Chapter 45

454 33 12
                                    

ELHIE'S POV....

"Kuya?  Kuya? " nagising ako sa mumunting boses na tumatawag sa akin at halpos sa mukha ko na gamit ang kanyang mumunting kamay...  At nang tuluyan kong inimulat ang aking mga mata nakita ko si Elha na napakalaki ng ngiti sa mukha.

"Elha,,  Elha..  Ikaw nga! " at agad ko syang hinila palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Matagal tagal ding nalayo sa akin si Elha. Dahil na din sa sobrang dami ng nangyari sa amin ni Happy ay ihinabilin ko na muna sya kay Tita...

Habang yakap ko pa din si Elha ay napadako ang tingin ko sa pinto ng kwarto at nakita ko ang malawak na ngiti ni Lolo..  Totoo pala lahat ng nangyari kanina hindi ako nananaginip.  Totoo pa lang pinatawad ko na sya at totoo pa lang napatawad ko na sya ng lubusan...


"Sya nga pala Elhie sinundo ko na si Elha ng di nagpapaalam sayo..  Gusto ko sana ay sabay sabay tayong maghapunan tatlo..  Matagal ko ding pinangarap ito apo.  Baka nalalapit na ang deadline ng buhay ko kaya pinagbigyan na ako ni Bro sa langit! " natatawang naluluha na sabi ni Lolo.



"Lolo?! Bad po yun! Hindi po tama na sabihin ang ganun..  Tsk! Tsk!  Tsk! "  at tila matandang umiiling iling nilapitan si Lolo at handa ng manermon...  "Hay naku! " sabay hawak nito sa noo..  "ayaw ko na po marinig sa inyo yun ha!  Ang sabihin nyo po tinulungan tayo nila Momy at Dady sa heaven para bulungan po si Kuya na makipag bati sa inyo... Yun po ang tama at nararapat... "



Kahit hirap ay pinilit ni Lolo ang lumibel
kay Elha at ginulo gulo ang buhok nito..  "ikaw talagang bata ka!  Ilang taon ka na ba? " natatawang tanong nito.


"Totoo po pala Lo ano kapag maputi na ang buhok nag uulyanin na di nyo na po alam kung ilang taon na ako? Haist! Ano na bang nangyayari sa mundo!" At talaga namang nakapamewang pa si aleng maliit.



"Hahahahahaahahahahahahah....." halos maiyak ang lolo sa kakatawa...  " syempre naman alam ko kung ilang taon kana. Pero kasi dinaig mo pa ang señor citizen kung magsalita..."



"Hay naku Lolo mas lalo nyo lang po pinasakit ang ulo!" At napa iling iling pa sabay naman biglang tingin sa akin.  "Maiba nga pala tayo kuya asan na po ang Momy Happy ko? Masyado nyo na po syang ipinagdadamot sa akin ha! Nakakatampo na po kuya. I want my Momy Happy back!" At ayun na nga mukhang mauuwi pa ata sa  pagwawala ang kapatid kong to!




At sa mga sinabi ni Elha ay muli kong naalala ang lahat! Masyado akong nalibang ni Lolo at Elha. Si Happy nga pala! Dali dali akong napatayo sa kama at agad hinanap ang cellphone ko.


Nang makapa ko na ito sa ilalim ng unan ko at mahawakan ay sya namang pagbagsak nito sa sahig.


"Shit!" Napamura ako ng di ko man lang inisip na nasa harap ko si Elha. Agad kong pinulot ito at pinindot agad ang screen, nakahinga ako ng gumana pa ang cellphone ko. Nasipat ng mata ko ang halo 65 missed calls at 20 messages, at nang buksan ko ito ay si Happy ang kanina pa pala ako sinisubukang makontak... Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan sya.

"Happy please, sagutin mo..." bulong na sabi ko sa taranta ko. Nakailang ring na din ang cellphone nya at di pa din sinasagot. Pero di ko pa din tinigilan ang pagtawag sa kanya hanggang sa wakas...



"Elhie! Asan kana? Ano bang nangyari sayo? Sumuko kana ba? Gusto mo na ba talaga akong iwan? Sumagot ka Elhie! Please... Nagmamakaawa ako sumagot ka naman. Akala ko ba walang sukuan akala ko hanggang dulo lalaban tayo? Pero bakit ka sumuko? Ganun na lang ba kadali sayo lahat?"  Halos wala akong kayang sabihin sa mga oras nato..  Wala na akong ibang narinig mula sa kabilang linya kundi ang pagiyak at hagulgol ni Happy..

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon