Elhie's POV...
Hanggang sa mga oras nato ay para pa din akong baliw na napapangiti. Hindi ko pa din kasi maiwasan ang maalala ang intimate kiss na nangyari sa amin ni Happy kagabi. Wala talaga sa plano yun. Basta may kung ano lang ako na naramdaman sa puso ko na halos nagsusumigaw na halikan ko sya.
Natakot ako na baka masampal ako ni Happy dahil sa ginawa ko. Pero sobrang nanlambot ang puso ko na marinig sa kanyang wala syang pinagsisihan dahil sa akin nya naranasan ang first kiss nya. As for me to be honest, Happy is not my first. Lalaki ako at hindi maiwasan na sumubok ng makundong bagay. It was so called one night stand. Pero nang dahil kay Happy kagabi feels like my first time ulit.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa likod ko. Kahit di ko man sya tingnan ngayon ay alam na alam kong ang Momy ko to at hinalikan nya ako sa pisngi. Natutuwa ako na nakakasanayan at nagiging komportable na sya na halikan ako sa pisngi, at hindi ko na napigilan ang sarili kong kiligin sa twing ginagawa nya yun.
"Ang lalim naman ata ng iniisip ng Dady ko.. Hhhmmm...." at pinanggigilan nanaman nya ang mukha ko and i love it!
Ngayon ang araw ng final game ng team ko at dance contest ni Happy. Same time. Same date. Gustuhin man namin panuorin ang isat isa pero di pwede. Bukod kasi gagawin sa magkaibang lugar ang mga compititions namin ay anjan ang Papang ni Happy. Masyado kaming clingy sa isat isa. Okay fine super clingy ako sa kanya mahirap na at baka makimot pa ako, malandi ko sya sa harap ng papang nya and Im dead!
"Kanina ka pa ba Dhie? Pasensya kana ha hirap na hirap talaga akong takasan si Papang. Lahat na ng aliby ginawa ko. Gusto kasi nyang sabay na kaming umalis.. Sorry talaga Dhie..."
"Ano ka ba Mhie ayos lang yun naiintindihan naman kita eh. Kumain ka na ba? Gusto mo kumain na muna tayo?"
"Pwede nanan. Hindi ka pa ba kumakain Dhie?"
"Hindi pa Mhie eh. Gusto talaga kita kasabay mag almusal..."
"Aaayyyiiieeee.... Ang sweet sweet naman ng Dady ko... Tara! Sayang ang oras dadskie..."
"Hay,,,, ang hirap talaga ng nagtatago Mhie ano?!" bigla kong nasabi habang naglalakad kami papuntang fastfood chain malapit sa school. Napag usapan kasi namin kagabi bago amtulog na magkikita muna kami bago sumabak sa laban.
"Dady nahihirapan ka na ba?" naku yari na mukhang mali ata ako ng nasabi.
"Hindi Mhie, hindi sa ganun! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Nag aalala lang kasi ako sayo Mhie lalo na kapag kailangan mong magsinungaling sa Papang mo sa twing nakikipagkita ka sa akin. Ayaw ko kasing magkasira kayong dalawa Mhie dahil sa akin..."
Niyakap nya ako ng mahigpit at talaga namang nalusaw saglit ang puso ko.
"Wag mong sabihin yan Dhie ha, never kang magiging dahilan ng pagkakasira namin ni Papang hindi ko hahayaan na mangyari yun. Sa ngayon tiis tiis muna tayo. Kapag nakahanap ako ng perfect timing kakausalin ko si Papang tungkol sa atin."
"No Mhie, kakausapin natin syang dalawa tungkol sa atin. Laban natin tong dalawa kaya dapat andun ako oras na handa ka ng sabihin ang lahat sa kanya..." hinalikan ko sya sa noo, magkabilang pisngi, ilong anf lastly sa labi nya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero may kung ano sa mga labi ni Happy na talaga namang nakaka addik!
"I love you Mhie, mahal na mahal kita.." at masaya ako na hindi sya umalma sa ginawa kong paghalik sa kanya.
"I love you too Dhie, sobrang mahal na mahal din kita..." at syempre puluputan na walang katapusan.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...