Halos manlumo ako.. Pakiramdam ko pinagkaka isahan ako ng mundo. Ni isang salita ko ay wala man lang pinakinggan ang Papang ni Happy. Lahat na ata ng paraan ng pagsusumamo ay nagawa ko na, pero bakit ang unfair lang? Feeling ko puno sya ng galit sa akin na hindi ko man lang mawari kung ano ang pinanggagalingan...
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa lugar kung saan ni minsan ay hindi ko na imagine na pupuntahan ko pa. Nasa harap ako ng bahay ng Lolo ko at hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito. Ilang saglit ko ding hinayaan ang sarili ko na libutin ng mga mata ko ang tahanang minsan nagbigay kaligayahan at naging malaking bahagi ng buhay ko...
Masaya kaming naninirahan dito noon, kasama ang Papa, Mama at ang Lolo. Mas lalo pang naging masaya nang ibinigay sa amin si Elha. Sabi nga nila larawan kami ng perpektong pamilya noon... I have a father who's a good provider, protector, a loving husband, a good example to his children.. Pero nabago ang lahat ng yun ng sumiwalat ang katotohanang nagpabago at naging dahilan para mawasak ang masayang pamilyang kinamulatan ko...
Pero kung ganoon kasaya pa ding pamilya ang meron ako ngayon,,, hindi na kaya ako mamatahin ng Papang ni Happy? Matatanggap nya kaya ako ng buong buo at walang pag aalinlangan??? Pakiramdam ko isinusuka na ako ng mundo na ultimo sa kaisa isahang babaeng minahal ko ay pagkakaitan pa ako.. Pakiramdam ko nag iisa ako at walang sino man ang gustong dumamay sa akin..
Dala na din ng sobrang emosyonal ko ay hindi ko namamalayang napaluhod na pala ako sa lupa at hindi na napigilan ang sarili ko na ibuhos lahat ng luha na ayaw papigil sa pag agos..
Habang nakayuko ako ay naramdaman kong may kamay na nakapatong sa balikat ko... "Apo..... " isang pamilyar na boses ang narinig ko. Sa mga oras na ito ay may kung anong kumurot sa puso ko. Punong puno ako ng galit sa lalaking nasa harap ko ngayon , pero sa mga oras na ito isa lang ang alam ko....
Walang pagdadalawang isip akong tumayo at niyakap ang Lolo ko ng napakahigpit. Yakap na hindi ko na matandaan kung kelan ko pa huling nagawa sa kanya...
"Lolo....." ramdam kong para among batang nagsusumbong at nag uumiyak na tila may isinusumbong...
"Iiyak mo lang Elhie,, andito lang ang Lolo..." nang marinig ko iyon sa kanya ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya..
"Thank you Lolo,, you are all I need now..." at ayaw nang tumigil sa pag agos ang mga luha ko.
"Don't worry Elhie your home now.." mga salitang pumukaw na ng tuluyan sa natutulog kong puso na nabalutan ng galit ng halos ilang taon.
Tila Dyos na ang gumawa ng paraan para maitama ang lahat ng pagkakamali.. At oras na din para tuluyan ko ng bitawan ang pait na dala ng nakaraan. Handa na akong buuin muli ang sarili ko, handang handa na.....
SAMANTALA....
HAPPY'S POV...
bakit parang ang tagal tagal na at wala pa ding nangyayari sa labas... Kanina pa ako palakad lakad dito,,, hindi kaya nagka ayos na sila ni Papang kaya tahimik at matiwasay na.. Hhhmmm.. Mukhang tama nga Si Elhie,,, makalabas na nga ng makasali na sa moment nila😊😊..
Pero lahat ng expectations ko ay biglang nag laho ng makita ko ang Papang sa sala na nagkakape at nagbabasa ng dyaryo. Hinanap muna ng mga mata ko si Elhie sa pag aakalang nasa paligid lang sya ng bahay... Hhhmmm... Silipin ko kaya sa kusina baka nagtimpla din sya ng kape nya,,,, Nang abutin ko naman ang kusina ay ni anino ni Elhie ay wala..
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
Teen FictionPapano kayang magkakasundo ang dalawang tao na magkasalungat ang ugali at sa lahat ng bagay? Magkakasundo pa kaya sila? Posible nga kaya ang kasabihang "Opposite Attracts?" Sundan ang magulo, makulay, puno ng goodvibes at katatawanang kwento ng ati...