HAPPY'S POV...
Hindi pa man kami ni Elhie ay halos ang hirap ng word na adjusment sa aming dalawa. Hindi pa man kami ay halos hindi ko na ma-control ang pagiging seloso nya. Pero abot abot langit ang pag iintindi na ginagawa ko para lang hindi masira kahit na lang yung friendship na meron kami.
Hindi naman kami ganito dati, bago pa ako sumali sa dance club. Namimiss ko na yung mga lambing nya sa akin. Yung mga makalaglag puso na mga notes nya na parang halos vitamins ko twing umaga....
Hatid at sundo pa din naman nya ako. Yung effort na sabay kami pumasok at kumain sa tanghalian ginagawa pa din naman nya eh. Pero sa twing nagsasama kami madalas halos wala naman na kaming pinag uusapang matino lagi lang kaming dalawa nauuwi sa away at nakakapagod na.
Pilit ko syang iniintindi kasi aminado naman ako sa sarili ko na wala pa naman akong masyadong alam sa pakikipagrelasyon i mean sa pag kontrol ng emosyon. Ang alam ko lang ay masarap sa pakiramdam ang kiligin pero ang kontrolin ang galit at inis sa twing nagtatantraums si Elhie ay hindi ko alam kung papano sya papakalmahin.
Napapa isip naman din ako minsan na baka nahihirapan din sya sa selos na nararamdaman nya dahil tulad ko wala pa ding alam si Elhie sa makamundong pag ibig bushak! Halos gawin ko na ang lahat mawala lang ang selos na nararamdaman nya sa twing sumasayaw kami ni Miguel. Kulang na nga lang ay mag quit ako. Pero hindi pwede dahil para yun sa pag aaral ko...
"Hhhhhaaaapppyyyy!!! Happy! Lutang kana naman! Asan na ba yang utak mo at hinahayaan mong lumipad sa kung saan! Makinig ka girl, 3 days.. as in tatlong araw na lang ay sasalang na kayo ni Miguel sa competition, pero bakit wala pa din akong madamang emotion sayo? Kailangan mong ibigay lahat Happy as in lahat!" Halos mawindang ako sa pagsigaw sa akin ng coach at head ng dance club.
"Im sorry po talaga Mamita, sorry po talaga..." halos lumuhod na ako sa kakapaumanhin sa kanya.
"Makinig ka! Wala tayong mahihita jan sa kaka sorry mo, ayaw kong matalo Happy. Tinanggap kita sa organization na to kasi nakitaan kita ng malaking potential sa pagsasayaw.... Kaya sana naman girl wag mong sayangin! Pinapaalala ko lang sayo Lyrical dance ang category nyo ni Miguel. At capital AYAW KONG MATALO!!!! Geeetttsss!!!!" Sabay walk out ni Mamang. Isang gay si Mamang na may edad na din. Sobrang haba na ng pasensya ang binigay nya sa akin at nahihiya na ako...
"Happy okay ka lang?" Agad ko naman naramdaman ang paglapit sa akin ni Sharlene.
"Okay lang ako Sha.. pasensya kana ha.."
"Nag away nanaman ba kayo ni Elhie?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil hiyang hiya na din ako kay Sharlene. "Sumagot ka Happy..." tanong nya ulit.
"Sharlene! Isa ka pa! Bumalik ka na sa grupo! Makakalbo ko na kayong dalawang magkaibigan eh!" Pati tuloy sya ay nabulyawan pa ni Mamang.
"Sige na Sha, mamaya na tayo mag usap." Buti naman at hindi na to nagpumilit pa at bumalik ma din sa grupo nila.
"Happy, can we talk?" Oo nga pala andito pa si Miguel. Hindi lang pala talaga ako lutang, mukhang lakas ng amats ko dahil wala na akong maintindihan sa mga nangyayari sa paligid ko.
"Miguel, pagpasensyahan mo na ako ha? Tara praktis na tayo ulit. Promise focus na ako.." bigla nyang hinawakan ang braso ko at pinigilan ako.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...