umalma magiging kasiraan yun sa school natin." Sa tingin ko kaya nagmamaktol ng ganito ai Mrs. Papio dahil hindi sya marunong magluto, wala nga atang alam yan sa gawaing bahay. Naka asa lang sa mga katulong nya."Sino sa inyong apat ang marunong magluto?" Sabi na eh, swabe din nya dun ah!
"Si Yamyam,the best yan magluto!" Hindi ko alam anong nangyari sa akin at talagang lumabas yun sa bibig ko.
Kita sa mukha ang pagtataka. Si Mrs. Papio, Sharlene at DJ ay parehong nakataas ang kilay samantalang si Happy ay halos saksakin na ako sa talim ng tingin nya sa akin. Im dead!
"Ibig kong sabihin si Happy."
"Pano mo nasabing masarap sya magluto? Pinagluto kana ba nito?" Maintrigang tanong ng magaling kong tyahin!
"Wag kana kasi maraming tanong, importante may magluluto para sa atin. Diba Yam? I mean Happy?" Mukhang sa mga tingin nya ay inililibing na nya ako ng buhay. "Go Yam kaya mo yan!" Dagdag cheer ko pa. Hindi ako magpapatinag sa mga tingin nya nuh.
"Happy?" Sabay baling sa kanya ni Mrs. Papio.
"Pahamak ka talagang Dodong ka kahit kelan! Uuirrgghhh!" Hahahaha yes panalo ako! Galit man sya narinig ko naman ulit ang pa Dodong nya sa akin. Team wagi pa din ako!😜 "sige po Mam, wala na din naman akong magagawa." At agad namang tumalikod sa amin.
"Happy, i can assist you." Pampam talaga kahit kelan ang DJ nato! Papatalo ba naman ako?
"Yam, ako na. Mas matutulungan kita kahit papano mas may expirience ako sa kusina..."
"Wala sa inyong dalawa! Subukan nyong sumunod baka kayo ang hiwain ko at isahog ko sa sinigang." Mukhang hindi talaga sya pwedeng biruin. At tuluyan na kaming tinatilikuran.
"Sharlene!"
"Yes Mam!"
"Ikaw na ang mag assist kay Happy."
"Sige po Mam."
"At kayong dalawa, kita nyo tong mga lamesa nato? Punasan nyo yan at lagyan nyo na ng mga plato. Pinapaalala ko lang ha, please magpakatino kayong dalawa kahit ngayon lang.. Maiwan ko na muna kayo!"
At yun na nga pa simpleng umexit ang magaling na si Mrs. Papio. Nagkatama ang paningin namin ni DJ. Huh! Gusto ko syang sugurin at pagsusuntukin hanggang madurog ko pagmumukha nya. Pero kung gagawin ko yun ng walang dahilan, biktima nanaman sya at ako nanaman ang masama. Eh di wow!
Tinalikuran ko na lang sya at kumuha na ng mga pamunas. Magaling ako sa ganitong trabaho. Isa akong service crew ng ilang taon na kaya madali lang sa akin to. Napansin kong walang ginagawa ang magaling na kapreng to! Umupo na lang basta at naglalaro sa cellphone nya. Sige lang mang asar ka lang, pagbibigyan kita ngayon. Ayaw ko lang madagdagan ang asar ni Happy sa akin.
Hindi na din masama ang lagay ng ampunan nato ah. Maayos at maganda ang facilities nila dito. Kung sa bagay mayaman din naman ang sponsor nila. Hm! Ang magaling kong Lolo. Lahat gagawin nila. Siguro sinadya nila to para mabawasan kahit papano yung bigat ng loob nila. Sa laki ba naman ng kasalanan ng anak nya, nang magaling kong ama kulang pa to kung tutuusin.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...